KABANATA 13

459 22 5
                                    


[ KABANATA 13 ]


"Can I get my goodluck kiss from you, my wife?" Tanong nya sa'kin gamit ang boses na kay malamig.

Ito'y may kakayahang pabilisin ang tibok ng aking puso.

Nung marinig ang mga katagang yun mula sa kanya ay hndi ko maiwasang tignan sya ng naguguluhang tingin. Wala akong alam sa plano nya o kung anong dahilan nya kung bakit sya nandito, na ngayon ay humihinge ng isang halik mula sa'kin? Nahihibang na ba sya?

"A-Ano bang p-pinagsasabi mo, S-Sevi?" Mahinang tanong ko sa kanya habang pinanlalakihan ng mata.

Ako'y napapikit dahil halos lahat ng atensyon nila'y nakatuon na sa'min.

"Tsk! N-Nakakahiya Sevi! A-Ano bang g-ginagawa mo rito? Ikaw na lang ang hinihintay dun." Pagsasaway sa kanya upang tumigil na sya sa kanyang inaasal ngayon.

Hindi ko alam kung maiirita ba ako o magugustuhan 'to? Pati takbo ng aking isipan at puso ay naguguluhan na dahil sa lalaking 'to.

"I need your good luck kiss for me to win this game." Iritableng sagot nya sa'kin at animo'y batang nakasimangot sa aking harapan.

Ako'y napatawa dahil sa inakto nya. Animo'y gusto kong pisilin ang kanyang pisnge at pagbigyan sya sa gusto nya.

"Bakit naman kita hahalikan? Nanalo ka na ba?" Diretsong tanong ko sa kanya kaya mas lalo akong napangiti ng kay lapad dahil sa sumunod nyang naging reaksyon. Ang nakasimangot nyang mukha ay napalitan ng seryoso at nakakamatay na tingin.

"Then, be ready because I'll win this game. Pagakatapos ng larong 'to, hindi mo pagsisisihan ang susunod kong gagawin kasama ka." Nakangising sambit nya bago tuluyang iwanan akong natulala sa mga binitawan nyang salita.

Gosh! Animo'y yumanig ang buo kong pagkatao dahil sa sinabi nya. Ano naman kaya ang tinutukoy nyang gagawin namin?

Imbes na isipin pa yun ay tinuon ko na lamang ang buong atensyon sa magaganap na game ngayong gabi. Ang inaantok kong diwa ay nagising agad dahil sa magsisimula na ang labanan.

Naunang pumwesto si Leighton Willgor para gawin ang unang shot. Ako'y napamangha dahil sa kanyang unang tira, walang mintis ang kanyang ginawa. Pulidong pulido ang pagkakatama ng kanyang palaso sa pinaka gitna. Sumunod si Sadie, gaya ng kay Leighton, ganun rin sya kagaling.

Tatlong shot ang ginawa nilang dalawa pero halos magkapantay lang ng galing.

Sumunod naman si Luther, gaya kanina ay suot parin nito ang mahinging tingin at malaking ngising nakaplaster sa kanyang mukha. Walang kahirap-hirap nitong tinama ang palaso sa pinakagitnang bahagi.

Agad naghiyawan ang mga kababaihan dahil sa pulidong pagkakapana nya. Habang ang unang pana naman ni Slay ay medyo lumayo kaya agad nagulat ang lahat. Pero nakabawi rin sya sa dalawa at pangatlong shot. Sa boarding score ay halos lamang ang Willgor.

Naging mas intense ang laban ng pumwesto ang dalawang lalaking pinakahihintay ng lahat.

Unang pumwesto si Sebastian saka agad na binitawan ang kanyang Palaso. Ngunit halos lahat ay napasinghap dahil gaya sa unang shot ni slay ang nangyari. Kaya mas lamang parin ang Willgor. At ganun rin si Luke. Pero sa pangalawang shot ay naidala ni Sevi ang kanyang palaso habang kay Luke naman ay hindi. Ngayon ay Tie na ang dalawang Clan, mas lalong naging intense ang huling laban dahil kung sino ang mas lamang ang tira ay ang syang mananalo.

"S-Sino kaya ang m-mananalo?" Wala sa sariling tanong.

"We don't know. Kinakabahan ka ba?" Nakangiting baling sa'kin ni Yushiro habang yakap-yakap ang isang stuffed toy.

"M-Medyo," naiilang kong sagot sa kanya pero napanatag ako sa huli nyang sinambit.

"Isipin muna lang yung taong gusto mong manalo," makahulugang sambit nya bago ituon muli ang tingin sa mga manlalaro.

Hindi ko maiwasang sundin ang sinabi ni Yushiro, wala namang masama kung sundin ko 'to?

Pero bago yun ay mabilis na tumira si Luke at medyo hindi tumama ang huling tira nya kaya may pagasa pa si Seb.

Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa magiging huling tira nya. Ako'y napapikit at hilingin na sya ang manalo. Pagkatapos nun ay agad kong minulat ang aking mga mata at eksaktong nagtamang muli ang aming paningin.

Sya'y diretsong nakatingin sa aking mga mata bago bitawanan ang huling palaso, palasong magdidikta sa susunod na mangyayari.

Kasabay ng mabilis na paglapat nito ay ang mabilis na sigawan mula sa lahat, at ang pagtamang yun ay hindi nakaligtas sa aking mga mata. Kitang-kita ko kung paano bumaon sa pinakagitna ang palaso ni Sebastian.

"As we expected, nanalo syang muli." Narinig kong sambit nina Yoshiya at Yushiro sa likod ko.

Nang matapos ay agad kong tinahak ang daan patungo sa kinatatayuan nya ngayon. Hindi ko mapigilang mapangiti ng kay lapad.

Medyo hiningal pa ako sa aking ginawa ngunit hindi ako nagsisisi na puntahan sya at gawin ang pakay sa kanya.

"Y-You never failed to a-amused me, Sevi." Hinihingal kong sambit bago maramdaman ang mabilis na pagkapulupot ng kanyang kamay sa aking bewang. At binitawan ang mga katagang hindi ko inaasahan mula sa kanya.

"Let's go to the place where we can be alone together," nakangising sambit nya bago maramdaman ang marahang pagbuhat nya sa'kin.


_____________

[ A/n: oh yang utak nyo nyahahah ]

I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon