[ KABANATA 2 ]
Agad kaming nakarinig ng malakas na kalabog galing sa itaas. Ilang sandali pa ay unti-unting narinig namin ang mga yapak pababa sa hagdan. Ramdam ko ang malakas na tibok ng aking puso.
Ito na ba ang takdang panahon para makita sya? Malaman kung sino ang taong bumili sakin?
Pero animo'y nabunutan ako nang tinik dahil sa aking nasilayan. Isa lamang itong napaka cute na pusa.
"Sitty!" Malakas na tawag ni Sadie sa pusang mayroong napakaitim na kulay. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o hahawakan 'to.
Nakita ko kung paano lambingin ni Sadie yung pusa.
"Ikaw lang pala yan, Sitty. Where's Sevi?" Tanong nya sa pusa.
Animo'y nakakausap naman nito ng totoo. Hindi ko na lamang sila pinansin dahil pinili kong buhatin na lamang ang mga bagaheng dala.
"Secretary Sadie, mauuna na ako." Pamamaalam ko dito.
Pero sa huling sandali ay tinignan ko muna yung pusa, pero laking gulat ko nang mahuli syang nakatingin sa'kin. Sa nangyaring yun ay hindi ko maiwasang kabahan kaya minaigi kong ipagtuloy ang paglalakad.
Agad ko namang nahanap ang aking room. At tunay nga namang nakakamangha dahil animo'y kwarto ito ng prinsesa dahil sa napakalawak nito.
Medyo nakakaramdam na rin ako nang pamamalagkit kaya pinili kong mag shower na. Pagkatapos nun ay bumaba na ako para makakain na. At naabutan ko si Sadie na busy habang kaharap ang kanyang Laptop.
"Go to the Market and buy some stocks of your food." Utos nya sa'kin saka binigay ang isang credit card.
"Wala bang pagkain dito?" Nagtatakang tanong sa kanya.
Grabe! Tunay ngang napakalaki ng bahay na 'to pero ultimo pagkain ay wala?
Binuksan ko ang refrigerator at bumungad sa'kin ang puro tubig.
Ganito ba talaga pag mayaman? Walang pagkain?
Wala na akong nagawa kundi ang sumakay ulit sa limousine para maihatid ako sa groceries store.
Pagkarating ko dun ay mabilis akong kumuha ng cart at nagtingin tingin ng mga pagkain. Halos lahat ay delata ang kinuha ko, tinapay at junkfoods rin. Bumili rin ako nang ice cream, mga gulay at mga ingredients gaya nang sibuyas, luya at hindi mawawala ang pang pabango na bawang.
Pero bago makaalis ay may isang bagay ang nakakuha nang atensyon ko, agad akong napangiti dito. Mabilis akong kumuha nun bago nagpa counter check.
"Thank you po, Ma'am." Nakangiting sambit ng counter lady.
"Welcome po, pwede bang wag nyo nang isama sa supot yan?" Tanong ko dito dahil kanina pa ako nasasabik na tikman yun.
"Yes po, pwedeng pwede po dahil tapos na 'tong na scanned." Mahinahong sagot nya bago ibigay yun sa'kin.
Sa buong byahe ay iyon lamang ang pinapak ko sa lahat. Ito talaga yung pinaka paborito kong kainin at bilhin. Hindi ko tuloy mapigilang maalala sina Papa at ang nakakabata kong kapatid na si Jed.
Sa aking pagkakaupo ay kanina ko pansin ang pagkatuliro ng mga Men In Black na kasama ko hanggang sa makauwi kami. Medyo nagabihan na ako dahil sa hindi ko namalayan ang oras, sa sobrang sabik na maglibot sa grocery stores.
Inaasahan ko na aalayan ako nang mga Men In Black sa aking pagbaba pero nagkamali ako. Animo'y may sakit ako ngayon dahil sa napakalayo nila sa'kin.
"May problema po ba?" Nagtatakang tanong pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanila.
Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob habang buhat nila ang ibang pinamili ko.
"Pakilagay na lang po dyan, pupunta lang ako sa room ko." Nakangiting pamamaalam. At tinungo ko ang daan papunta sa aking kwarto.
Agad kong binuksan ang ilaw at sinara ang pintuan. Kasabay ng paghubad ko sa aking damit ay ang pagpatay ng ilaw.
Halos mapasigaw ako dahil may mabilis na humawak sa aking mga kamay at sinandal sa pader. Ramdam sa aking leeg ang mabilis na paghinga ng taong humila sakin.
"B-Bitawan mo ako! Tulong! Secretary Sadie!" Paulit-ulit kong sigaw at pagkalag sa hawak nya.
Pero sadyang malakas sya at patuloy na dinadampian ng munting mga halik ang aking leeg. Ramdam ko ang kiliti dahil sa ginagawa. Hanggang sa umakyat ang kanyang halik papunta sa aking pisnge patungo sa aking mga labi.
Ngunit wala pang dalawang segundong pagkakadampi ng kanyang halik ng mabilis syang lumayo sa'kin at tinalikuran ako.
"Anong kinain mo?" Seryosong tanong nya habang nakatalikod sa'kin. Narinig ko ang mabigat na paghingal nya.
"B-Bakit m-mo n-natanong?" Nanghihinang tanong dito at agad nya akong sinagot.
"UULITIN KO, ANONG KINAIN MO?!" Tanong nya gamit ang seryoso at buong-buo na boses. Agad akong nakaramdam ng pangingilabot dahil sa boses nya.
"S-Sweetened G-Garlic nuts," natatakot na sagot sa kanya.
"F*CK THAT FOOD!" Diretsong sigaw nya at mabilis na humarap sa'kin gamit ang kakaibang kulay na mata.
Kitang kita ko ang nag aapoy nyang mga mata at paglabas ng dalawang pangil sa kanyang ngipin.
"B-BA-BAMPIRA!!!" Malakas kong sigaw hanggang sa mawalan ako nang malay.
_______
[ A/n: handa ka na rin bang magpakagat nyahahaha ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...