[ KABANATA 36 ]
"Now, I'm here! Let her go!" Malakas na tinig ng kay pamilyar na lalaki ang umalingawngaw sa buong palasyo.
Sa aking pagkakapikit ay agad na napamulat kahit na ang kirot at hapdi sa aking kamay ay dumadaloy na sa buong pagkatao. Ramdam ko na rin ang panghihina dahil sa patuloy na pagtulo ng dugo sa aking pulsuhan. Sakabila nun ay minaigi kong tignan pa rin sya.
At hindi nga ako nagkamali dahil muling nagtama ang aming mga mata. Animo'y may paro-parong nagsisiliparan sa loob ng aking tiyan at tila hinahabol ang aking puso dahil sa labis na pagtibok nito.
"Naiba ka yata ng lagusang pinasukan, Sebastian?" Mariing sambit ni Lark kay Sevi na ngayon ay walang takot na nakatayo habang pinapalibutan sya ng mga Etsai Iluna at ibang kawal ni lark.
"Kailanman hindi ako magkakamali sa bawat hakbang na ginagawa ko dahil hindi ako gaya mo Lark, habang buhay na isang talunan." Nakangising sagot naman ni Sebastian.
At dahil dun mas lalong nakaramdam ng inis si Lark base sa panginginig ng kanyang mga kamay. Animo'y ano namang oras ay handa na nitong sugurin si Sebastian.
"Tandaan mo, nandito ka sa aking palasyo. H'wag mo akong kinakalaban dahil tiyak na matatalo kita ngayong gabi!" Seryosong panunumbat pa ni Lark habang nagpipigil ng galit.
"H'wag kang mangarap ng gising dahil hindi ko hahayaang mangyari yun." Pang aasar pa ni Sebastian kaya hindi na nakapagpigil si Lark na tawagin ang kanyang mga kawal.
"KALAPASTANGANAN, PASLANGIN NYO S'YA!" Utos ni Lark sa ibang Etsai Iluna.
Kasabay nun ay ang paglabas rin ng ibang Camero mula sa hanay ng mga Etsai Iluna. Naging mabilis ang pangyayari, unti-unting nabawasan ang mga kalaban.
Ang ibang Willgor ay nakisama na rin. Samantalang sina Lark at Sebastian ang nagtutuos naman ngayon gamit ang espadang sandata.
Habang ako ay naramdaman ko si Solidad na agad tinakpan ang sugat ko at kinalagan ang taling nasa paa at kamay ko.
"T-Tumakas ka na h-habang maaga pa!" Natatarantang utos nito sa'kin.
Hindi ako agad nakapagsalita ngunit mabilis kong sinunod yun pagkatapos akong makalagan ng tuluyan. Akmang iiwan ko na sana si Solidad ngunit natigilan ako dahil sa biglaang paglitaw ni Amanda.
"Sinong nagsabing makakatakas kayo? Dadaan muna kayo sa'kin!" Seryosong bungad ni Amanda.
Agad kong naramdaman ang mahigpit na hawak ni Solidad sa'kin bago marinig ang mga katagang yun mula sa kanya.
"I-Iwan mo na ako dito, hanapin mo si Ella at tumakas na kayo." Mahinang bulong ni Solidad sa'kin.
Medyo nagtatalo man ang isip ko ay wala na akong nagawa kundi ang iwan sya dun. Hindi na rin nakapalag si Amanda dahil mabilis syang pinigilan ni Solidad habang ako ay tumakbo na papunta sa kulungang kinalalagyan ni Ella.
Nababalutan mon ang buong pagkatao ng takot ay hindi ko hinayaang lamunin ako nito, mas lalo kong tinatagan ang aking loob. Kaya naging madali sa'king buksan at ilabas si Ella. Medyo nanghihina 'to kaya nakaalalay ako sa kanya.
"N-Nasaan ang a-aking ina?" Nanghihinang tanong nya sa'kin.
"N-Naiwan sya dun p-pero h'wag kang m-magalala dahil a-alam kong makakaya ng iyong inang kalabanin si A-Amanda." Tanging nasambit bago tahakin ang hallway.
Ilang sandali, bago tuluyang makalabas ay hindi ko inaasahan ang pagsulpot ni Leighton at Luther sa harapan naming dalawa.
"Saan kayo pupunta?" Nakakatakot na unang tanong ni Leighton habang may hawak 'tong patalim.
"H-Hayaan nyo na k-kaming makatakas, p-parang awa nyo na." Nagsusumamong sambit ko sa kanila.
Imbes na dinggin ako ay tanging pagtawa lamang ng malakas ang ginawa nila.
"Sa tingin nyo ay pakakawalan pa namin kayo? Nagkakamali ka Ariel, ngayon pang kinakailangan ka namin." Pag sang-ayon naman ni Luther sa sinabi ni Leighton.
"Never," nakangising sagot naman ni Leighton bago humakbang papalapit sa'min.
Hindi pa 'to tuluyang nakakalapit ng biglaang pagsulpot ni Luke sa aming likod.
Mabuti't nahanap nyo ang dalawang bihag na 'to," malamig na sambit nya.
"Tsk! Kung hindi dahil sa aming dalawa ay hindi maibabalik ang dalawang yan. Palibhasa ay wala ka lagi," iritadong sambit naman ni Leighton sabay nagtawanan pa sila ni Luther.
Ngunit natigilan sila dahil sa sumunod na sinambit ni Luke.
"Kung makukuha nyo sila sa'kin," nakangising sambit nya bago magsimulang magtuos amg tatlo.
Naging mabilis ang pangyayari, halos pantay lamang ang lakas nilang tatlo ngunit alam kong dehado si Luke.
"Hinding hindi mo kami matatalo, Luke." Mayabang na sambit ni Luther kay Luke na ngayon ay todo hingal na.
Hindi ko maiwasang mabahala dahil tiyak na mahihirapan si Luke na pabagsakin ang dalawang 'to. Ngunit hindi nagtagal ay agad na sumulpot ang dalawang kay pamilyar sa'kin sa Camero's Clan.
"Late na ba kami?" Preskong tanong ni Yushiro sa kalaban.
"At sino naman kayo!?" Naiinis na sigaw na Leighton sa kanila.
"Tsk. Tumahimik ka dyan dahil hindi mo alam kung hanggang saan ang kaya namin." Maangas na sigaw naman ni Yoshiya.
"Tignan natin!" Pagsang-ayon pa ni Yushiro.
Pagkatapos nun ay agad na nagkasagupa ang lima. Halos walang magpapatalo ngunit ramdam kong matatalo nila ang dalawang magkapatid na yun.
Ilang sandali pa ay napabagsak na rin nila ang dalawa, sa sobrang bugbog saradong naabot ay nanghihinang nakahiga na ang dalawa.
"Kayo na ang bahala dyan," hinihingal pa na utos ni Luke.
"Sige pero Luke balikan mo si Sebastian sa loob dahil tiyak na hindi pa tapos ang laban ng iyong ama at pinsan." Seryosong utos ni Yoshiya sa kanya.
Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa aking narinig.
"Kayo na ang bahala sa dalawang 'to, mauna na ako." Pamamaalam ni Luke at mabilis na tinalikuran at naiwan kaming apat kasama ang dalawang willgor.
"Tara na," pang-anyaya sa'kin ni Yushiro pero sadyang buo na ang desisyon ko. Babalik ako, pupuntahan ko si Sebastian sa loob kahit ano mang mangyari.
At ngayon, namalayan na lamang ang aking sarili na patuloy tumatakbo pabalik sa loob para balikan sya, ang lalaking mahal ko walang iba kundi si Sebastian Camero.
But my heart almost wreck when I saw what happened next..
@kaizen🥀
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampirgeschichtenAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...