[ FINALE ( PART 2 ) ]"Aiden! Aiden!" Malakas na pagtawag sa batang lalaking kanina ko pa hinahanap ngunit tila walang balak lumitaw sa harapan ko.
"You will come out or you'll be grounded?" Tanong ko sa kawalan ngunit wala akong nakuhang sagot.
Pero naputol lamang ang paghahanap ko ng marining ang boses ng anak ko.
Oo, sa mahabang panahong pagsasama namin ni Sebastian ay nagkaroon na rin kami ng anak. Walang iba kundi ang batang hinahanap ko kanina, ang pangalan nya ay Aiden Axel Camero.
"Mommy! can you lower down your voice?" Mahinang pagsita nito sa'kin habang nakaupo sa itaas ng puno.
"Anong ginagawa mo dyan sa taas? Malapit na tayong bumalik sa City (Camero de Unibersidad)." Seryosong sambit ko sa kanya.
"Shh mommy, baka marinig nya tayo." Panunuway pa nya sa'kin habang may pilit itong inaaninag sa kawalan.
Agad na kumunot ang sariling noo dahil sa aking narinig. Sino naman kaya ang tinitignan ng aking anak?
Kaya hindi na ako nagabala pang tanungin sya ulit dahil mabilis kong tinahak ang kinapwe-pwestuhan nya ngayon. At doon ko nga nakita kung sino ang pinagmamasdan nya sa kalayuan.
"A little girl?" Natatawang sambit habang may mapanuksong tingin.
"It's not what you think, Mom." Seryosong sagot nya sa'kin saka inayus ang eye glasses na suot.
Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang babaeng tinitignan rin ng aking anak.
Mayroon itong suot na malaking eyeglasses at nerdy attire. May mahabang buhok at maputing kutis. Tila wala 'tong pakealam sa kanyang paligid dahil patuloy lamang syang naglalakad at hindi pinapakinggan ang mga sinasabi ng ibang bata.
Hanggang sa mayroong grupo ng kababaihan ang humarang sa kanya. Agad na minalit sya ng mga 'to base sa mga naririnig kong mga salitang panlalait.
"Nandito pala ang anak ng mangkukulam," maarteng bungad ng isang batang babae na nakasuot ng pink.
"Napaka cheap nya talaga! Mukhang basahan! Gaya lang ng nanay nyang mangkukulam!" Natatawang sambit ng buong grupo.
At agad na napadako ang aking tingin sa aking anak, tila gusto nyang pumunta dun at ipagtanggol ang batang babae na yun.
"Go on. Alam kong gusto mo na syang tulungan," prenteng sambit sa anak ko.
"Tsk. I don't want to. It's not my problem, anyway." Pag-angal pa ng aking anak.
Kasabay nun ay narinig ang pagsalita ng batang babae.
"Bawiin mo ang sinabi mo," seryosong utos nito sa batang kaharap.
"Anak ka nang mangkukulam. Tama naman diba, MANGKUKULAM ANG NANAY MO!" Sagot nito saka muli syang pinagtawanan ng grupo. Ngunit natigil ulit yun dahil sa mabilis na pagsabunot ng batang babae sa buhok ng batang kaharap.
"Nakikita nyo ba 'to?" Nakangising tanong nya sa grupo kaya natahimik ang lahat dahil sa buhok na hawak nya.
"I-Ibigay mo s-sa'kin yan! Or e-else, i-susumbong kita kay M-Mommy!" Naiiyak na sambit ng batang kaharap.
Imbes na pakinggan ay pagbitaw lamang ng isang salita ang kanyang binitawan na syang nagpatakbo sa mga grupo.
"Titigilan mo ako o ipapakulam na talaga kita sa Mama ko?" Matapang na tanong nito bago magsialisan ang grupo.
Sa aking nasaksihan ay tila napatango na lamang ako, mukhang hindi nga nagkamali ang anak ko.
"She's good and I like her," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Shut up, Mom. I'm already inlove with someone else. And besides, she's a human and i'm a vampire. We're not fit to each other."
Isang pagtango na lamang ang nagawa bago iwanan sya sa taas ng puno bago puntahan ang pinakamamahal kong asawa.
"Where's Aiden?" Diretsong tanong nya sa'kin bago tuluyang yakapin sya ng mahigpit.
"He's hiding in a tree while watching a little girl." Nakangising sagot ko sa kanya.
"Mana yata sayo ang anak mo," natatawang pandaragdag ko pa.
"No wonder, he's my son. Mana sa kagwapuhan." Natatawang sagot pa ni Sebastian sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasang paluin sya sa kanya braso bago magseryoso.
"Labis nyang nililihim ang tunay na nararamdaman nya kahit na ramdam ko namang may pagtingin sya sa batang babaeng yun," natatawang sambit ko habang hinahaplos ang pisnge ng mahal ko.
"It will not last long, because i know he takes after me. soon he will find a way to have that girl no matter what. Gaya ng ginawa ko sayo, I made a trap just to have you." Nakangising sagot sa'kin ni Sebastian kaya hindi ko mapigilang mapangiti at magpatingin ng diretso sa kanyang mga mata.
"As you've expected, you won because I sold myself to you, my Sebastian Camero."
And again, our lips met. D'yan na nga nagtatapos ang aming kwento, ang isang taong gaya ko ay pagmamay-ari na ng isang bampirang gaya nya. Nag enjoy ba kayo?
_____________
[ A/n: salamat po sa mga nagbasa! Hoping na may season 2 pa 'to kaya mag abang lang po kayo🙈 ]
BINABASA MO ANG
I Sold Myself To a Vampire Prince
VampireAko si Arieline Magtibay, ang babaeng inangkin ng isang prinsipeng bampira na may nagtatangis bagang sa t'wing nagagalit, mapupulang mga mata na tila'y kahit ano mang segundo ay lalamunin ako ng mga 'to, at higit sa lahat, may kakaibang dala ang baw...