KABANATA 33

307 15 1
                                    

[ KABANATA 33 ]

Nagising ako sa isang malamig na sahig. Unti-unti kong binuksan ang mga talukap ng ang aking mga mata. At doon ko nakita kung nasaan at anong kalagayan ko ngayon.

Sinubukan kong pumiglas ngunit sadyang mahirap tanggalin ang mga taling nakapulupot sa dalawang kamay at ganun rin sa aking mga paa. Kaya hindi ako makagalaw ng maayus. At idagdag mo pang malabo akomg makawala dito dahil nakakulong ako ngayon sa isang kulungan. Animo'y para akong presong hinding hindi makakawala sa mga kamay nila

"A-Aray ko.." pagiinda sa aking mga tuhod dahil sa panghihina at panginginig nito.

Tunay na nakakatakot pa ang loob ng kulungan dahil napakadilim dito, tanging maliit na liwanag lamang ang dumadapo sa'kin. Kahit ganun, mas pinili kong tatagan ang aking loob. Hindi ako p'wedeng mawalan ng pag-asa dahil lamang sa pagsubok na 'to.

"P-PAKAWALAN NYO A-AKO DITO! M-MGA WALA K-KAYONG PUSO! T-TANGGALIN NYO ITO!" nanghihina kong sigaw sa labas ngunit parang walang nakakarinig sa'kin.

Tanging ang pag echo lamang ng aking boses ang naririnig. At dahil dun, minaigi kong lumapit sa bukana ng kulungan at kumapit dun bago magsisigaw ulit.

"P-PARANG AWA NYO NA! P-PAKAWALAN NYO NA AKO! P-PATI NA RIN ANG TATAY KO! W-WALA NAMAN KAMING ATRASO SAINYO! B-BAKIT NYO BA GINAGAWA SA'MIN TO.." naiiyak ko pang sambit sa kawalan.

Umaasa na mayroong makakasagot sa aking mga katanungan. Hanggang sa mapagod ako't napaupo muli.

Ano ba ang nagawa kong kasalanan at bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Ang gusto ko lang naman ay ang mabuhay ng tahimik at normal, yung masaya at mayroong kompletong pamilya. Bakit ako pa? Bakit nararanasan ko ang lahat ng paghihirap na 'to..

Sa ilang sandaling pagkakayuko ay may narinig akong mga boses na nagpagulat sa'kin.

"D-Dumating na nga, n-nasa h-harapan ko na nga a-ang tutupad sa p-propesiya," nahihirapan nitong sambit.

"S-Sino ka!?" Matapang kong tanong sa babaeng nagsalita sa kawalan.

"W-Wag kang m-matakot sa'kin, gaya mo rin ako. N-Nabihag nila ng n-napakahabang p-panahon," makahulugang sambit nito kaya nung marinig yun ay tila nakahinga ako nang maluwag.

Hindi ako agad nakapagsalita kaya narinig ko muli ang tugon nya.

"S-Sa higit s-sampong d-daang taon na n-nakakulong ako d-dito, n-ngayon lamang a-ako nakaramdam ng l-lubos na kasiyahan sa kabila ng matinding kalungkutan at takot sa aking puso.." paunang kwento nya.

"B-Bakit naman po?" Takang tanong ko pa sa babaeng hindi ko maaninag ang mukha dahil sa sobrang dilim ng parteng kinauupuan nya.

"K-Kanina ay n-nakita ko sya, ang p-pigura ng aking...A-Anak." walang pasubalit nitong dagdag na sambit sa'kin.

"D-Dito po mismo?" Hindi makapaniwalang tanong.

"O-Oo, n-nararamdaman ko ang k-kanyang p-presensya. A-Ang aking a-anak ay nasa k-kabilang s-selda ngayon," mahinahong sagot nya sa'kin.

Sa aking narinig ay hindi ko maiwasang tignan ang seldang katabi. 'Sino kaya ang tinutukoy nya?', bulong sa sarili.

Hanggang sa may narinig kaming pagbukas ng pintuan galing kung saan. Kasabay nun ay mabilis akong umakto na natutulog parin upang hindi nila ako mapansin. At tama nga ako, may mga bampirang pumasok sa selda.

At narinig ang dali-daling pagbukas ng lock. Akala ko'y ang selda namin ang kanilang bubuksan ngunit nagkamali ako dahil kundi ang pangalawang selda.

"Kunin nyo sya!" Utos ng isang bampira gamit ang maawtoridad na boses.

Pagkatapos marinig yun ay agad na lumapit sa bukana nang selda ang babaeng kausap ko kanina.

"W-Wag nyo syang sasaktan! A-Ako na lang ang kunin nyo!" Nanghihinang pagmamakaawa nito sa mga bampirang may mga matitigas ang puso.

Sa kanyang kinatatayuan ngayon ay hindi sinasadyang dinadapuan sya ngayon ng kaunting liwanag. Kaya unti-unting nakita ko ang kabuan ng kanyang mukha.

Sya ay mayroong napakahaba't napakaitim na buhok. Tunay na napakaputi nya at kay pamilyar ang kanyang mukha.

"Tumahimik ka Bampira! Wala kang karapatan na salungatin ang utos ng Hari!" Malakas na singhal naman ng isa.

Animo'y wala silang naririnig na pagmamakaawa galing sa babaeng na nasa harapan ko.

"W-Wag nyo syang sasaktan! Hayaan nyo na lang ang anak ko!" Pandaragdag pa ng babae.

Hanggang sa may narinig kaming pag-inda ng isang babae galing sa kabilang selda. Animo'y nahihirapan 'to at umaangal rin. Ngunit hindi nagtagal dahil nailabas din nila ang babae, at halos mawalan ako nang ulirat dahil sa aking nakita.

"K-Kunin nyo na rin ako! H-Hindi ganito ang pinagusapan namin ng Hari! P-Pakawalan nyo ako!" Naiiyak na sigaw ng babaeng nasa harapan ko.

Wala silang narinig dahil tuloy-tuloy lamang sila sa paglakad papaalis hanggang sa marinig muli ang pagsarado ng pintuan. Ang babae ay walang nagawa at tanging napaupo na lamang.

"S-Sino ka ba talaga? B-Bakit mo tinawag na anak ang babaeng kalalabas lamang sa Selda?" Dire-diretsong tanong sa kanya at agad na napatingin sya sa'kin.

"A-Anak ko sya, anak ko si E-Ella. Ako ang nawawalang Reyna ng Lecitel dahil sa kagagawan ni Lark.." diretsong sagot nya sa'kin.

Pagkasambit nya nun ay tila nakaramdam 'to nang matinding sakit sa kanyang ulo dahil napapasigaw 'to. Hanggang sa mapayuko sa aking harapan habang hawak la ang ulo.

Animo'y nawalan ako nang boses o ni katiting na salita dahil sa aking nasasaksihan ngayon.

"No! No! I-I'm sorry, A-Ariel. I'm r-really really s-sorry," paulit-ulit nyang sambit sa'kin.

"B-Bakit po?" Naguguluhan kong tanong.

"S-Sayo ko binigay ang t-tadhanang para s-sana sa aking anak. I-Ikaw ay i-itinadhang m-mapapaslang upang maging m-makapangyarihan ang i-isang lahi ng mga b-bampira.. g-gusto ko mang b-bawiin yun ngunit hindi ko na m-magagawa,"



______________

A/n: ????



I Sold Myself To a Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon