-Hilary-Ang lavender fields na ito yung pinagpwestuhan namin noong nakaraang buwan. Mukhang kakaharvest lang ng mga Debbeena dahil kakaunti na lang ang mga lavender na nandito at ang gitnang parte ay may mga kulay berdeng damo na amoy chocolates.
Muling hinagis ni Zack ang isang maliit na bula sa ere saka ito lumaki at naging bubble shield kaya nabalot nito ang buong lugar. Nakikita pa rin naman namin ang unti-unting paglubog ng araw dahil clear naman yung bubble shield.
Nag latag naman ako ng kumot na kulay purple na syang paborito kong kulay. Naupo naman sa tabi ko si Zack saka namin inumpisahan na kainin yung mga candy na hindi namin nakain kanina.
"Napakaganda talaga dito sa Woodpine. " Komento ko upang mabasag ang katahimikan.
"Oo nga, napakaganda," wika ni Zack at ramdam kong nakatingin sya sa'kin.
Kanina pa sya nakatingin sa'kin at may kutob ako na may gusto syang sabihin. Kaya kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin nya.
Tumikhim muna si Zack bago tuluyang magsalita. "Hilary, alam ko naman na marami kang pinagdadaanan ngayon pero sasabihin ko pa rin dahil baka hindi ko na tuluyang masabi sayo"
"Hindi ko rin inaasahan ang bagay na 'to. Pakiramdam ko sasabog na ako kapag hindi ko 'to nasabi sayo. Nagulat na lang din ako sa sarili ko. Pag gising ko isang umaga, gusto na kita. Magmula ng araw na magkita tayo ay hindi ka na mawala sa isip ko. Habang tinitingnan ko kayo ni kuya Zane ay naiinis ako at hinihiling na sana ako na lang ang kasama mo. Pasensya na kung minamatyagan ko kayong dalawa noong nakatira pa kayo malapit sa mansion pero ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na isumbong kayo. Ayokong saktan ka ng mga magulang namin pero hindi pa rin naiwasan dahil nahuli nila kayo. " Paliwanag pa ni Zack habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko na halos makita ko na ang repleksyon ko sa mata nya.
Unti-unti nyang hinawakan ang kamay ko. "Gusto kita Hilary. Hindi lang sa panlabas na anyo ang ganda mo kundi pati na rin ang iyong puso. Noong nailigtas kita, halo halong emosyon ang naramdaman ko. Masaya ako na nailigtas kita at nalungkot ako dahil sa sinapit mo. Nainis ako sa sarili ko dahil hindi kita nailigtas ng mas maaga at ipinangako ko sa sarili na gagawin ko ang lahat para sayo kahit alam ko rin naman kung sino ang laman ng puso mo. "
Kitang-kita ko sa mga mata nya na seryoso sya at totoo ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Kaya lang hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang suklian ang raramdaman nya para sa'kin.
Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko. "Pasensya na talaga.. " Hindi ko na alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya.
Ngumiti ng mapait si Zack saka muling pinagmasdan ang paglubog ng araw. "Hindi ka na dapat na humingi ng pasensya dahil wala ka namang kasalanan. "
Muli kaming nanahimik at pinagmasdan lang ang paglubog ng araw hanggang sa naghari ang kadiliman sa kalangitan.
Umuwi na rin kami galing sa bulubundukin at hindi na ako umimik. Ayoko na magsalita dahil baka may masabi lang akong hindi maganda kaya mas pinili ko na lang ang manahimik.
Nakikita ko naman sa mga kilos nya na gusto nya ako. Yung paraan kasi ng pagtingin nya sa'kin at kung paano sya mag-aalala ay kaparehas na kaparehas kay Zane kaya napagtanto ko kaagad na may gusto sa'kin si Zack. Kaya nga siguro naisip ni Clover na pinag lalaruan ko ang magkapatid dahil pareho silang nagkagusto sa'kin pero hindi ko naman iyon inaasahan.
Bago pa kami matulog ay nag usap na muna kami ni Zack. Ayoko naman kasing matulog na may mabigat sa pakiramdam. Alam ko na masasaktan ko sya pero sinabi ko pa rin ang totoo sa kanya. Paulit-ulit akong nag sorry kahit paulit-ulit nya ring sinasabi sa'kin na hindi na dapat.
Pag gising ko kinabukasan ay wala na si Zack sa tabi ko at puro mga robots lang ang nasa paligid. Tinanong ko naman kaagad yung mga robot kung nasaan si Zack at iisa lang ang sagot nila. Umalis daw si Zack at hindi ipinaalam kung saan sya papunta.
Hindi na rin ako nagtaka dahil baka bumalik na sya sa kanila. Baka mas lalo pa syang masaktan kung mananatili pa sya kasama ako.
Naupo na ako sa puting mesa at pinindot ang puting cube sa ibabaw nito saka lumabas ang agahan. Habang kumakain ay naisip ko bigla na baka isuplong na ako ni Zack sa mga autoridad kaya wala sya ngayon dito sa bahay pero iwinaksi ko rin ang ideyang iyon dahil hindi naman sya ganu'n. Hindi nya ako ililigtas para lang ibalik ulit sa bilangguan. Dapat kong pagkatiwalaan si Zack dahil sya rin naman ang nagligtas sa'kin at nararamdaman kong hindi nagtatanim ng sama ng loob si Zack.
Pagsapit ng hapon ay nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa puting cube. Imahe ni Zack kaagad ang bumungad sa'kin na sinasabing magbihis ako at ilagay sa puting cube na nasa cabinet ang lahat ng mga kailangan kong gamit. Kaagad ko namang sinunod ang sinabi ni Zack kahit pa nag tataka ako kung saan kami pupunta.
Habang nag aayos ay nagpatulong na rin ako sa mga robots na linisin ang bahay. Hindi ko namalayan na madilim na pala sa labas kaya naman kumain na ako saka nagbihis ng damit na hinanda ni Zack.
Isang white top at purple pants ang nakalagay sa maliit na cube at bumagay ito sa kulay purple kung buhok na ngayon ay napakahaba na. Tinirintas ko ang aking mahabang buhok tsaka naglagay ng light purple clips sa magkabilang gilid. Matapos kong mag ayos ay sakto namang dumating si Zack.
"Saan ba tayo pupunta? " Tanong ko kay Zack na papasakay pa lang sa bula.
"Secret na muna. " Nakangiti nyang wika saka sinimulang paandarin ang bula.
Paulit-ulit akong nag tatanong sa kanya kung bakit kami aalis eh gabi na pero iniiba lang ni Zack ang usapan. Sinabi nya na lang sa'kin na surprise daw. Hindi na lang ako umangal pa at pinagmasdan ang paligid.
Mula pa lang sa malayo ay kitang kita ko na ang maliwanag na ilaw mula sa Astrakane. Nag landing kami sa boarder ng Astrakane at Woodpine. Pinauna ako ni Zack sa pag baba at doon ko napansin ang isang pamilyar na lalaking nakasandal na isang puno.
__________________________________
A/N:
Sino naman kaya yung lalaking nakita ni Hilary? Let's Find out sa next chapter✨Btw tapos ko na itype itong Fangirl In Dreamland pero unti-untiin ko lang ang pag post ng other chapters. Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng story na ito. Luv Lots!

BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...