Dream 41

148 10 0
                                        

-Hilary-

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-Hilary-

"Tsk, nagtatanong ako di ba? Bakit hindi nyo ko sinasagot? " Tanong ng lalaki na kanina pa masama ang tingin sa'min.

"Galing ito sa kanila kuya, isa ito sa mga paunang bayad nila sa pag ligtas ko sa kanila. " Paliwanag ni Xaiden na lumapit pa sa kanyang kuya.

"Ni hindi mo manlang ba naisip na baka may lason ang mga pagkain na iyan? " Seryosong tanong ng kuya nila habang nakataas pa ang kilay.

"Hindi naman kuya, kumakain din naman sila kasama namin, " depensa ni Xaiden.

"Hay naku! Kahit kailan talaga Xaiden. Hindi ka nag iisip! " Sigaw ng kuya nila at dinuro pa nito ang sintido ni Xaiden

"Aba! Ako pa talaga ang hindi nag iisip!? " Sigaw pabalik ni Xaiden sa kanyang kuya at tinabig ang kamay nitong nasa sintido nya.

"Mga kuya tama na! Tinatakot nyo sila! " pag aawat ni Fiolova.

"Wala namang lason ang mga pagkain na ito. Tsaka bakit naman namin iyon gagawin? Bakit naman namin lalagyan ng lason ang mga pagkain? " Nakakunot noong tanong ko.

Lumapit sa'kin ang kanilang kuya. "Para nakawin ang mga mayroon kami rito o baka nga paslangin nyo pa kami. "

Tumingin ako sa mga mata ng kuya nila, kahit na malayo ang pwesto ko ay gusto kong sabihin. "Hindi namin iyon gagawin kaya wala kayong dapat ipag alala. "

Tumawa naman ng mahina ang lalaki saka nagsalita. "Ahh talaga lang ah. "

"Alam mo kuya, kumain ka na lang din kasama namin paniguradong gutom lamang iyan. Ang tagal na nating hindi nakakatikim ng pasasarap na putahe. " nakangiting sambit ni Fiolova saka muling sumubo ng pagkain sa harapan nya.

"Tsk, ayokong kumain nakakawalang gana. " Muli kaming sinamaan ng tingin ng kuya nila saka tumalikod.

Tuluyang umalis ang lalaki kaya naiwan na lang kaming apat.

"Pagkasensyahan nyo na lamang si kuya Alyxander. Hindi kasi talaga sya mabilis na magtiwala sa kung sino. " Bulong ni Xaiden.

"Normal lang naman iyon dahil nasa lugar tayo na puno ng mga mula sa bilangguan. " Wika ni Zack saka nagsalin ng purple na juice sa puting baso nya.

"Pero hindi naman lahat ng narito ay masasama talaga. Ang karamihan ay napagbintangan lamang. " Malungkot na wika ni Fiolova.

"Masyado na kasing hindi makatarungan ang batas dito sa Dreamland kung kaya't nakukulong ang mga wala namang kasalanan. " Lumungkot ang ekspresyon ni Xaiden  habang nag lalagay pa ng pagkain sa kanyang plato.

Patuloy akong nakikinig sa kanila. Mas lalo kong nakikita ang pag kakapareho ang mundo na pinagmulan ko rito. Talaga ngang hindi makatarungan na makulong ang mga wala namang sala. Pinag babayaran nila ang kasalanan na hindi naman nila ginawa.

Fangirl In DreamLandMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon