-Hilary-
Kumaway sa'kin ang lalaki at unti-unting lumapit. Nakasuot ang lalaki ng plain blue hoodie at grey na sweatpants. Humaba na rin ng kaunti ang kanyang buhok at kulay abo na ito. Kusa namang gumalaw ang mga paa ko para lapitan sya. Mabilis akong tumakbo at niyakap sya ng mahigpit. Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha sa'king pisngi dahil muli ko syang nakita.
Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nya at hindi na maitatago pa sa boses ko ang pagkasabik na makita sya. "Zane, nandito ka na."
"Sorry kung hindi kita nailigtas," ramdam ko naman ang lungkot sa boses ni Zane at umiling iling naman ako sa sinabi nya.
Ngumiti ako ng malapad at tumingin sa kanyang mukha na may bahid ng pangungulila. "Ang mahalaga naman ngayon ay hindi ka na nakakulong. "
Alam ko naman na ikinulong sya ng mga magulang nya sa mansyon. Mabuti na lang talaga at nakatakas sya sa mansyon nila.
"Mabuti na lang talaga at pinatakas sya nina Jeremy at Tristan. " saad naman ni Zack.
Muli akong lumapit kay Zack at niyakap sya ng mahigpit. "Salamat.. Salamat sa pagligtas sa'kin. Kung hindi dahil sayo ay baka nasa bilangguan pa rin ako. Salamat sa lahat lalo na sa pag aalaga sa'kin. " Dahan dahan din akong kumalas sa pagkakayakap dahil napansin ko na namumula na ang pisngi at tainga nya.
Lumapit naman si Zane at niyakap ang kapatid. "Maraming salamat sayo hindi lang si Hilary ang niligtas mo, pati ako natulugan mo rin kaya salamat. "
Sinuklian din ni Zack ang yakap ng kanyang kuya. "Wala yun, tsaka dapat lang naman talaga na nagtutulungan ang magkapatid."
Kumalas na sila sa pagkayakap saka naman hinawakan ni Zack ang kanang balikat ng kanyang kuya. "Pakiusap, alagaan mo syang maigi. " Kaagad namang tumango si Zane.
Muling lumapit sa'kin si Zack at bumulong. "Ibinabalik na kita sa tunay na nag mamay ari ng puso mo. "
Napangiti naman ako ng malapad dahil sa sinabi nya at ako naman ang namula.
"Babalik na ako sa Snowbush. Kaya kayong dalawa, mag iingat kayo ah. Kailangan ko pa mag paliwanag kay mama. " Napapakamot ng batok si Zack at halatang kinakabahan.
"Pero baka parusahan ka nila.. " Nag aalalang wika ko.
"Sina Jeremy at Tristan din ang kasama nya sa pagpapaliwanag kaya sigurado akong hindi sya mapaparusahan. "Nakahalukipkip na wika ni Zane na ang cool tingnan.
"Sige, una na ako. Bye. " Muling pumasok sa bula si Zack at kumaway na muna sa'min bago tuluyang paandarin ang bula papalayo.
Nakatingala lang kami ni Zane at patuloy na kumaway. Ilang sandali pa ay niyakap akong muli ni Zane.
"Akala ko mawawala ka na sa'kin. " Bulong ni Zane habang patuloy pa rin sa pagyakap.
"Aba! Hindi naman ako ganu'n kahina para mawala sayo. " Nakangiti kong wika ng kumalas kami sa pag kakayakap.
"Tara na. " Hinawakan ni Zane ang kamay ko saka kami sumakay sa bula papunta muli sa ibang parte ng Woodpine.
Hindi kasi pwedeng si Zane mismo ang pumunta sa kinaroroonan ng bahay kung saan kami nanatili ni Zack dahil kakasabi nya lang sa'kin na may mga dreambots pa rin na romoronda sa paligid. Mas minabuti nilang makasigurado na walang makakakita sa'min at iba ang ruta namin papunta sa boarder ng Woodpine at Nuxvar.
May isang malaking kwago ang biglang lumipad mula sa ibaba namin kaya naman kaagad na iniwas ni Zane itong bula. May ilan pang nakaupo sa sanga ng puno. Hindi ako magaling magtansya pero sa tingin ko mga nas 6 feet ang taas ng mga kwago na nandito. Nakakamangha dahil yung mga mata nila ay may mga kumukutitap na bituin na kapag tumingin ka ay mukha ng kalawakan.

BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...