-Hilary-Naglalakad ako ngayon sa isang napakalawak na hardin at napahinto ako ng mapansin ang kumikintab na mga bulaklak. Tila ba holographic ang mga bulaklak na ito na may glitters. Hindi ko tuloy mapigilan ang pag guhit ng ngiti sa aking labi. Ang tagal ko nang Hindi nakakakita ng ganitong mga bulaklak. Magkasama pa kami ni Zane noong una akong nakakita nito sa hardin ng mansion nila.
"Hilary! " Napahinto ako sa pagtingin sa mga bulaklak at napalingon sa pamilyar na boses na tumatawag sa pangalan ko.
Napagtanto ko lang na nandito pala ako sa Galaxy Garden at sa di kalayuan ay ang mansion na pag mamay ari ng pamilya nina Zane at Zack. Dali Dali akong tumakbo papasok ng mansion at nanlaki ang aking mga mata ng makita ang lalaking matagal ko ng gustong makita.
"Zane!" malakas kong sigaw.
Papalapit na sa'kin si Zane at mas nakikita ko na ang mga pasa at iba pang galos sa kanyang mukha at mga braso. Yung suot nyang puting polo ay bahid ng dugo at ang itim na pantalon na suot nya ay tila ba napunit na ang ibabang parte. May tumutulo pang dugo sa ulo ni Zane kaya naman napapapikit na sya.
Malapit na sana kaming magkayakap kaya lang biglang yumanig at nag crack ang sahig. Mula sa ilalim ay biglang may lumitaw na malaking robot at kinuha si Zane na tila ba isang laruan sa mga claw machine.
May isang malaking screen sa tyan na parte ng robot at pamilyar sa'kin ang matandang lalaki na nasa screen. Nakasalamin ang lalaki at medyo chubby. Muling humakbang ang robot at papalabas na ng mansion.
"Huwag! Ibalik mo si Zane! " Malakas king hiyaw
"Hilary! Gising... "
Niyakap ko naman ang lalaking nasa tabi ko at patuloy na lumuha. "Sinasaktan nila si Zane. Nilalayo nila si Zane. "
"Shhh.. Isa lamang iyong bangungot. Hindi iyon totoo kaya tahan na. " Niyakap ako ng mahigpit ni Zack.
Paulit-ulit akong huminga ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Pakiramdam ko kasi ay totoo ang mga nakita ko.
"Heto, inumin mo na muna. " Inabot sa'kin ni Zack ang isang baso ng tubig.
Kaagad ko naman itong ininom at muling ibinigay kay Zack ang basong walang laman.
"Halika na, matulog na ulit tayo. Masyado pa kasing gabi kailangan mo pang makapagpahinga. " Malambing nyang wika habang nakangiti.
Muli kaming humiga at muli akong bumuntong hininga bago ipikit ang aking mga mata.
Kinaumagahan ay nakatulala lamang ako habang patuloy na iniisip yung matandang lalaki sa panaginip ko. Pamilyar kasi sa'kin ang matandang lalaki na iyon at parang makita ko na rin sya sa mga nauna kong panaginip. Sa pag iisip ay sumagi sa'kin ang itsura ni Bang PDnim.
"Oo nga, kahawig nya nga.. " bulong ko sa sarili.
"Hilary, okay ka lang ba? " Nag aaalalang tanong ni Zack saka muling sumubo ng pagkain.
Ngumiti naman ako ng alanganin dahil mukhang naging weird na naman ako sa harapan nya. "Ah.. Oo naman. Inaalala ko lang yung panaginip ko. "
"Pwede ko bang malaman kung ano yung napaniginipan mo kagabi? " Tanong ni Zack habang itinagilid ng bahagya ang ulo.
Ikinuwento ko naman sa kanya ang ng detalye tungkol sa panaginip ko. Hindi ko alam kung naniniwala sya pero mukha naman syang interesado. Nakakapagtaka lang talaga kasi kahawig ni Bang Pd-nim yung lalaki sa screen kaya lang mas matandang tingnan.
"Naiisip mo pa rin ba si kuya?" Muli nyang tanong.
"Ang totoo nyan...Oo. Madalas ko syang naiisip." Napahinto na muna ako bago tuluyang sabihin kay Zack ang totoo.
Lumungkot ang ekspresyon ng mukha ni Zack at may IbinuLong. "Mukhang wala na. "
"Ha? Ano yun? " Nagtaka kasi talaga ako at gusto kong malaman.
"Wala wala." Nakangiti lang sya habang umiiling.
Sandali kaming nanahimik at nabasag lang ang katahimikan dahil naunang magsalita si Zack.
"Mamamasyal tayo mamaya at sisiguraduhin ko na maayos yung invisible mode. " Bakas ang saya sa mukha ni Zack habang nag sasalita.
Halos mawala na nga yung mata nya kakangiti. Ang cute talaga!
Nakakatuwa naman na makakapasyal ulit kami sa ibang parte nitong Woodpine. Matapos kumain ay hinayaan na muna ako ni Zack na mag ayos ng mga dadalhin ko dahil ichecheck pa nya yung sasakyan namin. Alam ko naman na ayaw na nyang maulit yung nangyari noong nakaraan dahil muntik na talaga kaming mahuli ng mga dreambots.
Mabuti na lang at okay na ang invisible mode nitong bula kaya naman maayos na ang byahe namin. May mga nakakasalubong kaming mga kakaibang nilalang pero hindi na nila kami napapansin. Ang lalaki pa naman ng mga nilalang na iyon at sigurado na kapag nakita kami ay mag wawala na naman.
Mula pa lang sa malayo ay rinig na rinig ko na ang malakas na paglagaslas ng tubig. Sa paglapit namin ay tila nag ningning ang mga mata ko sa nakita. Isang napakalaking waterfalls at dahil sa tingkad ng sikat ng araw ay tila ba may lumilitaw na rainbow sa itaas na bahagi nito.
Pagkalanding pa lang namin ay kaagad na nag set up si Zack ng table at malaking payong. Binalibutan nya rin ng napakalaking bubble shield ang lugar na ito at halos sakupin na ang buong kagubatan na nakapalibot sa waterfalls.
"Dahil sa bubble shield na yan ay pinapaalis nyan ang mga mababangis na hayop nasa parteng ito." Paliwanag pa nya.
Lumapit naman ako sa tubig at nakita ang aking repleksiyon. Grabe! Napakalinaw ng tubig at may mga lumulutang pa na lotus flower sa tubig.
Nitong mga nakaraang araw, ito pala ang pinag kakaabalahan ni Zack. Nilagyan nya ng marka o kaya naman ay pantaboy sa mga mababangis na hayop ang lugar.
Matapos na kumain ng kaunti at tumalon na ako sa tubig. Hindi naman ito ganu'n kalalim at maligamgam lang ang tubig kaya ang sarap mag babad. Naglaro kami ni Zack na parang mga bata at sa pag tingala ko ay napansin ko na may kumikislap sa loob na bahagi ng waterfalls. Nagtaka naman si Zack at sinugest na puntahan namin iyon. Paglapit sa waterfalls ay napansin namin na may kweba pala ito. Pagpasok sa loob ng kweba ay bumungad samin ang makikinang na crystal na iba't iba ang kulay. Nagmumukha na ngang rainbow ang loob nitong kweba.
Kumuha kami ng tag iisang kulay saka muling bumalik sa puwesto namin.
Muli akong tumalon sa tubig at habang nasa tubig ay biglang may bumungad sa'kin na robot sharks kaya napasigaw ako ng malakas. Kaagad namang lumapit sa'kin si Zack at niyakap ako. Hindi ko na napigilan ang mga luha sa pagtulo dahil muli kong naalala ang ginagamit nila para pahirapan ako.
"Shhh... Nandito ako. Walang mananakit sayo. " Hinaplos ni Zack ang buhok ko at dahan dahan kaming umalis sa tubig.
Okay pa naman ako kanina tapos biglang ganito. Nakahawak pa rin ako sa aking dibdib habang patuloy na hinahabol ang hininga. Muli akong tumingin sa tubig at walang ano mang nilalang ang lumalangoy doon kaya imposible na bigla na lang may mga dreamsharks. Napapadalas na talaga ang ganito. Bigla bigla na lang akong may makikitang kung anu-ano. Muli na lang akong uminom ng tubig na lasang vanilla saka bumuntong hininga.
"Sure ka ba na gusto mo pa rin ipagpatuloy itong gala natin? " Nag aalalang tanong ni Zack kaya naman tumango ako.
May isa pa kasi kaming pupuntahan bago pa tuluyang lumubog ang araw. Pinag handaan nya pa naman 'to kaya dapat lang na umayon sa plano nya. Ayokong sirain na lang basta basta ang araw na 'to. Hindi ko na mabilang kung ilang buwan na magmula ng magkasama kaming dalawa pero pakiramdam ko taon na ang nakalipas.
Binaggit sa'kin ni Zack na papunta kami sa bulubundukin ng Woodpine at sa paglanding namin ay muling bumungad sa'kin ang pamilyar na lavender fields.

BINABASA MO ANG
Fangirl In DreamLand
Fanfiction[BTS Fanfiction] Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hindi pa nakakapunta sa...