[BTS Fanfiction] -Completed-
Lahat naman kasi ng mga FANGIRL ay nangangarap na makita ang kanilang mga BIAS o iniidulo. Isa si Hilary sa libo-libong mga FANGIRLS na umaasa. Wala syang pera, hindi ganoon karami ang merch na mayroon at ni hin...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-Hilary-
Namasyal, naglaro at nag kwentuhan kami ni Zane habang narito sa Woodpine. Naikwento ko na nga halos lahat ng mga naging paglalakbay namin ni Zack lalo na yung hinabol kami ng mga dreambots at napadpad sa Nuxvar. Ikwento naman sa'kin Zane yung kung paano sya pinatakas nina Jeremy at Tristan.
Mabuti na lang at wala ng mga sugat at pasa sa katawan ni Zane dahil sa pag paparusa ng mga magulang nya dahil sa pagsama sa'kin.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung biglaang pag labo ng body parts ko. Noong una ay palad ko lang pero habang tumatagal ay ibat-ibang parte ng katawan ko ang nagiging malabo o kaya ay mukhang nag gglicth. Natatakot na ako sa nararanasan pero ayoko naman magsabi kay Zane. Ayoko na mag alala pa sya sa'kin. Ang dami na nyang naranasan na hirap dahil lang sa pagsama sa'kin kaya ayoko ng dagdagan ang mga iisipin nya.
Napapansin ko rin na napapadalas yung nightmares at ayun ang alam ni Zane dahil magkatabi kami. Pinapakalma nya ako kaagad at niyayakap ako kapag nangyayari yun. Pakiramdam ko kasi talaga totoo yung mga nakikita ko. Napapaniginipan ko pa rin yung nasa torture room ako. Kahit na anong pilit ko na limutin ay ang hirap gawin.
Pinapauna ako ni Zane na matulog at binabantayan nya ako pero hindi naman pwede na ako lang ang matutulog kaya sinasabihan ko rin sya.
"Hilary! " Sigaw ng pamilyar na boses.
Kaagad akong dumilat at pinagmasdan ang paligid. Madilim pa rin sa labas at wala namang ibang nandito maliban sa'min ni Zane. Umiling iling na lang ako at muling pumikit pero muli kong narinig ang sigaw.
"Pakiusap Hilary tulong! " Muling sigaw ng pamilyar na boses.
Dahan dahan naman akong naupo at tumayo . Hindi ko pwedeng maistorbo si Zane dahil mukhang malalim na ang pagtulog nya.
"Nandito ako Hilary! Pakiusap sana naririnig mo ako! "
Sinundan ko naman ang boses at dinala ako nito sa labas ng bahay. Mula sa may lavender fields ay may napansin akong pamilyar na pigura na hugis tao. Ganitong ganito yung nasa iba kong panaginip.
Mabilis akong tumakbo papunta sa pigura at nakilala kung sino ito.
"Velia! " Malakas na sigaw ni Hilary at ng makalapit ay mahigpit na yakap ang ibinigay sa kaibigan.
Kaagad na kumalas si Velia sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang balikat ni Hilary. "Wala na akong oras kaya mabilis lang akong mag papaliwanag. "
Napansin ko naman na tila ba nababalot pa rin ang ilang bahagi ng katawan ni Velia ng mga bituin sa kalawakan, para syang may suot na itim na may mga nakadikit na glitters. Lumalabo rin ang pigura ni Velia at tila nag gglicth kagaya ng mangyayari sa'kin nitong mga nakaraan.