3

88 8 4
                                    

"The quiz bee will be a duo ah. So kung sino ang dalawang pinakamataas, sila ang ipanglalaban" anang teacher sa harap na may hawak ng papel.

Nagbulungan naman ang mga tao at napahagikgik pa ang iba. Hindi rin nakawala sa pandinig ko ang sinabi ng mga iba.

"Sana mataas ako! Sure na nyan si Alliana at Art, sana isa sa kanila ang mataas"

"Ang swerte ng makakasama ni Alliana, sure na yan. Nakakagana nagreview kapag ganyan ang kaharap mo noh?"

"Sana ako at si Art!"

I snorted at their whispers. I kinda feel confident to my answers but still I don't want to expect too much. Baka madisappoint lang pala ako.

"Ready na ba kayo? Mukhang kabado ah" pagbibiro ng teacher tsaka inilibot ang tingin sa mga tao.

Inangat nito ang papel at napatango-tango nang makita siguro ang pinakamataas doon.

"Second to the highest ay nakakuha ng 92 points" anito.

Tahimik naman akong nakapangalumbabang nakatingin doon at nilibot ang tingin. Everyone is anticipating.

"Ang nakakuha ng 92 points ay si... Alfanta" anito na biglang ikinatayo ng katabi ko.

Napataas pa ito ng kamay at nakangising nag-"Yes!" Pinagtawanan siya ng mga teacher at nagcongrats ang lahat.

Napunta sa akin ang tingin niya at umupo nang dahan dahan. Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa teacher.

"At ang highest ay nakakuha ng 95 points"

Napuno agad ng bulungan na kasama ang pangalan ko.

"Si Alliana na yan"

"Swerte niya kasama niya si Art!"

"Nakakainggit! Magkasama sila lagi nyan"

Napairap ako at nagtama ang tingin namin ng teacher. May multo sa labi ito at sinabi ang nanguna.

"Nakakuha ng 95 points ay, mga manghula yata kayo, si Javier. Congratulations" anito.

Napangiti naman ako ng maliit at tinanguan ang mga bumati.

"Art, Alliana, maiwan muna kayo. Students, pwede na kayong umuwi" anito.

Naiwan naman ako sa tabi ni Art na hawak na ang kaniyang phone. Nakangising nagtitipa. Baka tinext si Adhara na nanalo siya.

"Congrats" sabi ko na mabilis niyang ikinatingin sa akin at napalabi pa.

"Congrats din! Congrats satin! Naka 95 ka! Hindi ka talaga nagreview?" Sunod sunod niyang sabi.

Nakatayo na kami sa gilid ng mesa ng teacher. Nakapamulsa siya at nakangiti sa akin. Ngayon ko lang napansin kung gaano kaunique ang ngiti niya.

"Kagabi lang" sabi ko habang nakahalukipkip.

"Mr. Alfanta and Ms. Javier" tawag sa amin ng teacher at pinaupo kami sa upuan sa harap ng mesa. Pinag-usapan ang mangyayari sa susunod na mga araw. Ang magiging review schedule namin at exemptions sa mga tests and quizzes.

"Sa monday ang start ng review natin. After class lagi ah. Sige pwede na kayo umuwi"

Tumango naman ako at sabay kaming lumabas ni Art.

"Uuwi ka na ba niyan?" Tanong niya nang makalabas kami sa gate ng mga faculty rooms.

"Oo" sagot ko. Nakasalubong pa namin ang ilan niyang mga kakilala at makahulugan na ang mga tingin sa amin.

"Gusto mong lumabas muna? Kumain?" Anyaya niya. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo. Nag-iwas naman agad siya ng tingin at binagalan ang paglalakad para makasabay ako.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon