44

53 3 0
                                    

Tango at tipid na ngiti lamang ang binigay ko kay Adi. Mukhang hindi iyon ang hinihingi niyang reaksyon ko dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon. Para siyang nakakita ng multo at manghang-mangha sa ginawa ko.

Natawa ako sa kaniya at pinisil ang pisngi. Ano bang gusto niya? Kiligin ako sa sinabi ni Art? Wala namang nakakakilig doon o wala namang kakaiba.

"We're not the same as what you think, Adi." Tipid akong ngumiti sa kaniya. "We're civil." Pagsagot ko sa kaniyang hindi nailalabas na tanong.

Hindi naman kami basta-basta magkakabalikan tulad ng kanilang gusto. It's not that easy. At sa mga pangyayari ngayon, hindi muna siguro namin itutulak pa ang gusto nilang gawin.

Hindi pa kami ayos, oo. Tulad ko, hindi rin madaling makausap si Art ngayon. Sino ba namang hindi maguguluhan sa lahat? Ako itong ayaw ng komplikado pero ako mismo ang nagpagulo sa lahat. I pushed him away. I broke up with him. Now, I'm here, wanting to take care of him and be with him as if nothing really happens.

"Bilisan niyo lang..." ani Paige na ikinatawa lang ni Clane at hinatak na si Art patungong men's room.

Kaya kami naiwan ngayon sa hallway. Nakahalukipkip akong sumandal sa pader at deretsong tinitigan si Paige na kanina pa may pagdududa ang tingin.

Tinanguan ko siya bilang senyales na magtanong na siya. Si Paige itong pinakachismosa sa buhay ko eh.

"What's with that Cholo guy?" She squinted her eyes at me, making it sharper than ever.

"A friend?" I said nonchalantly. Itinayo ko ang ulo at sinandal na rin sa pader.

Paige remained curious and doubtful. Alam kong pwede naman silang mainis kay Cholo kung sakali. Cholo is flirty and giving that bad boy vibes. Ayaw ni Paige sa ganoon at si Euna naman ay naiilang. For me, it's nothing but for them, it's like there will be a war between them if I'm gone.

Obviously because of Art again. Kahit si Art, madalas kong makita ang masasamang tingin kay Cholo. Kung alam lang nila, baka matawa na lang din sila tulad ko. Kapag naglalabas ng sama ng loob si Cholo at minsan ay umaakto pang broken daw siya kasi binangga siya ni Art o sinamaan ng tingin.

Naalala ko pa ang sabi niya nang sabi kong mag-girlfriend na siya.

"Ano ba 'yan! Dogshow! Kadiri!"

Sinabi niya pa iyon sa lalaking boses at lalaking upo. Masama ang tingin sa akin at pikon na pikon na.

"Friend lang talaga? Baka naman super close, ha? Feeling best friend!" She expressed annoyingly.

"Mabait naman 'yon, matalino rin..." Sabi ko na lang. Sa totoo lang, kahit anong sabihin ko hindi sila naniniwala kasi nga kabaliktaran 'liyon ng pinapakita ni Cholo.

"Oh, gusto mo na? My cousin is way better than him! Gosh!"

Natawa ako nang naisali na naman ang pinsan niyang si Art. May sinabi ba akong mas higit iyon kay Art? Wala naman kayang pumantay sa kaniya.

"Wala naman akong sinabi" Kalmado kong sabi sa kabila ng gusto nang matawa sa pagkairita na ni Paige.

Just like what I said, my friends are way more problematic than me for my relationship. Wala naman sanang namamagitan sa amin ni Art kun'di hindi pagkakaunawaan.

No romantic feelings attached.

I guess.

Her lips formed into a thin line. Nameywang na rin siya at para bang sinusubukan akong basahin para magsabi ng totoo.

Hindi naman ako nagsisinungaling.

"Subukan mong lumandi sa iba. Makikita mo, sisirain ko buhay niyo." Pagbabanta niya na ikinangiti ko nang pilit at inirapan siya.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon