21

50 4 0
                                    

"Hala! Lalong gumanda! Reese, nagiging lalaki ako sa'yo!" Si Kuya Edward nang matapos akong make-upan. Tinignan ko naman ang sarili at halos hindi makapaniwala na ako 'yon.

Simpleng make-up lang ang nilagay sa akin at wala namang yatang pinagbago. Or talagang maganda na ako. Ang buhok ko ay nakamalinis na half-ponytail kaya naman expose na expose ang balikat ko.

Nakita ko kung paano tumingin sa akin si Mama na halos kuminang ang mata sa tuwa. Nakahawak pa siya sa kamay at nakangiti sa akin.

"Mana ka talaga sa'kin" aniya na ikinatawa ko. Lagi niyang biro.

Nang maisuot ko ang gown ay agad akong namula sa naisip. I suddenly remembered Art's reaction when he saw me wearing my gown. He was completely stunned but smiled sexily after. I was nervous and excited waiting for his say to my look. I don't even know why I'm so anticipated to his opinion.

"Hindi ko talaga 'to iiwan kapag sumayaw. Maagawan ako!" Aniya na ikinatawa naman nila mama at pinuri na rin ako.

Kahit na sanay na ako sa mga puri ng ibang tao, kay Art lang ako masyadong apektado. He's simply possessive of me and I like it. Kahit walang kami, gusto ko sa pakiramdam na ipagkait ako at dapat ay sa kaniya lang ako.

"Susunduin ka ni Art?" Si Mama na inaayos nang kaunti ang buhok ko at ngumiti pagkatapos. "Napakaganda mo, anak" aniya na para bang hindi pa rin siya makamove on sa itsura ko.

Ngumiti na lang ako nang maliit at humalik sa kaniyang pisngi. "Opo..." I said before pulling out my phone. Si Mama naman ay nakipag-usap na kay Kuya Edward sa bayad at ayos.

Me:
I'm done already

Kinuha ko ang purse ko at napabalik din sa phone nang tumunog 'yon.

Art:
Nandito na ako sa sala niyo kanina pa. Labas ka na :)

Napasinghap ako doon at tinignan si Mama na busy sa pakikipag-usap. Dito kami sa kwarto ko ako inayusan. Hindi ko alam na nandito na si Art! Si mama talaga...

Lumabas naman ako ng kwarto at hindi ko alam kung bakit bawat paghakbang ko ay para akong lumulutang. Natanaw ko naman agad si Art sa sofa na kausap ang kapatid ko. Unang nakapansin sa akin ay ang kapatid ko tsaka niya tinapik si Art at tinuro ako. Pinilit kong ikalma ang sarili at napalabi nang makababa.

Sinalubong niya ako, bahagyang nakaawang ang labi at tsaka unti-unti ngumiti nang makalapit ako.

And just like what he wears on his birthday, he's wearing a black button down shirt under his cream tuxedo suit. Hindi 'yon nakabutones. Back to his face, his hair is brushed up making him more handsome than ever.

And I feel like I'm floating with the way he looks at me. Softly and in love.

"Ge lang, magtitigan lang kayo ah!" Singit naman ng kapatid ko.

Nag-init naman ang pisngi ko doon at binalingan ang kapatid na mukhang galing pa sa school at magulo ang uniform.

"Wala bang prom ang junior?" I asked him and he just shook his head and switch the tv on.

Kalauna'y nagsalita. "Mukha ba akong mahilig magsayaw"

Umismid ako sa kapatid. Kapag tinatanong si Lyle kung ilang taon na siya at anong grade na, maraming hindi naniniwala. Hindi naman kasi mukhang 17 si Lyle at Grade 10 pa lang. Matured kasi ang itsura niya at katawan niya, pero ang isip, hindi.

"Art! Nariyan ka na pala?" Si mama na pababa ng hagdan. I saw how kuya Edward behind her, smiled sexily at us.

"Kani-kanina lang po," si Art at nagmano rito.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon