47

66 3 0
                                    

"Stay inside. Kukuha lang ako ng damit" aniya bago tumalikod para umalis.

Agad namang nagliwanag ang mukha ko at nabuhayan ang loob ko. Sasamahan niya ako?

Mabilis ko namang isinara ang pinto at nilock na rin iyon. Hindi ko alam pero tuwang-tuwa ako. May parte sa akin na dahil may kasama na ako at ang isa naman ay dahil si Art 'yon.

Nang malaman ang tungkol sa pagkikita ni Zillah at Art kanina, pakiramdam ko ay natanggalan ako ng tinik sa dibdib at lahat ng pagdududa kay Art ay nawala.

They did nothing wrong. It was all because of me. Because they care for me and they wanted to protect me. Pero ako itong nag-isip pa ng masama sa kanila.

I don't want to blame it all to myself. My feelings were valid. Nasaktan ako dahil ako ang girlfriend. Nagkita sila nang hindi ko alam. Dumagdag pa na hindi kami ayos nila Zillah at ang hindi namin pagkakaliwanagan ni Art.

Alam kong naging makasarili ako. I did all of it protect myself because I feel like they're all against me. Pakiramdam ko, mag-isa lang ako. Na wala akong kakampi o walang pumapanig sa akin.

And I was too blinded by my own treachery. I was truly hurt. Because all this time, I was confident that they won't betray me. Na maniniwala sila sa akin. At ang taong inasahan kong maniniwala sa akin, hindi rin pala.

It was my defense mechanism. Mag-isa ako dahil sariling opinyon ko ang pinakinggan ko. Sila, alam nila ang totoo samantalang ako, naging makasarili at hindi sila pinakinggan.

May kumatok. Naghahalo ang excitement ang kaba sa akin. Pero hindi ako nagpadalos-dalos. There might be a chance that Mr. Villegas knew my condo unit as he even have a picture of me.

Sumilip ako sa peep hole. Kumunot ang noo ko dahil walang tao roon. I started to panic as no one appeared. Gumulo bigla ang isip ko. Baka nasa gilid ito o 'di kaya'y nakaabang sa malayo.

My palms started to sweat and my heart began racing. Kaba na lamang ang nararamdaman ko ngayon dahil sa maaaring mangyari sa akin.

I've never been this terrified before. Buong buhay ko, kaya ko naman mag-isa. Minsan ay nakakalabas pa ako ng condo ng hatinggabi at bababa sa convenience store para makabili ng kahit ano. Samantalang ngayon, hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

Hindi kaya dahil kay Art? I became dependent to him ever since we're always together. Walang oras na hindi kami magkasama. He's been protecting me even tho there's none to fortify of.

My phone rang and I was startled by it. I was petrified for a while pero nang makita ang name ni Art, I immediately answered it.

"Malapit na ako, ang bagal ng traffic eh..." bungad niya na sinundan ng malalim na tawa.

I was just breathing heavily. Hindi ko alam ang sasabihin lalo na't nangingibabaw ang takot sa akin. But I want his presence with me or even just his voice.

"Alliana?" He sounded worried.

"A-art..." I breathe out. Sa takot na may kumatok muli, nagtungo ako sa kwarto at nilock nang ilang beses ang pinto.

"Ayos ka lang ba? Huwag kang lalabas. Malapit na ako." Aniya sa kabilang linya.

Huminga ako nang maluwag at pinigilan ang sariling maging emosyonal.

Walang kang magagawa kung magpapanic ka, Alliana.

"D-don't drop the phone, please?" Mahina kong sabi. Narinig niya pa rin iyon.

"Are you okay? Malapit na ako. Hindi ko ibababa ang phone. May nakita ka ba or ano?" He assured me.

"A-ano..." I bit my lips before continuing. "M-may kumatok tapos w-wala namang tao..."

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon