Kumikirot ang ulo at hilo akong nagising sa pamilyar na kwarto sa condo ko. Umupo ako habang hawak ang ulo. Umangat ang tingin ko sa kapatid na nakahiga sa bandang paahan ko at may kung anong nilalaro sa phone.
"Si Art?" Tanong ko nang maalalang siya ang huli kong kasama.
Ang tangi ko lamang naalala ay ang nasa parking lot kami at sumuka ako sa basurahan. Umasim agad ang mukha ko nang maalala.
Isang beses sumulyap sa akin ang kapatid at bumalik sa laro. "Hindi dito natulog, bakit?"
"Sino nagdala sa'kin dito?" Sabi ko habang tinitignan ang sarili. Nakabihis na ako ng maayos na damit at shorts. Napakunot ang noo ko.
"Tsk, nando'n ako sa club na pinuntahan niyo. Akala ko ba hindi ka iinom?" Inis niyang sabi habang nasa phone pa rin ang tingin.
"Sinong nagpalit sa akin ng damit?" Taka kong tanong.
"Ikaw mag-isa"
"Sino nga? Wala akong maalala..." sabi ko habang hinahalukay sa isipan kung nagbihis ba ako o binihisan pero sumakit lang ang ulo ko.
Tumigil siya sa kakalaro at lumabas sandali. Maya-maya lang ay bumalik siya na may dalang tubig at soup. May gamot din. For hangover siguro.
"Nagbihis ka nga mag-isa. Sa tingin mo ba bibihisan ka namin ng Art mo?" Tila ba'y sinasabi niya sa akin na napakabobo ko para hindi maintindihan iyon.
"Fine..." sabi ko at kinain ang binigay niya. Nagpatuloy siya sa paglalaro habang kumakain ako. Nagtatanong din ako sa nangyari kagabi na sinasagot lang niya kapag natitigil sa kakapindot sa phone.
"Nakakahiya ka kagabi. Ako pa nahihiya kay Art"
Ininom ko ang gamot pagkatapos. "Nasukahan ko ba?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Oo, kadiri ka. Hindi ka na nahiya sa tao"
Napapikit ako sa hiyang naramdaman. Paano ko haharapin niyan si Art lalo na sa laban? I should at least say sorry?
"Pinahiram ko ng damit. Kunin mo 'yon, regalo pa sakin ng kaibigan ko 'yon" aniya na ikinatango ko lang.
This is why I definitely hate hard liquors. Nakakagawa ako ng kung ano-anong kahihiyan na hindi ko naman maalala.
Naligo ako bago kami umuwi ng kapatid sa bahay. Naroon si Mommy at Daddy na may kung sinong mga bisita. Nang makita ang pamilyar na pinsang lalaki ay agad akong kumaway dito.
Lumapit kami sa kanila para bumati sa kamag-anak. Hindi ko pinansin ang mga tanong nila tita na kung saan kami galing o bakit ganito ang itsura.
"Jom, tara laro" aya agad ng kapatid ko sa kaniya.
Umiling ang pinsan ko. "Mamaya, Lyle." At bumaling sa akin. "Sa Monday na ang laban mo? Good luck, Reese" mabait siyang ngumiti.
Jormian is the only cousin we're both close with. Cousin in father side. Mabait, madaling pakisamahan, at hindi spoiled tulad ng iba kong pinsan. Matangkad, maputi, at gwapo. 'Yung itsurang crush ng buong klase. Hindi mayabang ang dating at good boy kung tignan.
"Reese, sa taas muna kayo. Mukhang nababagot si Jom-jom sa usapan namin" si Tita Jillian na nakangiti na sa akin.
"Ma..." si Jom.
Tumango ako at inaya ito sa taas.
"Si Julia pala?" Rinig kong tanong ni mommy.
"Busy sa kaniyang pag-aaral. Alam mo naman, college na" si Tita Jillian.
Julia is Jormian's elder sister. Dalawa lang sila at gaya ni Jom ay sobrang bait din nito. Kaclose ko rin at kahit kailan ay hindi nagpakita ng kung anong kaimpaktahan. Ahead sa akin ng isang year samantalang si Jom ay behind ng isang year.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...