15

59 5 0
                                    


Was it a joke?! or not?!

I don't know what to think! Pero paniguradong biro lang iyon dahil gago 'tong kapatid ko! Natural naman na ang pagkademonyo ng kapatid ko.

Pero, ang sarap mahalin? What the fuck?

Nagpasya akong huwag na lang magpaapekto. It shouldn't be a big deal. It's just a joke.

Kahit ang pang-aasar ng kaibigan ko nang magkaroon ng klase ay pinakibit-balikat ko lang. Wala naman akong magagawa kung gusto nila ako pagtawanan. Maganda pa naman ako sa picture at alam kong inggit lalo sa akin ang fangirls ni Art dahil napansin niya ako.

"Kagrupo ko si Reese!" Rinig kong bulong ng isang lalaking kaklase.

My most hated subject, P.E. at may laro na naman. May magagawa ba 'tong subject na 'to kapag nagtrabaho na ako?

"Swerte mo gago"

Napairap ako sa mga kaklase at naunang lumabas ng classroom. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagkakagusto ng iba sa akin. Masyado silang papansin. Nagpaparinig na gusto nila ako like may paki ako? Makakain ko ba ang mga salita nila?

Hindi. Dahil sa pangit na nga sila at hindi ko sila tipo.

"Reese, 'yung papel natin. Ikaw na ba ang magbibigay?" Si Zillah na lumabas na rin at kasabay ko nang tumungo sa field.

May mga dumating na college students kaninang umaga at nagpasurvey para sa kanilang research. At isa doon ang kapatid ni Art na si Shan. Nakakapanibago nga lang kanina dahil nakasimangot lang ito. Para bang wala sa mood.

At porket ako ang naunang nagpasa kanina ay sa akin iniwan ang mga papel. Dadaanan na lang daw ulit nila sa akin mamaya. Ang kakapal din ng mukha eh. Kung hindi ko lang kilala si Shan ay hindi ko gagawin iyon.

"Oo, mabait naman ako" sabi ko na ikinangiwi lang niya.

Gusto kong magreklamo na kung pwede ay sa gym naman kami maglaro hindi dito sa field. Bilad na bilad na kami sa araw at madamo pa. Tapos ang mga puno ay nasa gilid lang ng daanan.

Naupo kami sa plant box ng isang puno dahil doon lang may lilim. The game started. Nauna sila Pene at Jandy na magkagrupo. Kalaban nila sila Zillah. Naiwan ako kay Aaron.

"Hindi ka magpapagupit ng buhok, Reese? Ang haba na oh" si Aaron habang hinahawakan ang buhok ko. Nakapusod iyon nang mataas.

"Ayaw ko" sabi ko at tinanggal ang kamay niya.

"Maganda rin naman kapag mahaba ang buhok. Madaming magagawa. Gusto ko rin magpahaba"

Sa kanila ni Jandy, si Aaron ang medyo chill pero parang Jandy rin. Nakakausap ko rin si Aaron tulad ng ganito hindi tulad ni Jandy na puro tarayan kaming dalawa.

Sayang nga si Aaron eh. Kung hindi ko nalaman na bading siya noon nung nilipat ako, magiging crush ko pa siya kaso malambot na talaga siya. Wala namang masama sa pagiging bading pero parang hindi na sila nagkakagusto sa babae kaya sayang ang lahi.

Nang kami na ang maglalaro ay chineer pa kami nila Zillah. At ang kagrupo kong lalaki kanina ay panay ang lapit sa akin. Nang magsimula ang laro ay gusto ko itong sipain palayo sa akin. Kung hindi aagawan ako ng bola ay gigitgit siya sa akin.

"Sa'kin 'yon" inis kong sabi sa kaniya nang lumabas ang tira niya na supposed to be sa akin.

He smiled. "Para hindi ka na mapagod at masaktan."

Gusto kong masuka sa sinabi niya. I cringed so much that I showed him what I felt about what he said. Ang pangit niya!

Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Akala mo naman gwapo.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon