Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. Kahit corny ang mga banat niya, hindi ko maiwasang mamula at kiligin. Minsan, kapag masyado nang corny ay gusto ko na lang maglaho na parang bula para hindi niya makitang apektado ako doon.
"So, ako ang kapalit ng panood mo?" Panunuya ko na ikinaiwas niya ng tingin at dumukdok sa steering wheel.
Namumula ang tainga niya. Maasar nga lalo.
"Palihim mo pala akong pinagnanasahan ah..." mukhang naapaktuhan siya doon at mabilis ang naging reaksyon niya. Magkasalubong ang kilay na umiling.
"Hindi sa gano'ng paraan, Alliana! Ang ibig kong sabihin, mas gugustuhin kong ubusin ang oras ko sa'yo kaysa manood ng gano'n! Tulad ng katext ka o katawagan" may bahid ng inis na sabi niya.
Napalabi naman ako. "Sorry..." nangingiti kong sabi.
Umiling lang siya at pinanliitan ako ng mata. Minsan, nakakatuwaan kong asarin si Art. Mabilis kasi siyang mahiya lalo na kapag tungkol sa amin. Wala lang din naman sa akin 'yon at hindi naman ako lumalagpas sa linya kapag nagbibiro o inaasar siya.
Si Art nga ang kapartner ko nang magpractice na kami. Mamimili ka lang naman eh. Magdadala ka ng partner o ang teacher ang pipili ng partner sa'yo kung wala ka pa. At dahil si Art na mismo ang nagdala sa akin, wala na akong nagawa. Siya naman talaga ang inasahan kong kapartner.
Si Zillah ay may random na kapartner. Si Pene ay ang kaniyang boyfriend habang ang dalawang lalaki ay halos irapan na ang mga babaeng nakapartner. Hindi ko maiwasang matawa kapag nagsasayaw na. Para bang iritang-irita na sila at nagsisisi na sumali ng prom.
"Kinikilig ang gago oh!" Pang-aasar ni Pene at tinawanan si Aaron na masama na ang tingin sa kaniya.
"FYI, hindi ko siya type" maarte nitong sabi at umirap.
Pilit kong inililihis ang mata kapag nagsasayaw kami ni Art. Kung hindi nakangiti siya habang nakatingin sa akin ay bahagya niyang ililiit ang height para mapantayan ako. Hindi ko rin naiiwasan ang mamula kapag nanunuya ang mga kakilala.
"Parang tanga, tumigil ka nga" tsaka ko bahagyang tinampal ang mukha niya. Magaan at madali lang naman ang steps. Hindi gaanong nakakahilo na maraming ikot tulad ng sa ibang nakikita ko.
Sa ilang araw na pagpapractice noon after class, kasama namin lagi ang mga kaibigan. Ayos lang naman sa kanila 'yon lalo na't natutuwa din sila kay Art... kasi gwapo...
"Kung babae ako, liligawan mo ba ako, Art?" Si Jandy na nakapatong na ang hita sa isa at nakapangalumbaba.
Kinantyawan naman siya nila Pene at hinampas pa. Inabangan ko naman ang sagot ni Art na kumakain ng kaniyang fries.
Sa closed gym kami nagpapractice. Dito rin kasi gaganapin ang sayaw. Lahat ng mga estudyante na kasali ay mga nakaupo sa mono block. Katatapos lang namin.
"Sorry pero hindi" deretsong sabi ni Art na ikinatawa namin. Si Jandy ay sumimangot lang at maarteng sinuklay ang buhok.
"Nubayan! Ang pangit ng taste mo kung hindi ako" pagbibiro ni Jandy.
Uminom naman ako sa aking tumbler at bahagyang umasog kay Art dahil nabugahan ako ng malaking electric fan. Nakaaircon na nga kami, may electric fan pa.
"Kung hindi si Alliana ang liligawan mo, sino sa dalawang 'to?" Ani Jandy na ikinakunot ng noo ko at binalingan sila.
Tinaasan niya lang ako ng kilay kahit wala pa naman akong sinasabi. Napansin ko naman ang pagkailang ni Art doon at natawa nang hilaw.
Napailing na lang si Zillah at si Pene naman ay mukhang iniintay ang sagot ni Art. Hindi ko alam kung bakit sa akin nakatingin sila ngayon. Eh hindi naman ako ang tinanong.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...