Wala. Wala akong maramdaman. Kahit ang sinasabi ni Lyle na nasa labas pa rin si Art, hindi ko pinansin. Wala kong pakialam kung maghabol siya. Basta, sigurado akong wala na akong pakialam sa kaniya.
Wala naman siyang tiwala sa akin, 'diba? Wala na rin kami para sa akin.
Wow. First boyfriend and first love. It was never meant to stay. Kung ganito lang pala ang mararanasan ko, nanatili na lang pala talaga akong walang boyfriend habang buhay.
Puro kalokohan.
"Anak..." agad kaming yumakap kay mama nang nilabas sila ng mga pulis. Baka by next week pa raw sila makakalabas sabi nila tita. But they're doing their best to make them out of jail.
"Kamusta?" I asked them both after we settle on the table.
Mommy smiled sadly. They both looked stressed but still decent. Kahit mga nakaorange na t-shirt ay hindi naman sila mukhang mga preso.
"We're fine. Kayo? Baka naman hindi kayo kumakain nang maayos..." aniya at tinignan ang kapatid ko na tahimik lang na nakamasid sa kanila.
I know Lyle is mature enough to understand this but he looks traumatized. Lagi niyang tinatanong kung bakit hindi pa sila lumalabas.
"I'm doing my duty, Ma." Sabi ko na ikinatango naman nito.
We talked about the important things lalo na't limitado lang ang oras ng pag-uusap. Naguluhan ko kung bakit kailangan muna namin tumira kila Jom pansamantala. Malayo-layo iyon sa amin.
"Bakit, Ma? Ayos naman kami sa bahay..." sabi ko at sinulyapan ang kapatid na tahimik na nakikinig lang.
Dad sighed and hold my hands. "Kailangan naming isangla ang bahay, Reese. We need to pay for the charges."
I looked at him unbelievably. Ang bahay namin? Isasangla? Saan kami titira, kung ganoon?
Hindi ko pa iyon mapaniwalaan dahil ayaw na ayaw pinapagalaw ni Papa ang bahay. I've heard him some time that he wouldn't let our house be a mortgage. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit idadamay niya ngayon ang bahay.
"Dad, bakit ang bahay?" Kunot-noo kong sabi.
Daddy sighed, problematic. "It is needed, Reese. Dahil kung hindi ay saan naman kami kukuha ng pera?"
"Bakit ba kasi ginawa niyo pa 'to? Hindi naman talaga tayo naghihirap..." Bulong ko.
Nasilaw sila? Sa ganoong kalaking pera? Hindi pa ba sapat ang kinikita nila?
"W-we didn't mean it, anak. I'm sorry. N-nadala lang kami..." si mama.
Dahil sila tita na raw ang mag-aasikaso noon, ang ginawa na lamang namin ay kinuha ang gamit namin. Hindi naman daw iyon magagalaw ng iba pero hawak na iyon ng bangko. Si Lyle lang ang titira kila tita. Hindi pwedeng ako dahil ang klase ko. Lyle is just highschool and I'm already in college. Mas convenient din dahil malapit lang ang condo ko sa school. Si Lyle naman ay may sasakyan naman.
Nag-ayos ako sa condo dahil dinala ko nga ang mga gamit ko. I was busy bringing out my clothes when something got my attention. Walang buhay ko iyon kinuha at pinagmasdan.
It was the pear keychain Art gave to me. Remembering the time he gave me this...
I sighed. I can't feel anything. Wala. Dahil wala na akong maisip pang magandang maramdaman sa kaniya. O dahil iyon ang sinasabi ko sa sarili ko.
Kagabi, dahil hindi ako makatulog, bahagya akong sumilip sa bintana. It was already 11 PM that night. There, I saw Art arguing with his cousins. Lahat sila ay naroon. Hindi ko maiwasang manglumo sa nakikita.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...