46

55 2 0
                                    

Nang maisara na ni Shan ang pinto ng pinaglabasan namin ay isa-isa na kaming sumeryoso. Dito kami sa rooftop tumungo para tahimik at malayo sa tao.

Hindi ko alam kung bakit kumakalabog ang dibdib ko. I feel like there's something wrong with all of these. Mga bagay na hindi naipaliwanag na dapat ay una pa lang nagawa na.

I saw how Cholo looks uneasy standing next to Larry. I am sitting on a bench with them around me. Si Art ay nasa gilid ko, nakaupo sa bakal na arm rest. Zillah is beside me. Nakaharap na siya sa akin samantalang ako nakikipag-argumento pa sa sarili kung haharapin ko ba siya o ano.

"Kailangan bang kasama ako rito?" Si Cholo.

Sabay-sabay na sumama ang tingin sa kaniya ng mga kaibigan ko. Nakita ko kung paano magulat doon si Cholo at pasimpleng lumunok. He chuckled nervously after.

"Sabi ko nga..."

I sighed. Hinarap ko na si Zillah na hinihintay na lamang ang mata ko. When I nodded at her, she smiled first before talking.

"I want to say sorry first, Alliana. When you saw me with Art in a restaurant..." She said slowly then took a glance at Art.

Bahagya akong tumingin sa mga kaibigan na naninimbang ang tingin sa akin. Pasimple akong nag-iwas ng tingin at tumango bilang pagtanggap noon. Mukhang alam na nila na lagi akong hindi nakikinig sa mga gustong ipaliwanag sa akin.

Kasi ang akin ang gusto ko lamang pinapakinggan.

"We didn't do anything that would hurt you or anyone. I just wanted to talk to him dahil ayaw mo..." She trailed off as if waiting for my say to that.

Noong nakita ko sila sa restaurant, the first thing I think is that they betrayed me. The issue was still fresh that time and I had a hard time with Art because he doubted that it was really me who's in that video.

Kampante ako noon kay Art dahil alam kong naniniwala na siya sa akin. Pero noong nakita ko pa sila ni Zillah, hindi ko na maiwasang sumabog at panigan ang lahat ng nabubuong ideya sa aking isipin kung bakit sila magkasama.

"About me, right?" Sabi ko habang deretso ang tingin sa kaniya. Tumango siya at hindi ako binigyan ng tyansa na magsalita pa.

"It was about the scandal, Reese. Alam ko kung sino ang may pakana."

Parang nahigit ang paghinga ko sa sinabi ni Zillah. I was stunned because I didn't really expect that. May naisip ako kung sino man ang gumawa noon na may galit sa akin pero hindi ko naman iyon itinulak pa dahil wala naman akong pruweba.

She continued.

"Gustong-gusto kita kausapin tungkol doon pero umiiwas ka, Reese. Alam kong hindi maganda ang huli nating pag-uusap kasama ang mga kaibigan pero Reese, labas ako roon." She said solemnly.

I know Zillah is the only person I treated actually as a friend that time. Mapili man ako pero sa kaniya ko lang nakita na kaibigan ang tingin sa akin. Na hindi siya tulad ng iba na kapag ayaw ko, ipipilit at ipipilit.

"I care for you, Reese. You're still a friend of mine even if you already..."

End my connection to them. It's because that's how I treat people. If they don't like me or I don't like them either, I cut the connection. I don't lke complicating things. Kung friendship over, friendship over. Kung alam kong ayaw nila sa akin, lalayo ako.

Ayokong pinipilit ang sarili sa mga bagay na hindi talaga para sa akin. Kasi kung para sa akin talaga, sa akin mapupunta kung hindi, hindi.

"Dahil nga ayaw mong makipag-usap, I asked Art instead."

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon