42

48 2 1
                                    

The garden looks like those magical gardens in some fairy tale movies. This place was special to Euna, she said. At talagang maintained nila ang lugar dahil malinis ito.

Dahil hindi naman kalakihan ang garden, unti-unti na naman akong nawawalan ng pag-asa na makita pa si Art. Kahit sa mga paligid, wala kaming nakita. Ayaw kong panghinaan ng loob pero nang magpasya nang tumawag sila Shan sa magulang, napayakap na lang ako kay Euna.

"I-i shouldn't have pushed him away..." Nanginginig kong sabi sa kanila. Hinagod lang ni Euna ang aking likod at naiiyak na rin.

"Guys..." tawag ni Paige kaya napalingon kami.

Nagpunas ako ng luha at nanghihinang nilapitan siya. May napansin yata siya sa kabilang ibayo kung saan naroon ang isang puno ng mangga. Hindi ko alam kung anong mayroon doon pero nang may matanaw na gumalaw sa likod ng katawan ng puno ay walang pasubali akong lumapit doon.

"Alliana!" Tawag nila dahil hindi na nila ako napigilang tumawid sa sapa. May tulay na kahoy naman doon pero naputikan pa rin ako dahil sa kabilang bahagi nito.

I don't care if I look a complete mess right now. The only thing that's in my mind right now is Art. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mapahamak man siya. All because of my fucking insensitivity.

Nang makita ko ang pamilyar na sinuot niyang pajama, kumalabog ang dibdib ko at pakiramdam ko ay babagsak ako kahit anong oras sa sobrang panghihina at pagsisisi.

Kung hindi lang ako nag-inarte, kung hindi lang ako naging insensitive, kung hindi lang ako naging selfish, hindi naman mangyayari 'to.

Mabagal ang lakad ko papalapit sa kaniya. Bawat hakbang, kasabay ang pagtambol ng dibdib ko. Bawat hakbang, pinapaalala sa akin kung gaano ako kamahal ni Art.

Bawat hakbang, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayari sa amin ngayon. Dahil sa pagiging makasarili ko.

"A-art..." pagkaluhod ko sa harap niya, kasabay ang pagbuhos ng mga luha ko.

He's still wearing the clothes from yesterday. Nakatingin sa kawalan, pagod ang mukha, at nakasandal sa puno, durog na durog na ang puso ko sa sitwasyon niya ngayon.

This is all because of me. Because of my unreasonable decisions, because of my selfishness.

"Art, let's go home, p-please..." Hinawakan ko ang kamay niya. Halos mapaso ako init noon.

Lalong humapdi ang puso ko dahil hindi siya gumagalaw. Nakatitig lang sa kawalan pero nakita ko kung paano mabasa ang kaniyang mata.

"Art, please..." lumapit ako lalo sa kaniya at hinawakan ang mukha niya. Kahit na napaso sa init nito, inayos ko ang mukha niya.

Hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ang kaniyang mukha at itinapat sa akin ang kaniyang mata. At nang magtama iyon sa akin, tumulo na ang luha niya mag-isa.

"L-let's go home..." Naiiyak kong sabi at bumaba ang tingin sa kaniyang dibdib dahil hindi ko kayang salubungin ang kaniya.

I was already sobbing as I tried to hug him. Bakit ba niya nagagawa sa sarili niya? Bakit niya pinapabayaan ang sarili niya?!

I pushed him away because I want him to live freely! Because he deserves someone who's not me! I am flawed and full of unreasonable decisions! And I don't want him to suffer more from this kind of love from me! I am killing him!

Binaon ko ang mukha sa kaniyang balikat at niyakap siya. I felt his hands on my back and tried to push me away.

"Bakit ka umiiyak?" His hoarse voice makes me cry more.

I hate myself! I hate that he's becoming like this because of me! I hate that he losing himself just because he love me!

"W-why are you doing t-this, Art?" Hinawakan ko ang panga niya. Inilandas ko ang hinlalaki sa kaniyang luha.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon