"Tanginang mukha 'yan, napano ka?" Bumungad pa ang pangit kong kapatid sa akin.
"Tanginang mukha 'yan, kulang sa aruga!" Inis kong sabi sa kaniya at mabilis na nagmartsa papuntang kwarto.
Talagang bestfriend ang turing niya sa akin, huh?! Samantalang ako, eto! Gusto na siya!
Is this my karma? Dahil nireject ko siya noon? Hindi ko naman kasi alam na magugustuhan ko siya!
Napatingin ako sa salamin at nakitang ang busangot kong mukha. Mas gumanda pa nga ako nitong mga nakaraan ah! Hindi ba niya napapansin iyon? Ang ganda ko naman ah!
Friends na lang ba talaga kami?
"Ugh!" Inis akong humiga at tumitig sa kisame.
Naiinis ako sa kaniya! Kung kailan ko siya nagugustuhan, doon na niya ako hindi gusto?
Tsk! Hindi ko naman siguro siya gusto talaga. Baka naguluhan lang ako dahil sa pinapakita niya. Siguro tulad ng pagkagusto niya sa akin noon, crush lang.
Oo, crush lang. Hindi naman ako mapapano doon. Uncrush ko na lang din siya.
Ano kayang iniisip niya? Ngayon lang ako unti-unting kinain ng kahihiyan.
May klase pa bukas! Sana hindi ko na lang siya makita. Malaki naman ang school.
Magpapanggap na lang akong hindi dalawang room ang pagitan ng room nila sa amin.
"Ang ating reyna ay nagbabalik!" Jandy welcomed me pagkapasok ko sa room.
"How's the laban? Second daw? Congrats babe!!" Si Pene at yumakap pa sa akin.
"Salamat" pagkaupo ko. Bumati rin ang ilang kaklase.
"Anong school ba ang nanalo? Sino 'yung nanalo? Gusto mo iganti ka namin? Gwapo naman ako! Landiin ko kung girl tapos igo-ghost ko!" Aaron joked.
"Nakalimutan ko basta niluto 'yung laban" sabi ko.
"Hindi naman na bago 'yon. Hayaan mo na, panalo pa rin kayo!" Zillah cheered me up.
I shouldn't expect on Art too much. I don't like him that much. Siguro naattach lang ako sa kaniya kasi lagi kaming magkasama. At gwapo pa siya. At mabait. At matalino. At mabango.
Ano ba, Alliana?!
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan nang magrecess. Baka kasi magkita kami? Baka makita ko siya! Tapos kausapin niya ako tungkol sa nangyari? Nakakahiya!
"Para kang tanga, Reese. Ba't ba nagtatago ka?" Si Jandy na tinulak ako palayo sa kaniya.
"Ang sadista!" Reklamo ko at inirapan siya. Sumabay naman ako kay Zillah nang makapasok kami sa canteen.
Patungo kami sa gawing may salads nang makita ko doon si Art. Kasama si Paige at ang pinsan niyang si Clane. Agad kong iniliko si Zillah ng daan bago pa niya kami nakita.
"Hindi ka magsasalad?" Zillah asked.
Umiling ako. "Nakakasawa na. Burger naman" sabi ko at dinala siya doon. Si Pene at ang dalawa naman ay nasa fries na at ice cream machine.
"Bacon sa akin" sabi ko kay Zillah nang umorder siya.
Palagi kong tinitignan ang paligid dahil baka nasa likod ko na pala si Art! As much as possible, ayaw ko muna siyang makita.
"Reese, oh. Ba't ba mukha kang natatae?" Natatawang sabi ni Zillah sa akin.
Ngumuso ako. Sobrang halatain ko naman!
"Tara na, asan ba sila Jan--"
"Reese! Ice cream, you want?" Nilingon ko si Jandy na tumawag mula doon. Hindi ko sinasadyang malipat ang tingin kay Paige na katabi lang nila.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...