"Alliana, can we talk for a bit?" Sa pag-aalangan ng boses ni Larry at tingin ni Clane ay may ideya na ako sa kung anong pag-uusapan namin.
Wala naman silang nasasabi nitong mga nakaraan sa mga inaasta ko kay Art. Hindi rin naman sa wala silang pakialam dahil silang magpipinsan, problema ng isa, problema ng lahat. Pero hindi naman nga nakikita ni Art iton bilang problema. Ni para wala lang nga sa kaniya ang pakikitungo ko sa kaniya eh.
Pero ngayon ay mukhang nakakapansin na sila na wala na talagang pag-asa pang magkaayos kami ni Art. I don't overreact to things. What happened between me and Art is something I won't tolerate. He knows how I valued trust more than anything. Even more than love because how can you love someone when you don't even trust them?
Nandito kami ngayon sa bahay nila Euna at Crane. Habang wala pa sina Shan at Lomi na sinundo sila Maye ay sinabi na ngayon sa iba ang gagawin. The surprise was a bit tricky but I hope it will turn out well. Halata naman na hindi na rin sila makatiis sa pagiging in denial ng dalawa sa isa't isa kaya sila na ang gagawa ng paraan.
"Nag-uusap na tayo ngayon..." sabi ko at nilikom ang pinagbalatan ng juice na tinimpla.
Nagtinginan muna silang dalawa bago tumango si Clane kay Larry. Nanatili ang mata ko kay Clane at nang mapunta sa akin ang tingin niya ay bahagya pa siyang nagulat at nag-iwas ng tingin.
"Alam kong hindi dapat kami nangingialam pero..." Si Larry na napansin ang tingin ko kay Clane kaya nilipat ko sa kaniya ang tingin ko.
"Hindi ba kayo magkakaayos ni Art?" Tuloy niya.
Mula sa pagkakahilig sa mesa ay tumayo ako at humalukipkip. I sighed.
"Nope"
Nagkatinginan ulit sila bago magsalita si Clane. "Naghahabol si Art..."
I threw a soft glare at him. He flinched a bit. "Is that my fault?"
Umiling ito. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin--"
"Pero ang gusto niyong mangyari ay balikan ko si Art, hindi ba?"
Natahimik sila. Dahil siguro tama ang sinabi ko. Siguro'y awang-awa na sila sa pinsan na hindi napapagod kakasuyo at kakaasa kahit ilang beses ko nang pinapatigil. I already did my part. Ilang beses ko nang tinaboy si Art pero nagmamatigas siya.
I tilted my head a bit and shot one brow up. I get them. They're concern about Art because he's obviously smitten to me. He can't even accept a breakup. He can't even let me go. Ganoon niya ba ako kamahal talaga?
May sumagi sa aking isipan. Parang napag-usapan na namin 'to ni Art kung bakit... ayaw niya ng hiwalayan.
"What do you want me to do, then? Sabihan siya na tigilan na ako? Ginawa ko na 'yon. But look at him, binalewala niya lang..." kalmado kong sabi.
Clane looks at me seriously now. "Do you even love him, Alliana?"
Here we go again with that question. Why do they always question my love for him? Just because I'm like this? Cold?
"I loved him, Clane. Hindi ko siya magiging boyfriend kung hindi. You know how much I value trust in people I love. Kahit kayo, kaibigan ko na kayo..." I paused when Clane looks away guiltily. Alam niya ang tinutukoy ko. They tried to cover up Art, huh?
"Pero Alliana, Art is earning your trust again--" I chuckled because they're like pushing Art to me.
"I know that, thank you. You want me to accept him again, that fast? Look, I'm not an easy girl..."
"He's hurting, Alliana. O dahil wala na talaga dahil may bago na?" Si Clane na irita na.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nilabanan ko rin ang pagkairita niya. He's like accusing me of cheating. Again.
![](https://img.wattpad.com/cover/252984193-288-k484809.jpg)
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...