34

52 4 0
                                    

"Sige lang, ikaw lang din nananakit sa sarili mo." Pagpaparinig ng kapatid ko nang sumama sa akin sa condo.

Hindi ko alam na may hiya pa pala ito at nahihiya raw siyang kumuha ng makakain kila tita Jillian. Kaya siya nandito ngayon at gusto ng meryenda.

"I feel nothing, Lyle." Sabi ko at inilabas sa counter top ang mga pinamili kanina sa grocery. It's Saturday kaya naisip akong puntahan.

Kahapon ay nakauwi na sila mama at papa. Hindi ko pa napapasalamatan si Paige sa pagtulong ng papa niya kaya mamaya ay iimbitahin ko sila dito sa condo.

Mga babae lang.

Nalukot ang mukha niya at kumuha ng isang peras sa basket sa harap niya. Baked mac lang ang gagawin ko dahil hindi ko kaya ang nirerequest niyang lasagne. Si Euna na ang gagawa noon mamaya kapag nagpunta sila.

"Tanginang pagmamahal 'yan, ayaw ka talaga iwan eh." Nagsalita siya pagkatapos ng mahaba-habang pag-iisip. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagtuunan ang ginagawa.

Mukhang lahat naman yata ng tao, kampi kay Art. Kahit itong kapatid ko. Kaya ako pa ngayon ang mukha talagang masamang tao rito. Kasi ganoon ang ginagawa ko kay Art.

I am very clear about expressing what I felt with Art. And also, to what's our relationship now. Wala na kami. At hindi lang matanggap ni Art 'yon.

"Gano'n siguro ako kaganda..." wala sa sarili kong sabi at inalalayan ang tray para ilagay sa oven. Nang matapos ay kumuha lang ako ng tubig at uminom. Nagpakuha rin ang kapatid kaya binigyan ko siya.

"Hindi pa ba sapat na mahal ka ng tao para balikan mo? Tanginang 'to, hindi ka naman sana pinaglihi sa sama ng loob..." aniya bago uminom sa tubig.

Humilig ako patalikod sa counter at hindi siya hinarap.

"Just because he's pursuing me and acts like he still loves me doesn't mean I should accept him again. He broke my trust, Lyle. You don't know how important it is to a girl..."

I may be cold to him but I still care. Pasalamat siya at hinayaan ko lang siya at hindi pinapansin. Kung pinagsasalitaan ko pa siya nang masama ay baka umiyak lang siya lagi.

Naisip ko na rin iyon. Na kung pagsalitaan ko siya nang masama, baka tumigil na siya sa kakahabol sa akin. But I'm not cruel. Hindi ko naman ugali ang ganoon. Minahal ko siya at hindi magandang dahilan na sinaktan niya ako para lang mura-murahin ko siya o ano.

Plus, he's harmless. Wala naman siyang ginagawa sa akin para masaktan ako o pakialaman. All he did was to talk to me, follow me everywhere, and acts as if my coldness doesn't even bother him.

"Ewan ko sa'yo, arte-arte..."

Napailing ako sa kapatid. Wait 'till you love someone, Lyle Angelo.

It's just 10 in the morning. Nagsilbi na rin itong tanghalian naming dalawa. Ang natira naman ay inilagay ko sa tupperware para maiuwi niya at mabigyan sila Tita at Mama.

Pero nang pagbukas niya ng pintuan ay tumambad ang mga babae. Naiwan pa sa ere ang kamay ni Paige na kakatok. Natahimik sila at nawala ang mga ngiti dahil siguro sa gulat sa kapatid ko.

I smirked when Lyle's ears reddened when Paige smiled at him. Crush niya na kaya ulit niyan si Paige?

"Hi Lyle" bati ni Paige na ikinasunod din ng iba. I even saw Leticia jumped from behind them and greeted Lyle too.

Lumapit ako at humawak sa balikat ng kapatid. Hinarap ko ito at mukhang nanigas na yata.

"Paraanin mo na sila... O baka naman gusto mo nang iuwi si Paige?" Pang-aasar ko na ikinakurap nito at sinamaan ako ng tingin. Tinabig niya ang kamay ko at nakayukong dumaan nang lumihis sila.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon