Natahimik sila at isa-isang nailing o 'di kaya'y napabuntong hininga.
Pati ba naman sila, umaasa pa sa amin ni Art. Bahala na siya. Ayaw niyang tanggapin eh. Hindi ko na kasalanan kung tumanggi ako sa gusto nilang mangyari.
Hindi na.
I shrugged and continued what I'm doing. Kahit na ang mga mata nila ay nasa akin pa rin.
"S-sige na! Sayang 'yang suot mo!" Si Leticia nang makabawi. I glanced at her once and she even pursed her lips when she saw it.
"Just like how he wasted the chance I gave him..." I muttered silently.
I felt the person beside me shifted on his seat. Huminga ako nang maluwag at hindi na sila pinansin ulit. They went back on taking pictures and all.
Nagligpit rin sila nang matapos. Dahil ang mga babae ay busy sa pagkumpol kay Lomi para tignan ang mga picture, ang mga lalaki na ang nagligpit ng pinaggamitan. I sighed mentally when Art decided to help them. Halos isang oras lang siyang nasa tabi ko at pinapanood ako.
Magtiis siya. I'm not an easy girl. Una pa lang, alam niya na iyan. Kung akala niya ay makukuha niya ako sa mga gano'n-gano'n niya, hindi.
"Alliana! Come here!" Tawag ni Adhara kaya napa-angat ako ng tingin at tumayo para lumapit sa kanila.
Ramdam na ramdam ko ang pagsunod ng mata ni Art sa akin. Hanggang sa makapwesto ako kasama sila ay nasa akin pa rin ang mata niya.
Iyon na lang talaga ang magagawa niya.
We look all good in the group photo. Kahit ang mga solo shots ay magaganda. Nagtilian pa sila nang kay Leticia na ang tinitignan.
"Ano Lomi, in love ka na ba?" Panunuya ni Maye.
Binabaan ko ng tingin si Lomi at nakita ang pagpula ng mukha niya at pagpipigil ng ngiti.
"Magaling lang ako kumuha..." Lomi muttered.
They continue to tease him. Natigil rin nang malipat na sa mga partner-partner.
The first one was Adi and Larry. They're both smiling softly in the camera. Mukha silang magjowa na pinakainosente na akala mo walang ginagawang kababalaghan.
The second one was Clane and Paige. The opposite of the two. They both posed fiercely in the camera and very touchy. Wala namang bago.
The third one was Maye and Randell. Wala yatang picture na hindi nakangiti nang malaki si Maye dahil sa inis o sa panglalandi sa kaniya ni Shan. The kiss was captured and Maye even said she'll show it to her brothers.
The fourth one was Euna and Crane. Just like expected, hindi nakatingin si Crane sa camera kundi kay Euna lang. Nakahalik sa pisngi o nakatitig lang sa kaniya.
And the last one was Lomi and Leticia. Walang maayos na picture dahil puro sila galawan.
"Walang maayos?!" Si Leticia nang malipat ang last picture. Sinisi nila ang nagpicture na si Art.
Ang wala lang picture ay si Art at Gab. Sila lang naman ang walang girlfriend.
"A-ayaw niyong humabol, Alliana?" Si Maye na napansin nga 'yon. Lahat naman sila napansin dahil nakaabang na naman ang tingin nila sa akin.
Nagtaas ako ng isang kilay at umiling. "Wala namang kami ah?" I said as if it wasn't really a big deal.
Hindi naman talaga.
Puro buntong-hininga ang mga narinig ko mula sa kanila na para bang nanghihinayang.
We changed after that. Lalo na't maggagabi na ay nagsimula na rin si Euna sa kaniyang lasagna. Hindi na rin ako nakatanggi nang dito na raw maghahapunan ang mga lalaki. Gab is now with me and Euna in the kitchen. Kami ang magluluto.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...