Ang balak kong pagpunta kila Tita Jillian para bisitahin sila mama ay hindi ko na natuloy dahil sila mama na mismo ang pumunta. Tanghali sila nang dumating at mabuti na lang ay naglinis ako ng condo.
Nilibang ko ang sarili pagkagising lalo na't halos isang oras din yata akong nagmukmok bago umayos. I don't want to be emotional again. Kasi pakiramdam ko, nakukulong ako.
Mag-isa ako at masyadong tahimik ang paligid. Hindi ko naman gustong gambalain muna ang mga babae lalo na't may sari-sarili pa naman silang buhay. Ayaw kong madamay sila sa lungkot ko. They warned me about this. At ayaw ko namang makita nila na ako ngayon ang nasasaktan dahil sa ginawa ko.
Masakit mang isipin na pinaglaban pa rin ni Art ang pagmamahal niya, ayaw ko namang pagpawalang halaga ang pagwawalang tiwala niya sa akin.
If what I did brings Art the love that he deserves, the life the he deserves, then I'll gladly live my life without him too. He's too perfect to have this kind of love from me. Hindi bagay sa kaniya.
Hindi nababagay sa kaniya ang pagmamahal na kadiliman at lamig ang binibigay sa kaniya. It should be a love that fits with him. That fits his warm persona.
"Ang daya, sa akin isang libo allowance, kay ate, walong libo..." simangot na sabi ni Lyle habang sinasamaan ako ng tingin.
Tinaasan siya ng isang kilay ni Mama. "Saan nauubos ang isang libo mo? Sa sigarilyo?" Naningkit ang mata ni Mama.
My brother acted offended. "With honors ako, aba!" Mayabang niyang turan.
"Baka naman 'yung katabi mo?" Mapang-uyam na sabi ni Mama at nang makitang naglabas ng wallet ay nagpanggap na walang pakialam ang kapatid.
"Highest ako sa math" ngumisi siya lalo at dahil doon, nadagdagan ang kaniyang allowance.
I was just silently eating while listening to them. At least they visit, kung hindi ay maghapon akong magmumukmok.
At hindi ko alam na bago pala sa akin ang hindi nagsasalita?
"You're silent, Reese. How's school?" Si Papa ang unang nagsalita.
Ngumiti ako nang maliit at pinanatili ang tingin kay Papa dahil sa gilid ng mata ko, pinapatay na ako ng tingin ng kapatid.
"Maayos naman, Dad. Bago ba ang pagiging tahimik sa'kin?" I chuckled to make it believable that I don't have a problem.
Wala naman talaga.
"Hindi pa sila ayos ni Art" sumingit ang kapatid ko, dahilan kung bakit umingay na naman si Mama.
She started lecturing me again. As if I don't even know what I'm doing or what I did. Sa huli, bumuntong-hininga na lamang ako at seryosong tumingin sa kapatid.
"Nag-usap na kami ni Art. We're fine with it." Mariin kong sabi dahil wala pa yata silang balak na tumigil kakausisa sa nangyari sa amin.
Gabi na noong umalis sila at umuwi kila tita. Gumaan na rin ang loob ko dahil unti-unti nang natutubos nina mama at daddy ang bahay. Malinis na sila sa kaso pero ang mga nanakawan ng mga Villegas ay nagsampa ng kaso laban sa kanila. Hinahanap na rin sila ngayon lalo na't mga nagtatago raw.
I was about to sleep when I decided to check my phone. Hindi naman sa naghihintay ako ng pangangamusta sa mga kaibigan pero hindi ko pa kasi sila nakakausap simula kahapon. Kahit ang group chat, tahimik.
Aksidente kong napindot ang pangalan ni Art. Halos mag-iisang buwan na rin pala mula sa huli naming pag-uusap. Dahil ang mga recent chats, puro siya lang na hindi ko nirereplyan.
I didn't regret loving Art or having him as my first boyfriend. I experienced the best in him. Wala akong pinagsisisihan. Kahit na nasaktan kaming dalawa, nagpapasalamat pa rin ako dahil mayroong naging kami.

BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomansaJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...