"Tara na kasi! Napakaarte mo" si Lyle na kanina pa ako pinepeste na sumakay sa mga bangka.
Nasa Burnham Park kami ngayon sa Baguio. My birthday and will also celebrate our Christmas here. Sa malapit na hotel din kami nakacheck-in at walking distance lang din dito sa park.
Marami-rami ring tao lalo na't Christmas Season at sobrang lamig din, syempre. Umaga ngayon at mahamog-hamog pa rin.
"Alam ko ang kagaguhan mo, Lyle" sabi ko na ikinatawa ni Jom na nakaupo sa tabi ko. Simula kanina ay nasa bench lang ako at kumakain ng noodles.
Ang dalawa naman na 'to ay kanina pa naglilibot-libot. Minsan nahuhuli ko pang may nagpapapicture na mga babae. Tulad ngayon, may masasama pa ang tingin sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay at inirapan.
"Sinabi mo, Jom?" Nameywang ang kapatid ko at bumaling sa pinsan. Sinipa ko naman ang kapatid at sinamaan ng tingin.
Nagtawanan silang dalawa. Boys will always be boys.
"Hindi, Reese. Hindi ka naman namin ihuhulog do'n" si Jom na nilalaro ang phone sa kamay.
"Ilulublob lang ulo mo" singit ni Lyle na ikinahagalpak nilang dalawa at nag-apir pa.
Inis akong tumayo at naglakad palayo sa kanila. Nananahimik ang buhay ko, namemeste sila!
Agad naman nila akong hinabol at ang kapatid ko ay hineadlock pa ako. Siniko ko siya agad.
"Hindi ba ako mabubuhay nang payapa?!"
"Hindi"
"Ikaw, Lyle. Wala kang kwentang kapatid. Ginaganyan mo ang birthday girl" si Jom at umakbay sa akin tsaka idinala sa may rentahan ng mga bangka.
My plan is ruined. Ang plano ko para sa birthday ko ay makapagchill at damhin nang tahimik ang lamig ng lugar. To only admire the beauty of nature to calm myself for once.
Pero nawala sa isip ko na may demonyo nga pala akong kasama.
"Gago ka!" Sinipa ko ang kapatid na nasa harapan kong ginewang-gewang ang bangka. Sila ni Jom ang nagsasagwan doon.
Sumama na ako dahil naririndi na ako sa kapipilit ng kapatid. Alam ko namang gusto lang nila ako mag-enjoy lalo na't birthday ko. But I have my own definition of enjoying my life.
Natatawa siyang nasaktan doon. "OA mo! Hindi ka naman mapapano eh" anito at nagpatuloy sa ginagawa.
Ang ibang nakikita ko ay nag-eenjoy sa pagbabangka. Samantalang ako ay tatanda yata lalo dahil sa stress sa dalawang 'to. Gusto ko lang naman mabuhay nang mapayapa!
Gumawi kami sa gilid kung saan nakangiting nakatingin samin sila mama at papa. Pati sila tita ay nakahawak na sa phone at pinipicturan yata kami.
"Makakasakay ba ako? Joke!" Si Julia na nakatutok na ang phone sa amin.
"Picture! 1..2..3"
Ngumiti lang ako at nagpeace sign. Bigla namang gumalaw ang bangka dahil sa paglikot ng kapatid. Agad ko itong hinampas. Nakatikim din siya ng sermon kay mama.
"Gusto ko rin! Makakasakay ba ako?" Lumapit si Julia at bahagyang yumuko.
"Oo naman, basta tatalon ka" si Lyle na ikinatawa ni Julia at naggive up nang sumakay. Nang natapos rin naman kami doon ay dumeretso kami sa isang restaurant para magtanghalian.
Marami silang inorder na pagkain for celebration na rin. At kasama na naman ang cake. Ngayon, birthday na talaga ang ipagdidiwang ko pero nakakahiya pa ring pagtinginan ng tao habang kinakantahan ako.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...