Like the usual, kasama ko sila Zillah sa klase at recess. Nang umalis si Pene kasama si Aaron at Jandy ay tsaka ako lumapit kay Zillah. Sila na ang umorder ng pagkain namin.
"He confessed" panguna ko na ikinalaki agad ng mata niya at napatakip ng bibig.
"Pero agad niyang binawi" pahabol ko bago pa siya magsalita.
Naguluhan si Zillah. "What? Ikwento mo nga!"
I sighed. I definitely want to forget about that embarrassing moment between me and Art but I remembered I promise Zillah a word.
"He confessed. Hindi ko nagustuhan 'yon dahil hindi ko naman siya gusto at--"
"Tinanggihan mo?! Wow, Reese ah!" Kinunotan ko siya ng noo at pinabalik sa pagkayuko.
"Ayaw kong maging awkward kami sa isa't isa, syempre! Tsaka hindi ko talaga siya gusto"
She looks atme ridiculously. "Weh?"
Tumango ako. I'm sure of it.
"Then, he said sorry about it--"
Sumimangot siya at sinamaan ako ng tingin. "I feel bad for him..."
I rolled my eyes. "Edi sa'yo na siya. Ayaw kong maging awkward kami sa isa't isa lalo na ngayong lalaban ulit kami" sabi ko na ikinangiwi niya.
"'Yoko nga. Ex ko pinsan niya"
"Right. But then, he said he doesn't like me anymore. Binawi niya agad at hindi na raw niya ako gusto. Crush lang naman daw at hindi malalim"
Nginisihan ako ni Zillah. "He probably got scared because of your sudden outburst"
Napairap ako dahil iyon din ang naisip ko. "Nakakahiya, 'diba? Well, kalimutan na lang daw naming dalawa"
"Anong kakalimutan? Hoy, ikaw Reese ah! Dapat nga manlibre ka at nanalo ka!" Biglang dumating sina Aaron sa table namin kaya naman tumahimik na ako.
Libre daw! Nagkibit balikat ako. "Sa sabado nga"
They cheered.
"Walang magdadala ng pera ah! Ubusin natin allowance ni Reese" si Jandy na inirapan ko.
After naming magrecess ay dumeretso naman ako sa room na pinagrereviehan namin ni Art. Sa mga kaibigan ko lang ako sumabay ng recess.
"Pwede ka ba mamaya? Papakain sa'min dahil nanalo tayo" si Art na kumakain ng kaniyang tinapay.
Tumaas pa lang ang kilay ko ay nagsalita agad siya. "Oh, masama ka bang iinvite? Friends naman tayo at magkapartner dito. Bale sa'ting dalawa na tin 'yon!"
"Wala naman akong sinasabi ah..." sabi ko at bumalik sa ginagawa. Humilig siya sa mesa at nangalumbaba.
"Pero... pwede ka nga?"
Nilingon ko ulit siya. By next month na ulit ang laban namin. Lagi ulit kaming magkasama ni Art at simula noong nangyaring kahihiyan sa amin ay hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kaniya. Hinahanap ko kung bakit hindi ko siya gusto.
Napunta ang tingin ko sa ilong niya at may maliit na nunal pala siya doon.
He tilted his head. "Ano? pwede ka ba? Huwag kang mag-alala hindi naman kita ipapakilalang girlfriend" at tumawa siya.
Napasinghap ako sa kaniya at hinampas siya. "Pwede nga ako! Kulit!"
He grinned. "Sama mo mga kaibigan mo kung gusto mo"
"Ayoko nga!"
"Kapatid mo"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Baka magsapakan pa sila ng pinsan mo"
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...