"Puro ka katarantanduhan, Lyle Angelo!"
Napairap ako pababa ng hagdan nang madatnan sina Daddy, Mama at ang kapatid ko sa sala. Si Mama ay nasa tabi ni Lyle at may idinadampi sa mukha nito na towel na may yelo.
Palihim akong napangisi nang makitang may pasa ito sa gilid ng labi. Napakahilig kasi sa away ng gagong 'to.
Lumapit ako sa kanila. Napabaling sa akin si Daddy na nakahawak sa ulo at nakapameywang pa. Tumagilid ang ulo niya at sinipat ako ng tingin.
"Aalis ka?" Tanong niya.
Tumango ako. "Bukas na ako uuwi"
Nanatili ang tingin sa akin ni Daddy bago kumunot ang noo. "Kasama niyo na naman ang mga bakla--"
Agad ko siyang pinutol ng sama ng tingin. "Hindi, kami lang babae."
Mainit ang dugo niya sa mga kaibigan kong bading. Sina Aaron at Jandy. Lagi niyang sinasabi na kahit bading sila ay lalaki pa rin sila. Na maaari silang maakit. As if naghuhubad kami kasama sila? OA lang talaga si Daddy.
"Mga Del Mundo, tsk..." Si Daddy na umalis. Tumikhim naman ako.
Kahit sa dalawa kong kaibigan na si Penelope at Zillah. Magpinsan ang dalawa at Del Mundo. Dad don't really like their family. Madudumi raw kasi. Zillah's father, Ricko Del Mundo is our current Municipal Mayor at nang manalo iyon noong botohan, agad na nagresign si Daddy sa munisipyo. Ayaw na ayaw niya sa mga Del Mundo.
Humalukipkip ako sa harap ng kapatid ko. Step-brother to be exact. Tita Divine is my step-mom pero tinuring ko na rin siyang tunay na ina.
Naging kabit siya noon ni Daddy kaya nang mamatay si Mommy noong 2 or 3 years old ako, nakasama na namin 'to. Kasama ang kapatid ko na si Lyle. I'm one year older than him.
Hindi naman masama ang loob ko sa kanila. Kay Daddy lang dahil nagawa niyang lokohin si Mommy noon pero wala naman na akong magagawa. Matagal na rin ang nangyari at ayos naman kami ngayon. Tita Divine treats me well like her own daughter but she's not really that nice. Pero ayos lang sa akin dahil hindi naman niya ako kailanman sinaktan o minaltrato.
"Sinong grupo?" Sabi ko at yumuko sa kapatid. Diniinan ko ang pasa nito na ikinangiwi niya at hinampas ang kamay ko.
"Mga gagong lower section" aniya.
Tumaas ang isa kong kilay at natawa sa sinabi niya. "Lower section ka rin"
"Matalino ako, bobo sila--" tinampal siya ni Tita Divine.
"Kapag napuno mo 'yang Daddy mo, papatapon ka na talaga niyan!" si Mama.
"Edi tapon niya--Aray, Ma!" Dinidiinan ni Mama ang pasa niya.
Lumapit ako kay Mama para humalik sa pisngi. "Aalis na'ko, Ma" paalam ko.
"Baka lumabas pa kayo? Gabi na--"
"Sa condo lang kami." Putol ko sa kaniya.
Iniwan ko naman sila doon at sinuot ang cap para maglakad palabas ng village namin. Nasa labas sina Zillah at Pene, dala ang sasakyan ni Zillah. Binuksan ko ang pinto sa likod at bumungad sa akin si Pene na nakahilata doon. Tinampal ko ang hita niya at pumasok.
"Totoo ba 'yan?! Late ka ng 5 minutes?!" Madramang sabi ni Pene.
"Pasalamat ka hindi ako nagtagal" sagot ko naman at tinanggal ang cap para ayusin ang buhok.
Tinapik ko si Zillah na nasa driver seat. May nakapasak pala sa tainga niya kaya hindi ako agad napansin. Tinanggal niya ang isa at tinignan ako. Ang masama niyang tingin ay lumambot at ngumiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomansaJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...