43

69 3 4
                                    

Pagkalabas ko ay nakita ko agad si Cholo sa pader na nakasandal at nakahalukipkip. Dahil medyo mahaba ang buhok, natatakpan ang mata nito at mukha nga siyang tambay kung tutuusin. Disente lang at hindi dugyutin. Nang mag-angat ng tingin ay ako na ang agad na lumapit.

"Galing niyo ah. Iniwan niyo 'ko bigla sa garden! Ayos na ba si Art?Reklamo niya agad.

"Maayos na si Art." Sabi ko.

"Buti naman at kung hindi ibabalibag kita" he jokingly said.

I laughed it off and sighed. "Salamat nga pala. May pakinabang ka naman pala..." kalmado kong sabi.

He snickered and shook his head. "Bakit ba kasi ayaw mo pang pagbigyan? Mahal na mahal ka nga ng tao oh..." aniya na para bang pati siya, hindi na natitiis ang pagiging matigas ko.

Napatitig ako sa kaniya. Alam kong naging makasarili ako. Na parang wala kaming pinagsamahan ni Art para hindi namin bigyang ng pagkakataon ang isa't isa.

Pinitik niya ang noo ko kaya napabalik ako sa sarili at sinamaan siya ng tingin.

"Baka gusto mo pang maging testigo ako na hindi ikaw ang nasa video? Aba, malalaman ng tao na ako 'yon! Kadiri humalik 'yung babae!" He hissed at me.

Lumapit ako sa pader sa gilid niya. Napatitig doon at nagbabakasakaling bigyan ako ng sagot ng pader. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang kapal naman ng mukha ko kung makipagbalikan pa ako kay Art pagkatapos ng nangyari sa kaniya.

Tsaka tinataboy na rin naman niya ako. Pinapaalis na niya ako. Hindi kaya wala na siyang pakialam sa akin? O nararamdaman?

Gaya ng ginawa ko sa kaniya, hindi na rin niya kaya ako mahal?

Pilit kong tinaboy sa isip iyon. May parte sa akin na ayaw iyon. Pero may parte rin sa akin na nagsasabing wala naman na kami kaya may karapatan na gawin ni Art iyon. Hindi naman ako ang nagdidikta sa mga gagawin niya o dapat niyang gawin.

"Hindi na ako papasok sa loob at mukhang ako pa pinag-iinitan ng mga lalaking Alfanta. Bahala ka nang magpaamo dyan kay Art." Tamad niyang sabi bago namulsa at naglakad na palayo.

"Salamat sa tulong!" Sabi kong muli. Tinaas niya lang ang isang kamay bilang pagpapaalam.

Bumuntong-hininga na lamang ako at pumasok muli sa kwarto ni Art. Ang magagawa ko na lang siguro ngayon ay bumawi at alagaan siya. Ako naman ang rason ng lahat ng ito eh. Lagi kong binabaliwala kaya ngayon, bumalik lahat sa akin.

"Hindi ko na alam sa inyong dalawa..." Si Crane nang makapasok ako.

Napatigil naman ako at tinignan sila. Mukha silang may pinag-uusapan na seryoso. My eyes drifted to Art. Tahimik na nakatitig sa kaniyang paahan. Wala ring emosyon ang mukha.

Bumalot ang katahimikan sa lahat. Tanging ang pag-ugong lang ng aircon ang umaalingawngaw sa paligid. I slowly went closer to them and sat on the chair beside Art's bed.

Saglit na dumapo sa akin ang mata niya bago bahagyang umasog sa kabilang gilid. I just pretend that I didn't notice that but my heart sank because of it.

"Ano? Maiwan ba namin kayong dalawa dito?" Si Gab ang unang bumasag ng katahimikan.

Tumingin ako sa magpipinsang lalaki. They're all looking at us seriously. Even Clane and Lomi can't joke about the situation. Ni kahit ang magsalita, wala nang gustong gumawa.

Hindi rin ako nakasagot dahil ayaw kong pangunahan si Art. Sa unang pagkakataon, ayaw kong manguna sa lahat dahil hindi lang naman ako ang may problema dito.

Gab smirked. "Kayong dalawa, mahal niyo naman sana ang isa't isa pero hindi kayo magkaliwanagan?" Tumawa ito ngunit walang tuwa. "Ano? Ayaw niyong magsalita? Art?" Humarap siya sa pinsan.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon