49

68 2 0
                                    

"Sino 'yung naghatid? Si Art? Kayo na ulit?"

Para akong mahihilo sa sunod-sunod na tanong ni Mama. Nagtext siya kanina na kila Tita Jillian daw ako dumeretso dahil may sasabihin daw sila. Hindi ko na rin pinababa si Art dahil hindi ko naman alam na nandito na pala sila mama.

I ignored her as I went inside. Nakangisi pa rin siyang nag-aabang sa sagot ko. Alam ko na ang mga susunod pa niyang sasabihin kapag nalaman niyang kami na ulit ni Art. Na ang arte-arte ko pa na hindi pinapansin si Art.

I understand that she's fond of Art. He's my first boyfriend and my family immediately liked him for being polite and kind. Being handsome and an Alfanta too.

Tumungo ako kay Daddy para humalik sa pisngi at magmano kay Tito. May pinag-uusapan sila kaya hindi na ako rin nagtagal.

"Bakit ako hindi mo winelcome!" Si Mama na nakasunod pa rin sa akin.

I sighed and hugged her. Kinurot niya pa ang baywang ko at nakataas ang kilay na lumayo sa akin.

"Si Art ba 'yon?" Aniya.

I lazily nods. She squealed, making daddy turned to us with furrowed brows.

Nailing naman akong lumayo kay mama ngunit hindi ko iyon nagawa nang hatakin na niya ako sa kusina. Tita Jillian is already cooking something.

"Reese!" Bati niya at nagbeso naman ako. Sumulyap siya kay mama at natawa na rin.

Naghugas ako ng kamay para tumulong habang nagsimula na rin si Mama magdaldal.

"Malay mo anak ko talaga si Reese pero hindi lang sa tiyan ko lumaki!" Ani Mama na ikinangiwi ko naman at natawa kalaunan.

Pinag-uusapan lang naman nila ang pagiging marupok at matigas ko at the same time. And mama, being the proud step mom she is to me, owned me as her real daughter because of how Art is crazily in love with me.

"Reese is naturally pretty. Mana kay Arthur" pang-aasar ni Tita kay mama. Pinaningkitan siya ng mata ni mama.

"Sa akin na rin lumaki si Reese kaya siya gumanda lalo! Hay nako, hindi naman ganoon kagwapo ang papa niyan!" Umirap si mama.

"Hindi gwapo? Pero akala mo single pa sa edad na trenta?" Tita teased about the pass.

Natigilan ako sa pagsubo ng carrots na hiniwa at hinintay ang reaksyon ni mama. As usual, it wasn't a big deal already. Parehas silang nagkamali pero tapos na. Wala na rin si mama at hindi naman siya naging mahadera.

"Duda ako noong una, ano ba! Eh siya nanglandi kasi gandang-ganda sa akin! Kaya nga tignan mo, anak ko talaga si Reese..." si Mama.

I chuckled silently. Naalala ko pa noong una ko siyang nakita. I was around 2 or 3 that time. It wasn't detailed but I thought she's just a friend of daddy. Noong namatay din naman si Mama, wala pa akong maalala masyado dahil nga sobrang bata pa.

But I'm still glad that I grew up with a mom. There are some who grew independently without them and some can't even live without a mom.

"Wala, malandi 'yang si Arthur eh. Bata pa lang kami, may makita lang na maganda, Igi-girlfriend agad. Pati nga si Lalaine, naging crush niyan dati..." pagkwekwento ni Tita.

Nanlaki ang mata ni Mama. "Si Lalaine? Bakit hindi ko alam 'yan!"

"High school pa yata 'yon o ano. Hanggang crush lang naman si Arthur dahil bantay na lagi ni Brent 'yon..."

Nangingiti ko namang pinagmamasdan si mama. Halatang nagseselos siya. Kahit na noon pa, sa reaksyon niya, para bang nauungusan siya.

"Buti nga at crush lang. Gosh, ang awkward kung naging sila no! Magiging magkumare kami in the future tapos mag-ex sila kung naging sila? Gosh!" Aniya at sumulyap sa akin.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon