18

54 5 8
                                    

Habang nasa loob ay sinisipa ko paalis sa isip ko ang maaari niyang sabihin kasi alam kong magtatagal ako dito. Magtaka pa siya at baka isipin na ayaw ko siyang makaharap.

I only like him as a friend. Siguro ganoon lang talaga. Kung sakaling gusto niya pa rin ako, edi okay lang. Kilala ko naman siya at matino siyang lalaki para sa akin. Kung sakali mang... may aminin siya, ayos lang. Pagbibigyan ko siya sa maaari niyang gusto dahil... wala namang masama.

Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakaharap sa pader at may kung ano-anong binubulong. Hindi niya ako napansin dahil mukha siyang busy doon. Nang malapit lang ako ay gulat pa siyang napatingin sa akin.

Tumagilid ang ulo ko para suriin siya. Ang aliwalas niyang tignan dahil walang buhok na nakatabon sa kaniyang mukha. Isama pa ang yellowish lighting mula sa kanilang malaking chandelier.

"U-uh, Alliana..." he said slowly then bit his lips at namulsa.

"Hmm...?" Bahagyang umangat ang sulok ng labi ko dahil sa itsura niya.

He looks so nervous! Mukha ko ba siyang kakainin?

I feel bad for thinking like this to him. Natatawa kasi ako dahil para siyang magrerecite nang walang review sa itsura niya ngayon.

I saw him swallowed, eyes still on me.

"A-ano, uh, hindi kita nabati nung birthday mo. Hindi ko alam eh. Kaya... Belated happy birthday?"

I look at him amusedly. His lips twitched because of that. Siguro'y iniisip na pinagtitripan ko na siya sa isipan.

Iyon pala ang sasabihin niya? Bakit sobrang kabado niya yata?

"Salamat. Ito nga pala regalo ko sa'yo" sabi ko at inabot sa kaniya ng isang maliit na box na nakabalot. Para pa siyang nagulat doon at kinuha sa kamay ko.

"Joke lang 'yung sinabi ko! Pero thank you..." dahan-dahan siyang ngumuso habang binubuksan 'yon. Nakangiti siyang inangat 'yon. Hindi ko maiwasang mamula.

Strawberry kasi 'yon na may magnet. Pinapakat sa ref.

"Ang cute ah... Bagay dun sa peras na binigay ko sa'yo..." he said before putting it back. "Salamat, Alliana ko"

Bigla namang nawala ang ngiti ko. Para siyang natauhan din don at natigilan. Ako ang agad na nag-iwas ng tingin at tinignan ang kuko.

"I-i mean Salamat, Alliana." bawi niya at hilaw na natawa. Tumango na lang ako.

Balak ko pa sana siyang asarin kaso huwag na. Pati ako ay biglang namula doon.

"Welcome, may sasabihin ka pa ba?" Tanong ko para maibsan ang pagkabigla.

Doon siya unti-unting tumango. Hinintay ko naman siyang magsalita.

"K-kapag ba lumalabas ka, saan yung mga pinupuntahan mo?" He said slowly while looking intently to me.

"I don't go out" simple kong sagot.

"Kayo ng mga kaibigan mo?" He tried again.

Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong 'to. Baka aayain niya akong lumabas? Ano, review ulit?

"Hindi ako sumasama..." sabi ko.

He smiled before asking again. "Kain sa labas? Panonood ng sine?"

My eyebrow twitch. He's definitely asking me out. Ano, friendly date?

"Akala ko ba bestfriend mo na ako? Bakit parang hindi mo alam?" Sabi ko na nangingiti.

I saw how his ears turned red. Napansin ko pa ang bahagya niyang pagpunas sa kaniyang pants. Napailing ako sa iniisip.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon