31

54 5 0
                                    

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng dugo at mabilis na sinabi kay Art na ihatid ako sa amin. Nang makarating ako sa bahay, wala na sila doon. Ang tanging naabutan ko ay ang kapatid na tulala na nakaupo sa sofa. Agad akong nagtungo sa kaniya at niyakap ito nang mahigpit.

"W-what happened?" My chest is booming, thinking of any possible reason why our parents was escorted by the police.

Paanong ikukulong sila? Hindi ako naniniwalang may ilegal na ginagawa ang magulang ko!

"H-hindi ko alam! Sila tita? Tawagan mo!" ang kapatid ko na namumula ang mga mata at mukhang wala na sa sarili. Kahit anong pakalma ko sa sarili, hindi ko magawa. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

I was trembling as I tried to find Tita Jillian's number. Ayokong mataranta kasi wala akong magagawa kung mataranta ako.

"Reese! Papunta na kami ngayon--"

"T-Tita sila mama..." nanginginig kong sabi.

"I know what happened, Reese. Papunta na kami ng Tito mo sa presinto. Sinong kasama niyo dyan?"

"Kami ni L-lyle, Tita..." naramdaman ko ang kamay ni Art sa balikat ko at iniharap ako sa kaniya para mayakap. I breathe heavily and bit my lips, preventing myself to tear up. I calmed a little. He pats my back and kissed my head.

Hindi ko alam kung anong gagawin namin ng kapatid ko kung makulong man sila mama at papa. Nagugulo rin ang isip ko sa kung ano mang dahilan ng pagkakakuha sa kanila. They were just talking about that big blessing that will come to us. Hindi naman siguro ito 'yon?

Was it the Villegas? Pero ang sabi ni pPpa, maayos ang proyekto nila at alam niya ang gagawin. Hindi rin naman gagawa ng ikapapahamak namin o nila ang magulang ko.

Sinamahan kami ni Art papunta doon. I keep on talking to my brother because he's panicking. Siya ang nakaabot kila mama kanina na puntahan ng pulis. Natakot siya at nabigla sa nangyari.

Naroon na sila Tita at Tito. They were talking to some policeman. Nang makita nila kami ay niyakap kami ni tita at kinamusta.

"Ano ba itong pinasok ng mama't papa mo, Reese? May nabanggit ba sila sa inyo?"

I shook my head. "Hindi ko alam, Tita. Ang alam ko lang naproject nila ay 'yung sa mga Villegas.."

Tumango ito at sumunod sa lumapit na pulis. Sumunod rin naman kami dahil gusto kong makita sila mama at makausap. Baka sakaling may maitulong.

Nasa isang room sila at nakaposas. They're both wearing the clothes from work and mama looks so stressed. Si Daddy naman ay galit ang mata at may kung anong sinasabi.

"Si Attorney Perez ang may hawak niyan!" Si daddy.

Nang makalapit kami kasama nila tita ay nakita ko ang gulat kay mama. Nag-init naman ang mata ako nang makita sila. Hindi ko inaasahan na mapupunta sila sa ganito.

Umalis naman muna ang ilang pulis pero may nanatili doon na nagbabantay. Nagtungo kami sa tabi nila tita nang lumapit ito. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. 

"I have legal papers about this! Hindi pwede nila kami basta-basta maipakulong!" Si daddy.

"Bakit ba kayo nasangkot dito, Arthur? It is said that you are one of the investor on this foundation!" Si Tita.

"Oo! Pero hindi lang ako. Marami kami dyan! Kahit ang mga Villegas, nakapirma dyan! Legal 'yan lalo na't sampong abogado ang nakahawak sa amin!" Si Daddy na ipinaglalaban ang sinasabi niya.

"The Villegas? Akala ko ba 'yung project niyo lang sa Tarlac 'yon? What's this about?" Si Tita.

Nakita kong natigilan si Daddy. Si Mama naman ay naiiyak na nag-iwas tingin.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon