30

56 5 3
                                    

Mabilis siyang napatingin sa akin at nabalot ng takot ang mukha. Naiiyak na siya. He shook his head multiple times before pulling me to him.

Agad naman akong pinaulanan ng salita ng mga kaibigan.

"Alliana, that's not nice..." si Euna.

"Break up won't do anything, Alliana" si Shan.

"Mag-usap kayo, Alliana. Hindi 'yung maghihiwalay agad kayo..." si Crane.

Alam kong mali ang sinabi ko pero nasaktan ako dahil ganoon ang iniisip sa akin ni Art. He doesn't trust me that much that made him think I can do that to him. Na maloloko ko siya. Na ganoon akong klaseng babae.

"A-alam kong hindi ikaw 'yon, sorry, Alliana. Natakot lang ako..." he muffled against my chest.

He's crying but I pity myself more because that's how he thinks of me.

"Natakot, Art? Bakit? Natakot kang ipagpalit kita, gano'n ba?"

Hindi siya nagsalita. His cousins are burning holes in me but I don't care.

"O gano'n ang tingin mo sa'kin? Na isa akong malanding babaeng makikipaghalikan sa kung sino mang makita sa bar?" What I said made everyone express their disappointment in me.

Mas disappointed ako sa kanila.

Hinawakan ko ang balikat ni Art at inilayo ang mukha niya. His eyes were bloodshot.

Nailing ako at mapait na ngumiti. "You don't trust me. Wala kang tiwala sa akin kaya mo naisip na magagawa ko 'yon. Na magagawa kong lokohin ka?"

Umiling siya ngunit hindi nagsalita. I felt betrayed. Ayaw niyang magsalita dahil totoo. Na naniwala siyang ako nga 'yon.

"Naniwala kang ako 'yon, Art? Naniwala kang magagawa kitang lokohin?" Bumitaw ako sa kaniya at hinayaan na bumagsak ang kamay sa gilid niya.

Nailing ako. Wala akong ibang maramdaman kundi disappointment. Wala siyang tiwala sa akin. Kaya naniwala siyang ako 'yung nasa video. Dahil lang... kamukha ko kapag nakatalikod.

"I-i'm sorry..." His voice broke and his sobs started to fill the room.

Walang nagsalita. Lahat ay malungkot na nakatingin kay Art pwera sa akin.

My beloved boyfriend, the person I trust the most and loved the most, didn't love and trust me enough to think that I would cheat on him..

"H-hindi ko lang alam kung anong iisipin, Alliana. Pagkagising ko, 'yon ang bumungad sa akin. Hindi ko na naisip na h-hindi ikaw 'yon. She looks like you.. at 'yung pamusod mo pa ang napansin ko k-kaya agad kong naisip na...."

"Ako 'yon?" I said bitterly. Hindi siya tumango at sumagot. Nanatiling nakayuko lang at humihinga nang malalim.

Tumikhim si Clane kaya napailingon ako sa kaniya. "Alliana, huwag mong idiin kay Art lahat. Kahit kami, akala namin ikaw 'yon dahil madalas mo ngang suot ang pamusod na 'yon..." aniya.

Wow. So, ako ngayon ang masama? And they don't really trust me?

"Pero hindi niyo man lang naisip na hindi ko naman magagawa 'yon?" I spat on them. Natahimik sila at nakita ko kung paano mag-iwas ng tingin si Paige sa akin.

"Na, Paige? Hindi ko alam na ganyan pala ang tingin niyo sa akin... isang madumi at walang respeto sa sariling babae..." mapait akong ngumisi.

Akala ko ay sila ang unang hindi maniniwala na ako 'yon. But I was wrong. They're the first one to confront me about it.

"I'm sorry... please, Alliana. Hindi tayo maghihiwalay. Walang maghihiwalay..." Art sobs more and hugged me closer to him.

Kahit na anong pagmamatigas ko, nalulusaw ako sa pagmamakaawa niya. I never doubted his love for me. And seeing him beg for us not to part away hurts me.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon