"Maghihilamos ako!"
Lahat sila ay nakatingin na sa amin at iba-iba na ang nakasulat sa mga mukha. Iba'y inis dahil alam nila ang gustong mangyari ni Art at iba'y nanunuya.
Nang magpaalam kami na aakyat sandali sa kwarto, agad kaming pinaulanan ng reklamo na baka maglampungan lang daw eh oras nga daw namin 'to para sa lahat.
Humilig naman ako sa gilid ng hagdan at pinapanood silang makipag-away kay Art.
"Alam na alam ko ang kabaliwan mo, Art Vincent. Balik!" Si Shan na ikinangisi ko.
Hindi na ako nagulat nang malaman nila na kapag nasa kwarto kami ni Art ay minsan na kaming naghahalikan. Madudulas at madudulas si Art kapag nakikipag-away siya kay Clane o 'di kaya'y kay Adi. Madalas kasi nilang asarin si Art sa akin at ito namang si Art, hindi nagpapatalo.
Ang laging inaasar nila kay Art ay virgin daw ang lips kaya naman ilalaban niya na kinakagat ko pa raw 'yon.
May kung anong pinag-uusapan si Euna at Ayessa nang matigil ito dahil kay Shan. Ayessa glared at him and pulled his ear.
"Paki mo ba kung may gawin sila?" Anito kay Shan na ikinatahimik agad nito at bumusangot.
Humagalpak sa tawa si Larry at alam ko na ang isusunod niyang sabihin.
"Ayessa, mag18 ka na kasi! Nang hindi naiinggit 'yan!"
The attention divert to Shan and they began to tease him about it. Nadadamay na rin si Lomi na wala pa raw first kiss.
"I volunteer!" Maharot na si Leticia.
"Tara na nga..." si Art na nakasimangot na lumapit sa akin at aayain na ako paakyat sa kwarto.
Ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay lumipad na ang tsinelas ni Kuya Gab. Napatili naman ako at natatawang binalingan ulit sila.
"Ano ba kayo, namiss lang naman ni Alliana ang boobs ni Art..." malademonyong tumawa si Paige na sinabayan pa ni Kuya Gab.
"Gago..." I said directly to her. She just raised a finger at me but immediately hide it when Clane glared at her.
"Sige na, Alliana. Huwag mo na lang pansinin ang mga 'to. Hindi pa kasi nakakatikim..." hindi ko alam kung pang-aasar ni Euna 'yon.
Crane leaned on her shoulder that took Euna's attention from me.
Nagkibit-balikat na lang ako hinatak na si Art sa isa guest room ng bahay nila Crane. Dito na madalas ang puntahan namin lalo na't hindi naman na natitirahan.
"Magbibilang kami! Dapat 5 minutes lang!" Makulit na sigaw ni Kuya Gab mula sa baba.
Pinasok ko naman si Art sa isang kwarto at binigay sa kaniya ang dalang mga damit niya.
"Maghilamos ka na..." Sabi ko at umupo sa foam na nakalatag na para sa aming lahat.
I am fighting back my urge to smile when I saw the joy in his face suddenly fell. Itong spoiled brat na 'to. Porket pinagbibigyan ko lagi sa lahat, nawiwili nang umulit-ulit.
Nakatukod ang kamay ko sa magkabilang gilid ko sa likod at ang paa ko at nakatikom. Mabilis siyang bumaba rin at tinukod ang kamay sa gilid ng akin. I remained calm looking at his dark eyes. The very opposite of my booming chest.
Magkalapit na ang mukha namin at tanging titigan lamang ang nagagawa pa. Hindi ako makapagsalita dahil nagpipigil din ako. My heart is literally in a race because of our position. He's like a hungry tiger, ready to eat me anytime he wants.
"Tititigan mo lang ba ako? The time is ticking, Art..." I whispered to him.
"Kisses shouldn't be limited, Alliana.." bulong niya pabalik bago idinikit ang labi sa akin.
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...