12

56 3 6
                                    

Patagal nang patagal ay nasasanay ako masyadong kasama si Art. Buong araw ko na siya kasama at minsan ay inaaya niya pa akong kumain sa labas. And he will always say his line that he doesn't like me anymore. Nakakainis na minsan dahil masyado niya namang pinakapamukha sa akin na hindi niya talaga ako gusto!

Kapag naman maaga kaming natatapos ni Art ay makikita ko na lang na nakaaabang na ang mga kaibigan ko sa labas. I still appreciate their time for me kaya hindi na lang ako nagsasalita ng tungkol sa kaartihan nila. Minsan na rin kaming nagawi sa labas ng junior high at nakaaway pa ang babaeng kasama ng kuya ni Art!

At kahit saan pa rin ay si Art ang nakikita ko. Wala yatang oras na hindi ko siya nakikita.

Mabilis ang mga araw at laban na naman namin ni Art. Mas malayo ang lugar kaya naman magiging overnight stay iyon. Malaki at kilalang school ang paggaganapan ng laban kaya naman maayos ang aming magiging kwarto. Per level din ang quarters namin kaya magkakasama kami nila Art at ang ilang kakilalang kasama.

I checked the bathroom first kung maayos at malinis. Maayos naman at malinis kaya bumalik na ako sa mga kasama. Sinalubong ako ni Art na hawak ang bag ko at napatitig pa nang ilang sandali sa pagtingin ko sa kaniya.

"T-Tara na raw" aniya kaya sumunod na kami kay Sir.

Hinatid kami ni Sir doon. Naroon na rin ang ibang estudyante at ang mga facilitators. Halos lahat ay napatingin pa sa aming pagdating.

"No pressure, ha? Kaya niyo 'yan" ani Sir na ikinatango naming dalawa.

Naghintay pa kami nang ilang sandali bago makumpleto ang estudyante. Halos lahat ng nakikita ko ay mga lalaki at nakasalamin. Kami lang yata ni Art ay parang normal na estudyante lang. Hindi tulad ng iba na nerdy looking.

Ang daming instructions na gusto ng facilitator. Hindi ko alam kung kasama ba talaga iyon o maarte lang siya. Kaya naman medyo naguluhan kami ni Art nang magsimula at sa kalagitnaan ay nasabihan pa kami na mali.

"Number 4 you shouldn't do that" anang facilitator sa amin. Napakunot ang noo ko at hinarap si Art na ganoon din ang itsura.

"Hindi ba't 'yon ang sabi niya kanina?" Bulong ko kay Art na tumango naman sa akin.

Halos hindi natanggal ang kunot-noo namin ni Art. Hindi rin nawawala ang pagdiriwang ng katabi naming school. Sila 'yung nasa gitna at harap na kapag nakakatama ay sabay-sabay pang tumitili.

"Gago 'yun din 'yon ah..." Si Art nang mamali kami ngunit tama sa iba.

Kapag nagsasalita kami minsan sa mali namin ay agad nitong sasalungatin. Sasabihing iyon daw ang nasa memo nila. Bakit walang nakarating sa amin kung ganoon?

Doon na mismo in-announce ang score at places. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang binabanggit mula baba pataas ang mga score at school.

Nang magsecond ay napatikhim ang facilitator mula sa pagkakangiti. "Tie. Number 4 and number 3" anito.

Napatingin ako sa katabi naming mesa na napasinghap doon at nag-apir sila ng kapartner nila. Parehas silang babae. Napakunot ang noo ko nang sabay pa silang sumulyap sa amin at ngumiti. Nakakatuwa ba?

"Tie-breaker. You only have 5 seconds to answer ha?" Anito kaya pinahanda ko na si Art ng papel.

Nang sabihin nito ang tanong ay nawalan na akong pag-asang manalo pa. Alam namin ang sagot ngunit masyadong mahaba iyon at kulang sa oras!

Natapos ang oras at binigay naman namin ang aming papel. Magulo ang sulat namin at mukhang kulang pa ng letra. Nilingon namin ang kalaban na nakangisi na at mga tuwang-tuwa.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon