19

52 3 1
                                    

"Ma," sabay na umangat ang tingin ni Daddy at Mama sa akin. We're having our dinner at magpapaalam ako na sasama ako sa prom namin.

Bukas ay kukunin na ang mga pangalan ng mga sasali sa prom. At by next week din daw ay magpapractice na ng sayaw. Hindi ko alam kung ano 'yon pero si Art na ang bahala sa akin.

Madalas din naming mapag-usapan ni Art 'yon. Nababanggit din ng mga kaibigan kaya naman napagpasyahan ko na ring sumali. Mukhang... maeenjoy ko naman at si Art ang partner ko.

"Sali po ako sa prom" sabi ko na ikinatigil nila at ngumiti naman si Mama.

"Buti naman! Kailan ba? Papagawan na kita ng gown!" Sunod-sunod na sabi ni mama na halos ikaubo ko.

"N-next next week pa naman."

"Tatawagan ko ang kakilala ko. Maganda 'yon gumawa ng gown!" Mukhang mas excited pa yata si Mama sa akin. Tumingin siya kay daddy na nakatingin na rin sa kaniya bago tumingin sa akin.

"Just tell your mom what you need. Kami na ang bahala sa gastusin" si Daddy na ikinatango ko lang at uminom.

"Eh may partner partner din 'yon ah. Baka naman sapakin mo makapartner mo" singit ng kapatid ko.

I scoffed. "Si Art partner ko" sabi ko na ikinatawa niya.

"Teacher mag-aasign do'n. Ayaw humiwalay sa jowa. Akala mo naman..." he said cockily that made my eyes roll.

Alam niyang nililigawan ako ni Art dahil kapag uwian ay hindi na ako nagpapasundo sa kaniya. Si Art na kasi mismo ang naghahatid sa akin.

"Pake mo ba" inis kong sabi.

"Papuntahin ko si Edward bukas. Siya na rin ang mag-aayos sa'yo..." Patuloy ni Mama sa kaniyang plano para sa akin. Hinayaan ko na lang siya.

Buti na lang pala at may alam si Mama sa ganito kundi ay baka mukha akong lula sa mga bagay na 'to.

I told my friends about it and they're pleased. Akala nila'y mananatili talaga akong ignorante sa mga ganoong bagay.

Hindi naman ako ignorante pero 'yon ang tingin nila sa akin. Sadyang ayaw ko lang at hindi gusto ang mga ganoong bagay. I like living my life simple and peaceful. I don't like fancy parties or balls like that. Kahit na maraming nagsasabi na bagay daw ako sa mga ganoon.

"Anong kulay gusto mo? Dapat parehas tayo!" Masayang sabi ni Art nang ibalita ko sa kaniya 'yon. Para siyang si Mama. Mas excited pa sa akin at nagpaplano na rin ng ipapasuot sa akin.

"Ano bang maganda..." I said while searching on my phone. Nagsearch ako ng kung anong gown ang gusto kong suotin para kapag umuwi mamaya at naroon na raw ang maggagawa ay madali ko na lang masabi.

Nasa bench kami ngayon sa ilalim ng puno, malapit sa field. Magkatabi kami at may mga inumin sa kamay.

"Ano bang favorite color mo?" Si Art habang nakasilip din sa phone ko. Uminom ako sa inumin bago ibaba 'yon.

"Wala naman akong favorite" sabi ko habang naroon ang tingin.

Napatingin siya sa akin kaya napatingin din ako sa kaniya. Our faces were just a few inches away from each other. Amoy na amoy ko rin ang pabango niyang hilig kong inaamoy kapag malapit siya.

Tumagilid ang ulo niya at tila sinuri ako. "Pink ba?"

Agad na nalukot ang mukha ko doon. "Pangbata"

Nag-isip pa siya ilang sandali bago magsalita ulit. "Purple?"

"Barney" sagot ko na ikinatawa niya.

"Green?"

"Baduy"

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon