16

61 4 0
                                    

Hindi pa rin humupa ang pagdiriwang nila nang magpost sila ng picture naming lima. Sa sala na kami kumain dahil manonood rin kami. Sakto pang umulan kaya naman nagpasya na silang dito na rin matulog. Gaya ng dati, sa guest room ang dalawang lalaki at kaming tatlo sa kwarto ko.

"Demonyo ka, Reese! Kinikilig ako kay Art kaya papaubaya ko na siya sa'yo!" Jandy squeaked and open a can of beer.

Tahimik lamang akong kumakain. Binabalewala ang bahagyang pagwawala ng dibdib ko dahil sa mga sinasabi nila kay Art. Nagcomment kasi si Art sa post nila. Hindi ko alam kung ano ba talagang pakay ni Art at sumasabay pa sa kalokohan ng mga kaibigan.

"Basahin mo naman kasi!" Napabuntong-hininga ako kay Pene nang ibigay niya sa akin ang phone niya.

Alam kong hindi sila nakakaramdam na ayaw kong tignan ang mga iyon dahil lalo akong aasa kay Art na gusto talaga ako. I don't... want that.

Kinuha ko iyon at binasa isa-isa.

Art Vincent C. Alfanta
Hot pot? Pengeeeeee

Nagreply si Pene.

Penelope Del Mundo
Art tanong mo muna sino nagluto

Art Vincent C. Alfanta
Sino????

Penelope Del Mundo
Mommy Alliana

Namula ako sa reply ni Art.

Art Vincent C. Alfanta
Siya na lang pala hingin ko

And the fact that a lot of people reacted to that means they will assume that Art likes me! Pagkakaguluhan ako panigurado!

"Hindi man lang kiligin amputa!" Si Jandy nang ibigay ko kay Pene ang phone niya.

"Bakit naman ako kikiligin? Wala namang bago na may nagkakagusto sa akin..." I muttered.

"Alfanta 'yon, Boba! Sunggaban mo na! Close naman kayo, 'di ba?"

Irita akong napa-angat ng tingin. They didn't know that I liked Art for a while. Pero ayaw ko ng ganoon. Ni hindi nga ako sigurado kung lalaki ba ang nararamdaman ko kay Art o hindi eh. I just liked him because he's gentleman, caring, good-looking, humorous, and...

Wait. Masyado naman yatang marami 'yon. Basta, nagustuhan ko siya dahil ideal siya bilang maging kaibigan na lalaki. Yes. Kaibigang lalaki.

The day before my birthday, we five went to an amusement park. Kapag BER months na ay nag-oopen 'yon at maraming tao ngayon lalo na't malapit na rin ang pasko. May pafireworks display din mamaya kaya nila napasyahang dito na lang.

Sumakay kami ng mga rides. Sa mga mild na rides lang ako sumasakay lalo na't ayaw kong mahilo. Of course, pinipilit nila ako pero hindi ako magpapatinag doon. Hindi ako sasakay dahil alam kong sasakit ang ulo ko.

"Tuwang-tuwa ang mga tao sa tili mo, Jandy" I said while showing their video to them.

"Putangina!!! Ayoko na!" Sabay-sabay kaming natawa sa pagsigaw ni Aaron na sa malaki pang boses.

We played games too. I enjoyed the celebration of my birthday with them. Kahit na mostly pinapanood ko lang sila. Hindi naman ako mahilig talaga sa mga ganoon pero natutuwa naman ako.

Matatanggap ko na talagang tawagin nila akong matanda.

Napangiti lang ako nang sumakay kami sa Ferris wheel. Magsisimula na rin kasi ang fireworks display kaya kanina pa kami pumila dahil madaming tao masyado. Mukhang pati ang ibang tao ay 'yon ang inaabangan.

"Malalaglag kaya tayo?" Pene said unconsciously while looking down. Bigla namang yumugyog nang maglikot si Aaron.

"Aaron pota!"

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon