13

63 3 24
                                    

Kahit na masama ang loob ko nang tawagin kami sa stage bilang second place, hindi ko naman pinakita iyon at nakisabay sa paghatak sa akin ni Art. He's smiling happily while putting his own medal.

I can't really say that this contest was a shit. Dahil kung nadaya man kami, panalo pa rin kami. Hindi nga naman daw talaga naiiwasan ang mga ganoon sa mga laban.

Pero masama pa rin ang loob ko.

"Ngiti naman, Reese" si Sir at lalagay sa akin ang medal ngunit kinuha ni Art iyon at siya mismo ang naglagay sa akin. I arched my brow and scowled at him.

"Harap na, Alliana. Hindi ako ang camera" aniya at siya mismo ang nagharap sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung maayos ang ngiti ko o ano! Pero panigurado akong namumula ako at mukhang natatae ang itsura. Bakit ba kasi siya ganito?

Oo, naiintindihan kong magkaibigan kami. Sabi niya at sabi ko rin. Pero taliwas sa isang kaibigan ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko na nga isinasama ang pagkakagusto niya sa akin noon para pagdudahan ko ang mga kilos niya eh. Iniisip ko na baka ganito lang talaga siya sa mga kaibigan niya o sa mga kakilala niya.

Sana hindi sa lahat.

Bumaba kami ng stage at bumalik sa kinauupuan. Kasama ang iba na nanalo rin.

"Reese, mukha kayong mag-ama kanina ah!" Pang-aasar ng isang kakilala.

"Huwag ka nga, Jared! Maliit lang si Alliana pero hindi kami bagay na maging mag-ama, noh!" Si Art.

Humalukipkip lang ako at pinagmasdan ang dalawang kalaban namin kanina. Parehas malalaki ang ngiti at tila mga kinilig pa nang hawakan nila ang trophy. Sila ang nagchampion.

"Sayang hindi kayo makakasama ng regional? Hayaan niyo na. Sama na lang kayo sa pa-outing nila Ma'am!"

"Lahat daw ba?" Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Art.

"Oo naman! Ano kayo, others?"

"Art, may naghahanap sa'uo sa labas. Parents mo" Natigil ang usapan nang biglang lumapit sa amin ang isang teacher.

Nilingon ko naman si Art na namangha pa at tumango doon. Hinatak niya ako patayo. Nagtaka ako kung bakit niya ako isasama ngunit napunta ang atensyon ko sa kamay niyang nasa kamay ko.

Hawak lang sa kamay, akala mo galawan ng alien iyon para maguluhan ako. Eh hindi naman kasi ako hinahawakan sa kamay ng mga kaibigan ko eh!

Sumunod naman ako sa kaniya at nagtungo kami sa labas. Nang buksan ni Art ang pinto ay ako pa ang pinauna niya. Hindi ko tuloy alam kung paano iiwasan ang mata ng mga magulang niya, kuya, at isang pinsan niya na nakangiti sa amin.

"Congrats, my baby Art!" Ang mama niya at humalik sa anak.

Gumilid naman ako at humawak sa sariling kamay. I saw how his brother, Shan, looks at me with a smile. Pati ang katabi niyang nakangiti din ay kumaway pa sa akin. Ngumiti lang ako nang tipid sa kanila.

"Second kami, Ma! Luto..." bulong niya sa huling sinabi.

"Mapapahinga ka na niyan?" Makahulugang sabi ng papa niya at tinapik pa ang balikat niya.

Bumaling sa akin si Art kaya sabay-sabay din ang pagbaling nila sa akin. Tumango naman ako bilang paggalang ngunit nagulat ako nang ilapit ako ni Art. I heard how his brother and cousin laughs at that.

"Alliana. Sana hindi ka pinahirapan ni Art sa mga gamit niya?" Ang papa niya na ikinangiti ko nang alangan at umiling.

"It's okay if you wanted to throw Art away, Alliana. Kapag naiirita ka na sa kaniya. My son is so--"

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon