We have a report on this one subject. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis na ang kapartner ko ay itong si Cholo na isa sa bugok na kaklase ko. He's that typical bad boy na kaiinisan mo kasi sa pagiging mayabang at malandi niya. Pero kapag sa klase ay ibang-iba. He's one of our top students.
Mabait pero ang hilig mangtrip. Simula noong naassign na kami ang magkapartner, wala siyang ibang binanggit kundi si Art para bwisitin ako.
Ngayon, feeling close at hinarang pa ako palabas ng room para lang sa paggawa namin ng report. Sinabi kong ako na lang ang gagawa ng powerpoint pero nagmamayabang.
"Bakit sa Sabado pa? Pwede namang ngayon na?" Irita kong sabi sa kaniya na ikinangisi niya. Even his lip piercing is pissing me off.
Nagsilabas na rin ang iba sa room at dahil sa paglingon ko, sakto rin ang paglabas ni Art. His eyes immediately sparkled when he saw me but faded when he saw whom I was talking to.
"Para deretso date pagkatapos..." si Cholo na nakapagpabalik sa akin ng tingin sa kaniya at lalo itong sinamaan ng tingin.
Kung hindi ko lang siya kapartner sa report ay hindi naman ako magtya-tiyaga sa ganitong tao.
"Ngayon na nang matapos agad" giit ko.
Tumaas ang kilay niya at nginisihan ako. Pagkatapos ay humarap kay Art na nasa tabi ko na. "May lakad ako mamaya..." bago sumulyap sa akin at kumindat pa.
Gusyo ko siya sapakin.
"Ngayon na" ulit ko.
He just chuckled and tapped Art's shoulder twice. He then walked backwards, away from us. "Sa Sabado!" Aniya habang paalis.
Umirap lang ako at nagsimulang maglakad sa kabila nito. Si Art naman ay agad akong sinabayan at dumaldal na naman.
"Ayos lang ba sa'yong kapartner mo 'yon?" He asked.
"Hindi..." I muttered then stopped when I realized that I'm talking to him.
Huwag ka na lang magpahalata, Alliana.
Binilisan ko na lang ang lakad ko para hindi na niya maabutan. Mangungulit lang 'to hanggang sa aksidente ko na naman siyang masagot.
Sa cafeteria ako dumeretso. Sa madalas na pwesto pumwesto habang hinihintay ang iba. Maaga kaming nadismiss ngayon.
"Salad lang ba ulit?" Art asked for my usual order. Alam naman niya 'yon kaya bakit niya pa tinatanong?
Imbis na sumagot ay inabala ko ang sarili sa notes kanina. Umalis siya pagkatapos kaya naman sumulyap ako saglit sa kaniya.
Paige's words lingered in my mind. Kahit na anong pilit na sipa ko doon paalis sa aking isip ay hindi nawawala. Dahil may punto siya. I broke up with Art because I can't take how he didn't trust me enough. When break up should be done because you don't love him anymore nor he loves you anymore or you feel like you're both falling out of love.
That's how I define how a break up should be. The decision should be mutually agreed from each parties to avoid having bad blood with each other or unfold reasons. Dapat ay parehas ang desisyon ng bawat isa.
Yet I'm here, breaking up with him with just my reason and not his. He doesn't want it. He doesn't want us to break up.
If I wanted him to stop, I should tell him what I really feel. If I don't love him anymore so he can stop chasing me because apparently, I didn't clarify what I really feel about it.
And it sucks because I can't to that.
"May sinusulat ka bang hindi namin makita?" Biglang may nagsalita.

BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomantizmJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...