40

68 3 0
                                    

Hindi ako nakaramdam ng pagod pagkatapos kong lakarin ang layo ng village nila hanggang sa condo ko. My mind was too preoccupied to even think of my tiredness. Napagod ako sa mga sinumbat ko kay Art. It's like I'm stabbing myself using my own words.

I took a shower. To ease the loneliness I felt when I saw how alone I am in my condo.

Madilim sa labas. Ang tanging binukas kong ilaw ay ang sa kwarto ko. Ako mismo ang yumayakap sa kadiliman at kalungkutan.

The last time I loved this kind of ambiance was maybe when I love the thought of being alone. Masaya ako at mahimbing na matutulog maghapon kapag ganito ang panahon. Ganito ang paligid.

Pero alam kong nagbago iyon. I can't even think of something good to do right now without thinking if Art is doing the same thing.

I wore an oversized sweater and pajamas. Nagtungo ako sa sala para naman hindi ako makulob sa kwarto dahil para akong sinasakal doon. Binuksan ko ang TV at nagplay ng kahit anong movie na lumabas doon.

Para ubusin ang oras, inabala ko ang sarili sa pagco-crochet. I wanted to do other things like hat, bag, wallets, but I don't know why I keep messing up. Hindi ko magawa nang maayos.

I'm sometimes jealous with Art. Kasi siya, may mga pinsan siyang laging kaagapay at mapapaglabasan ng mga hinanakit. Pati ang mga babae, sa kaniya unang pupunta at mag-aalala.

Samantalang ako, mag-isa lang talaga. Kahit anong paliwanag ko o pagtatanggol sa sarili, mas panig pa rin ang loob nila kay Art.

Tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang mga 'yon. My lips parted when I saw who they were. Una kong tinignan ang kay Euna.

Euna:
You and Art left? :< Balak pa naman sana naming maligo sa ulan :<

Hindi ako nagreply at binasa ang sa iba.

Paige:
Why do you always leave? We baked some cookies.

Adhara:
Magkasama naman kayo ni Art, right? We'll give you cookies na lang!

Leticia:
Ayos ka lang? Magkasama kayo ni Art?

Maye:
Teach me crochets! Ria is getting bored haha

Then I slowly smiled. I guess I was wrong all along. Ako ang lumalayo sa kanila, hindi sila. Ako ang nag-iisip na wala silang pakialam sa akin pero ang totoo, nag-aalala talaga sila. Hindi naman nila ako kukulitin kung hindi.

Tinignan ko ang ginagawa. Hindi ko na matapos itong bucket hat kaya naman tinigil ko na iyon kaysa masayang ang mga yarn. Tumingin ako sa pinapanood. Hindi ko na alam kung anong nangyayari lalo na't hindi ko naman sinubaybayan iyon.

Tumingin ako sa labas at nakitang hindi pa titila ang ulan. I sighed. Balak ko pa naman sanang umuwi muna kila Tita Jillian ngayon.

Nagtungo ako sa kusina para magtimpla ng kape. Puno na rin ang plastik sa basurahan kaya naman kinuha ko 'miyon para dalhin sa labas.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nakatagilid na nakahigang si Art. Basang-basa ang kaniyang katawan at nang mapagtanto ang pagkakaiwan ko sa kaniya, naiwan siya sa ulan!

Kumalabog ang dibdib ko at nilapitan siya. He's breathing heavily and mumbling unaudible words. Nang hawakan ko siya sa braso, nanglaki ang mata ko dahil sobrang init niya!

"A-art..." nanginginig kong sabi habang inaalalayan siyang itayo.

Nanginginig siya sa lamig pero ang katawan niya sobrang init. Nag-init ang mata ko dahil sa naisip na dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

All because of me.

"Art..." niyugyog ko siya para magising. Namumula ang mata niyang dumilat at nanlaki ang mata nang makita ako. Nakaluhod na ako sa harap niya at nanghihinang nakahawak sa kaniyang braso.

Touches of Cold Love (AS#4) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon