Art Vincent C. Alfanta
"You like her so much, huh?" Ani Papa habang inaayos ang kaniyang relo sa kamay.
Hindi ko maiwasang magpigil ng ngiti nang matapos kong tulungan si Mama sa paglalagay ng mga hiniwang peras sa tupperware para sa amin mamaya ni Alliana.
Sa totoo lang, madalang ko siyang makita kahit naman same school lang kami at section B lang din siya. Hindi naman sana malayo ang mundo namin para hindi kami magtagpo. Makikita ko siyang kasama ang mga kaibigan; tahimik lang, at kahit kailan ay hindi ko pa nakitang ngumiti o mawala ang walang emosyong mukha.
She's very pretty. Iyong kahit saang anggulo, kahit anong ekspresyon ng mukha, hindi kailanman nawawala ang ganda sa kaniya. Mapapatitig ka man sa kaniya, hindi ka naman niya mapapansin dahil wala siyang pakialam sa iba.
"I haven't seen her but I bet she's the prettiest! Ngayon lang naging persuasive si Art, Hon" si Mama na lumapit kay papa para ayusin ang kaniyang damit. Tumigil naman si Papa sa pag-aayos at tinitigan na lamang si mama na may maliit na ngiti sa labi.
I smiled at them. Ang pag-iibigan ng magulang ko ang nagpatunay sa akin na totoo ang walang hanggang pag-ibig. Totoo at kahit kailan ay hindi ko nakitaan ng dumi ang kanilang relasyon. Kung may bagay na perpekto, siguro ang relasyon nila ang masasabi ko.
Gaya na lamang kung gaano kaperpekto sa paningin ko si Alliana. I admit that there are a lot of pretty girls in our school. Marami rin akong kilalang family friend but she's different. In a good way, she's different.
Gusto ko, 'yung ganda niya, para sa akin lang. Pero alam kong hindi pwede pa iyon. Ni hindi niya nga yata ako kilala.
"Friend ko sila Zillah. Wala naman siyang Facebook..." nanghihinayang kong sabi habang tinitignan ang mga pictures nilang magkakaibigan.
It's either she's busy in the picture or smiling softly in the camera. Kahit sa picture, ang taray niya tumingin pero ang ganda pa rin.
Nakakatakot nga lang siya magalit. Nag-e-english.
"Hindi ko nga pinalo! Hindi naman ako bastos ah!" Pilit kong pinagtanggol ang sarili ko kay Kuya.
Crush ko iyon tapos babastusin ko?
Napatingin ako sa inumin sa harap. Kanina, 'yung galit niya, hindi naman talaga nakakatakot. Nahuhumaling lang akong tumitig sa kaniya. Para bang nawawala ang bigla kong takot dahil sa pagsigaw-sigaw niya sa akin kanina.
Ganoon ba kapag crush mo? Hindi mo na talaga iisipin 'yung bad side niya?
"Si Alliana daw ang representative ng klase nila" balita sa akin ni Clane kaya naman sinigurado kong mataas ang makuha kong score sa test.
Para naman mapalapit ako sa crush ko! Ni hindi ko siya nakikita madalas at baka sa pagkakataong iyon, mapalapit pa ako sa kaniya!
Pero gaya ng naisip ko, tahimik lang siya at hindi kami masyadong makakapag-usap. Ayos lang. At least kasama ko siya lagi at nakikita nang malapitan.
Nakakagana tuloy pumapasok lagi. Ni kahit ang pang-aasar ng mga pinsan ko, natutuwa na ako. Pakiramdam ko ay lalo akong nahuhulog kay Alliana.
"Peras talaga?" Si Papa na napatingin sa tupperware na dadalhin ko.
"Favorite niya 'yon" sagot ko na ikinailing na lamang nito at tinapik ang balikat ko. Nagpaalam na rin ako sa kanila tutungo na sa school dahil may review pa kami.
Kapag nakikita ko kung paano siya tumawa sa mga biro ko o 'di kaya'y kukunot ang noo sa akin kapag hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, feeling ko may pag-asa naman ako sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/252984193-288-k484809.jpg)
BINABASA MO ANG
Touches of Cold Love (AS#4) [completed]
RomanceJune 12, 2021 - August 21, 2021 Can Alliana Reese Javier be any warmer than a cold night stone? Tingin pa lang, nakakangatog na ng tuhod. Masungit at maldita-tipikal na babae. Maraming nagkakagusto ngunit maarte talaga siya. Ayaw niya. She wanted...