Chapter 2

11K 226 5
                                    

GUILTY

Natatawa na lang ako sa tuwing naalala ko ang trending na picture namin sa facebook kagabi. Kinuhanan kami ni Eurie habang nag-rerehearse sa bahay nila George. Nakita ko lang ang post niya na iyon nang buksan ko ang aking account. 

Ilang beses din napakunot ang noo ko nang makita ang comment ni Lisette sa isa sa mga pictures namin nila George. That was just a heart-shape. Yeah, a heart-shape and I was thinking if that comment means more than I could imagine. 

Tahimik lang akong nagbabasa ng mga palitan nila Mikel, Kevin, George at Eurie ng kanya-kanya nilang mga komento sa picture na 'yun. At ang tanging nakakuha ng atensyon ko? Ang walang paliguy-ligoy na komento ni Eurie. 

Eurie S. Lazaro: Huli ka!!! May ganyan ka pang nalalaman, huh. Bakit hindi mo na lang idiretso sa picture ni Clay? Hahaha! 

Hindi ko ma-imagine kung ano na ngayon ang itsura ng mukha ni Lisette. I'm sure she's in the midst of panic. Nakita ko kung ano ang comment niya sa sinabi ni Eurie. 

Sofia Lisette M. Agustin: Hoy Eurie! Para iyon sa lahat. 

Sarkastiko akong napangiti nang mabasa iyon. Hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi ni Eurie tungkol kay Lisette. If yes, I don't know what would happen next. Minsan natutuwa ako sa kanya. Pero madalas, naiirita ako kapag nakikita ko siya kung paano mawala ang self-esteem niya kapag nasa malapit ako. 

It sounds pathetic, but I find her like any other girls in the ground. Walang pinagkaiba. Plain and simple. Kahit na mukhang sikat pa siya sa school dahil miyembro siya ng squad, hindi pa din ako na-eenganyo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. 

Habang papunta ako sa building namin, nakasabay ko si Mikel na galing siguro sa cafeteria. Of course, not really in the cafeteria. Malamang nakipagkita pa 'yan sa kung sino. 

"How was your last night?" biro niya habang nakikipag-high five sa akin. 

Nagkibit-balikat lang ako. I know he's pertaining to 'that' picture. 

"Totoo kaya 'yun? She's really into you, bro?" usisa niya sa akin. "Ang swerte mo, 'tol!" 

"I don't know... And I don't care." Tugon ko. 'Yun ang totoo. Wala akong pakialam sa mga taong ganoon kababaw kung makaramdam. Alam kong gusto lang nila ako dahil sa mga bagay na nagagawa ko. Bihira ang mga taong nahuhulog sa'yo dahil lang sa gusto nila ang pagkatao mo. They are after my prominence and name. 

"I dunno." Tugon ko habang pumapasok kami sa aming room. 

Ito ang unang pagkakataon na mag-sasama sa iisang section ang lahat ng estudyante na kasali sa iba't ibang extra-curricular activities ng school. At alam ko, isa si Lisette sa mga magiging kaklase ko. Great! What am I thinking? 

Pinili namin na pumwesto sa bandang likod ng silid. Nadatnan pa namin si Kevin at George na nakikipag-kwentuhan din sa iba pang varsity. Tumango lang sila sa amin ni Mikel. Iginala ko pa ang mga mata ko para tingnan isa-isa kung sino ang mga napasama sa section na ito. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon