Chapter 3

8.4K 194 1
                                    

WEIRD 

Alam kong masyadong marahas ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko nang marinig ko kung paano niya binitiwan ang mga salitang iyon. Paano niya nagagawang sabihin iyon gayong hindi naman niya masyadong kilala si Chelsea. And where did she get the guts to say those words? 

Walang imik akong tumayo. Kinuha ko ang gitara na gagamitin ko ilang minuto mula ngayon. Kung mananatili pa ako sa backstage ay baka hindi lang iyon ang masabi ko sa kanya. Napailing pa nga ako nang sumagi na naman sa isip ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya. 

Nang umakyat na sa stage ang mga hosts ng programa na ito ay pinili ko na tumayo na lang sa gilid ng stage. Tutal naman ay tatawagin din kami pagkatapos nilang magdaldalan sa harapan. 

Dumaan sa harapan ko si Eurie. Kasunod niya si Lisette ngunit bigla siyang tumigil sa harapan ko. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Narinig ko pa ang pag-buntong hininga niya pagkatapos ay nag-baba nang tingin. 

Nakita ko kung paano niya pinaglaruan ang mga daliri niya habang tila nangangapa ng mga sasabihin. 

"Clay..." mahina niyang tawag sa pangalan ko. Nag-angat siya nang tingin sa akin. Mukhang alam ko na kung ano ito. "I know I was rude lately, and-" 

"Save it." Putol ko sa mga sasabihin pa niya. Alam ko naman na madaming tumatakbo sa utak ng babaeng nasa harapan ko ngayon. But it's not the right time to listen to her reasons. 

"Whatever the hell you want to say, save it. I don't want to hear your lame reasons." That was true. Ayokong makarinig nang kahit na ano mula sa kanya. 

Tinahak ko ang stage matapos ko sabihin sa kanya iyon. Shit! I'm on my asshole mode? Nakayuko niyang nilakad ang distansya mula sa gilid ng stage hanggang sa pwesto ni Eurie. Nakagat ko nang mariin ang labi ko habang pasimple kong tinitingnan ang bawat galaw niya. 

Ano ba ang nangyayari sa akin? Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko. Whatever it is that's going on with me, I have to just keep it to myself. 

Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng gitara. Kahit alam kong ayos na ang tono nito ay sinikap ko pa din na suriin dahil baka mamaya ay pumalpak ako. 

Malalakas ang hiyawan ng mga estudyante nang nagsimula na ang kanta na tinutugtog namin. Sa vocals si George, sa drums si Mikel at sa base naman si Kevin. 

Dinig ko ang hiyawan ng mga tao. Masigla ang paligid. Ibig sabihin ay gusto talaga nila kapag nag-peperform kami. Pumikit ako habang kinakaskas ang gitara ko. Nang muli akong nag-mulat ay agad na dumako ang tingin ko kay Lisette. 

She seems pre-occupied. Mula sa stage ay tanaw ko na may sinasabi siya kay Eurie. Dahan-dahan siyang pumapalakpak pero ang isip ay tila lumilipad sa kung saan. Muli akong pumikit. Hindi dapat siya ang iniisip ko ngayon. At hindi dapat sa mismong pagtugtog namin. 

Iminulat ko lang ang mata ko nang natapos na kami. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga estudyante. Pero iisa lang ang sinisigaw nila. They are requesting for one more song. Ngunit hindi na din pinagbigyan dahil na rin sa timeline. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon