Chapter 34

5.8K 113 8
                                    


TOO BAD


Tanging tawanan at kwentuhan lang ang inatupag ng grupo habang naghihintay ng mga pagkain. It's almost three in the afternoon. Ang huling kain namin ay noong nag-stop over kami sa Naga. Kahit ako man ay kumakalam na rin ang sikmura. Sabayan pa ng kakaibang pakiramdam na dulot ng mga mata na iyon ni Clay.


Ilang minuto din ang lumipas at isa-isa nang inilagay ng mga crew ang mga pagkain namin. Nakakapagod ang biyahe pero mukhang mawawala ang lahat nang iyon dahil sa dami ng mga pagkain na nakahain sa harapan namin ngayon.


"Kainan na!" Masayang sabi ni Kevin na sinabayan naman ng palakpak nila Chelsea at Patrice. "Oh mga girls... Hinay-hinay lang sa pagkain. Baka masira ang diet."


Natawa ako sa sinabi na iyon ni Kevin. Kahit kailan talaga madaming baon na kalokohan ang isang ito. Habang nakikisabay sa kanyang biro ang mga babae, napansin ko na tanging si Eurie lang ang nagtapon ng masamang tingin sa kanya.


Nakita ko ang pagnguso ni George sa direksyon kung saan nakapwesto si Eurie. Agad na naintindihan ni Kevin ang ginawang iyon ni George. Kaya naman napatigil siya sa pagkuha ng mga pagkain atsaka binalingan si Eurie na tahimik lang na nagtitipa sa kanyang cellphone.


Masaya at nakakakilig na panoorin ang dalawang aso't pusa na ngayon ay tila ba nagsusuyuan. Pero hindi naman maari na manood ako sa kanila. Wala naman sigurong masama sa pagkilatis ng mga kilos nilang dalawa. Ngunit hindi din naman maganda na pati ang pag-uusap nila ay panonoorin ko pa. At isa pa, I have my own issues to solve. 'Yun dapat ang pinagtutuunan ko nang pansin.


"Here, Clay. You should eat this one." Napalingon ako nang marinig ko na naman ang boses ni Patrice.


Nilalagyan niya ng mga pagkain ang plato ni Clay. Sa ilang oras pa lang na nakakasama ko si Patrice, batid kong mabait siyang tao. Maalaga siya pagdating kay Clay. Hindi ko nga lang alam kung pinagseselos lang ba niya ako o di kaya ay may alam siya sa nakaraan namin ng taong pinapahalagahan niya ngayon.


Bumuntong hininga ako. Sapat lang para pagaanin ang nararamdaman ko. Kung sana ay ganoon kadali na maging maayos ang lahat. Kahit ilang buntong-hininga pa yan ay paniguradong gagawin ko. Pero hindi, e. Imposible.


"What else do you want? Ito ba?... Or this?" Pagpapatuloy pa ni Patrice.


Muli akong nagpakawala ng hangin. Maingat iyon kahit na pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Pigil na pigil ang bawat pagbuga ko ng hangin. 'Yung tipong kapag binuka ko ang aking bibig ay baka tumilapon na lang kung saan ang puso ko.


Paano ko sila natitingnan nang ganito kalapit? Ilang dangkal lang ang layo ko mula sa kanila pero heto ako't nanonood sa bawat galaw nila. It is one slice of hell.


Nasaksihan ko ang bawat ngiti ni Clay kay Patrice. Kung paano siya makinig sa bawat sinasabi nito. Kung paano siya naglalaan ng oras para dito. Higit sa lahat, kung paano niya nagagawang ngumiti kay Patrice nang ganon kadali.


Bakit?... Bakit sa akin hindi?


'Yung mga kilos niya. He's too sexy when he's smiling like that. He's too handsome it's impossible to not to lay your eyes on him. At iyong kulay itim na piercing niya sa kanang tainga niya. Mas lalo lang nakadagdag sa appeal niya. Mas lalo siyang gumwapo. Kapansin-pansin din ang pagiging tan ng balat niya. The last time I remembered, maputi siya at walang kahit na ano sa tainga. Madami na talaga ang nagbago. Pero ako? Nanatili lang na nagmamahal sa kanya.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon