Chapter 32

5.7K 116 1
                                    


WHAT IF


Agad kaming umalis sa Graceland matapos namin kumain. Hindi pa rin matigil sa pakikipag-biruan ang mga lalake. Ngayon ay nakikisabay na si Clay sa kanila kumpara noong nasa biyahe kami. Ang mga babae naman ay kanya-kanyang pulong dahil na rin siguro sa nangyari kanina.


Napabuntong-hininga ako nang makaakyat na kami ulit sa van. Titig na titig pa ako kay Clay habang pumapasok siya sa loob. Ganon pa rin. Kahit isang beses ay hindi siya tumingin. Kahit isang segundo ay hindi niya ako sinulyapan. Nasa likod lang ako. Nasa iisang sasakyan kami. Pero bakit ganon? Pakiramdam ko ay hindi niya ako nakikita. Pakiramdam ko ay hindi niya ako nararamdaman.


"Almost two hours pa ang biyahe. From Sabang Port, we'll ride a passenger boat to Guijalo." Ani George na tutok na tutok ang mga mata sa daan.


Pumapalpak sa tabi ko si Ara na nakipag-apir pa kay Eurie at Reese. "Finally! Malapit na tayo!" Masayang sabi pa niya.


"Oo nga. Masakit na ang likod at pwet ko kakaupo." Natatawang bulalas naman ni Reese.


"I can't wait to see that beautiful island." Dinig kong sabi ni Mikel.


Nakatanggap siya ng batok mula kay Kevin. "Don't fool us, dude! Babae lang ang gusto mong makita doon."


"Kahit kailan talaga kayo! Noong umalis si Lisette, ganyan na ang inaatupag ninyo. Hanggang ngayon ba naman, 'yan pa din ang aabutan niya? Nakakahiya talaga kayo!" Tuloy-tuloy na paghuhuramentado ni Eurie.


Nakita ko pa ang pagtaas-baba ng balikat niya dahil sa walang tigil niya na pagsasalita kanina. Bahagya pa akong yumuko para mas lalo kong makita si Eurie. Namumula ang kanyang mukha at habol pa niya ang kanyang hininga. Ngunit sa pagyuko na ginawa ko, sakto naman ang pagbunggo ng ulo ko sa kamay ni Clay na nakakapit sa headrest ng kanyang upuan.


Gumalaw ang kanyang kamay atsaka bumitiw sa pagkaka-kapit doon. Kinagat ko ang labi ko atsaka muling umayos nang upo.


"Sorry." Naibulalas ko.


Narinig ko ang pagtikhim ni Mikel na bahagya pa akong nilingon. Ano pa nga ba? Naramdaman ko na naman ang pagtama ng siko ni Ara sa aking tagiliran. Tumingala ako habang inaalala ko ang pagtama ng ulo ko sa kamay niya. Holy shit! That feels! Kahit wala pang isang minuto iyon ay kusa ko siyang naramdaman.


"No harm done." Naisa-tinig ni Clay gamit ang malamig niyang boses.


Magsasalita pa sana ako ngunit ano ang sasabihin ko? Kaya pinili ko na lang na tumahimik. Ito ang ikalawang beses na nagka-usap kami. Iyon ay kung pag-uusap ba na maituturing ito.


Katahimikan ang nangibabaw sa amin pagkatapos iyon sabihin ni Clay. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang silang tumatahimik kapag si Clay na ang nagsalita. Siguro ay pinapakiramdaman nila kung pwede ba siyang biruin sa mga ganung pagkakataon.


Gayun pa man, para pa rin silang nag-kakapaan kung sino ang unang magsasalita. Kung sino ang unang magbibiro ulit.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon