Chapter 39

6.1K 130 3
                                    

CHANCE OR CHOICE

Nakaawang ang bibig ko habang nanlalaki ang mga matang nakapako sa kulay puting dingding sa loob ng cabana ng mga lalake. Nawala na si Clay sa harapan ko. Ngunit ang pagbaon ng mga daliri niya dala ng galit ay patuloy ko pa rin na nararamdaman sa katawan ko. Pinilit kong hindi maramdaman ang sakit na iyon. Ngunit ang marinig sa kanya ang lahat ng hinanakit na ibinaon niya sa loob ng mahabang panahon ay mas lalong nagpahabag sa kalooban ko.

To feel the pain made me weak once more. But to hear him in pain is another story. It hurts damn much! Siguro ay walang kapantay ang sakit na nararamdaman namin. Maybe it's true that there's no such thing as the same pain.

Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Bigo kong isinara ang bibig ko. Umayos ako ng tayo atsaka pinunasan ang takas na mga luha mula sa mga mata ko. Ang mga tubig na iyon ang ebidensya kung gaano ako nasasaktan ngayon. Tanging sila lang ang nakakaalam nang lahat ng pinagdadaanan ko.

Huminga ako nang malalim. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang pagbukas ng pintuan ng cabana. Agad na kumislap ang mga naggagandahang ilaw sa paligid ng West Pen. Nakakalungkot! Sobrang nakakahinayang...

"Oh shit!" Si Kevin 'yun kung hindi ako nagkakamali.

"Are you done? You can leave now." Dinig ko ang malamig na boses ni Clay.

Lihim akong bumuga ng hangin. Marahan ko siyang tiningnan. Nakaharap siya sa nakabukas na pintuan habang si Kevin ay kunot-noong nakatingin sa direksyon ko. Marahil ay iniisip niya kung bakit ako nandito ngayon.

"Kayo ba... ni Patrice?" Halos pabulong na tanong ko. Hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang bukol na namumuo na naman sa lalamunan ko.

Marahil iyon na ang pinakamahirap na tanong para sa akin. At ang magiging sagot? It could make or break me.

For all the many reasons. For all the heartaches and heartbreaks. For all the betrayals. For all the beginning and ending. It will and will always hurt me so much! It will always be my greatest nightmare.

"It's none of your fucking business."Asik ni Clay na siyang nagpasinghap sa akin.

Tumindig ang mga balahibo ko. Sobrang lamig sa pakiramdam na tila ba ibinabaon ako sa tubig na punung-puno ng yelo. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanya kahit pa nanginginig na ang mga tuhod ko.

Kinagat ko ang aking labi. Nagbabakasali na umayos ang mga tinig, ang mga salita, na nagbabadya na namang lumabas mula dito. Hindi ko na maitatanggi pa. Wasak na wasak na ako. Durog na durog na ako dala ng mga salitang binitiwan ni Clay. Pakiramdam ko ay ubos na ako. Ubos na ubos na...

"I know words can't bring you back... Even the tears can't make you fall for me again... I know as I have tried them all... As I have cried them all."

Nanghihina ako sa bawat paglabas ng mga salita sa aking bibig. Pinilit kong maging malinaw iyon sa pandinig niya. Sinikap kong pigilan ang pag-piyok ng aking boses. Sinikap ko kahit na alam kong hindi siya makikinig. Kahit na pakiramdam ko ay wala siyang pakialam.

"You just love me half-heartedly." Naisa-tinig niya. "It's done. It's all gone."

Wala akong nagawa kung hindi ang takpan ng mga palad ko ang aking bibig. Pinanood ko lang si Clay hanggang sa maglaho siya sa paningin ko. Hanggang sa lamunin siya ng dagat ng mga tao.

It raised hell. Just like the old feelings brought back from dead. It's like the water that never stays in the same place nor touches the same wave.

Just like us... Strangers once again.

Pigil ko ang aking hininga habang tinatahak ang distansya patungo sa cabana namin. Kahit pa ang lingunin si Kevin ay hindi ko na nagawa pa.

'Yun na ba 'yun? Hanggang doon na lang ba talaga? Ginawa ko naman lahat! Sinabi ko naman ang lahat! Kahit na sa ano'ng paraan, ginawa ko naman. Ginawa ko di ba? Halos magmakaawa ako. Dammit! Nagmakaawa ako! Halos lumuhod ako sa harapan niya para lang makuha siya ulit. Para lang bumalik siya sa akin.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon