Chapter 55

7.3K 153 20
                                    

This will be the last chapter. Thank you for making it this far... Until my next stories.

================================================================================

ANOTHER SOUL


Mugto ang mga mata ko nang makabalik ako sa bahay. Sinigurado kong hindi ako makikita ni 'Nay Rosa dahil tiyak akong mag-aalala iyon. Sa lagay kong ito, daig ko pa ang binagsakan ng langit. Sobra pa sa sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay nalipat sa akin ang hinanakit ni Patrice.


She's so damn desperate. Nagpakababa siya sa isang katulad ko. Dahil kay Clay kaya niya ginawa iyon. Humugot ako ng malalim na hininga. It's been what? Five fucking years! She is still hoping that she will end up with Clay.


Nasapo ko pa ang aking kaliwang pisngi at bahagyang hinilot iyon. Hindi ko inasahan na nandoon si Chelsea para sa kaibigan niya. Nagulat na lang ako nang hinablot niya ang braso ko para kumprontahin ako. Ssuddenly, she slapped me hard!


Pinalis ko ang aking luha habang tinitingnan si Chelsea sa harapan ko. Mabigat pa din ang dibdib ko nang nakalabas ako mula sa restaurant na iyon. Humalukipkip siya sa harapan ko.


"You think Clay is so damn in love with you, Lisette?" Utas niya sa akin. "After what you did?! Tingin mo ba ay talagang pagmamahal ang nararamdaman niya para sa'yo? Ha, Lisette?! Come on! Tell me!"


Nagulantang ako sa tono ng pananalita niya. Alam ko kung bakit siya nagkakaganyan. Alam ko dahil simula't sapul, alam niya kung ano ang mga nangyari. Nandoon siya sa mga panahong mahal na mahal ni Clay at Patrice ang isa't isa. At nandoon siya noong masira ang relasyon ng dalawang taong malapit sa kanya.


Higit sa sino pa mang tao, may karapatan siya para manghimasok. May karapatan siyang isumbat sa akin lahat! May karapatan siyang magalit at isigaw sa akin ang mga panunumbat na hindi nagawa ni Patrice! I know! I should've prepared for this. Na hindi sa lahat ng pagkakataon ay papanig sa akin ang tadhana.


Ngunit nanatili akong nakatayo at pinilit na 'wag mabasag sa mga salita niya. Tikom ang aking bibig habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.


"Don't you see? They are trying to get back what they've lost and then you showed up again. Just pack your things and fly back to New York!" Frustrated na wika niya.


Umiling ako at ngumiti na parang hindi naniniwala sa mga lumalabas sa bibig niya. No! Hindi ako matitinag dahil lang sa mga salita niya. Hindi sa harapan niya. Hindi sa kahit kanino!


Kahit nanghihina ako ay pinilit kong humakbang papalapit sa kanya. "Stop your desperate moves, Chelsea. You have no say on this!" Wika ko nang madiin.


Ngumiwi siya at saka pinilig ang ulo niya. Nakita ko ang pagtiim-bagang niya. "Really? Hindi ka ba natatakot? Na baka this time, kapag hulog na hulog ka na sa kanya ay siya naman ang bumitiw sa'yo? Just like what you did to him years ago!"


"Mahal niya ako. He already proves me that. Why don't you mind your own fucking business and stop ruining ours!"

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon