Chapter 16

5.1K 105 1
                                    

HINDI KO ALAM 

Tinanguan ko lang sila George, Mikel at Kevin nang binati nila ako sa corridor. Biglang nag-iba ang mood ko nang makita ko ang mga bulaklak na 'yun sa mesa ni Lisette. It's too early in the morning. I was happy and calmed not until I saw those freaking things. 

Iniisip ko tuloy kung ano ang nararamdaman ni Lisette noong nakita niya ang mga iyon. Is she happy? Are those things making her happy? 

Napailing ako sa realisasyon na iyon. Napaisip kung ganoon ba ako'ng klaseng tao. Looking back, I'm not like that. I used to be so protective to Patrice. I made her smile, yes. I gave her flowers and all some kind of stuff. Pero 'yun ay ang mga panahon na siya mismo ang nag-sasabi sa akin na gusto niya ang mga 'yun. It wasn't my own initiative. 

God! Patrice again?! She's really haunting me. Nalalaman kaya niya ito? I might be dead by now if she does. Napakasama kong tao para gawin ito. I admit. Para akong namamangka sa dalawang ilog. Wala na akong pinagkaiba sa mga kabulastugan ni Kevin o ni Mikel. Masahol pa nga ata ako. Kasi sila, puro flings lang. E 'yung akin? Unti-unti nang lumalalim ito. 

I'm committed and yet, nakuha ko pang mag-hanap at makaramdam nang ganito sa iba. It's my fault, I know. Dahil nag-padala ako sa kahinaan ko. Kumagat ako sa kalokohan ni Kevin. Subukan ko sa iba dahil malayo naman si Pat? The hell! Buhay pa ako, alam kong sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa ko. 

"'Tol, tara na sa loob." Natigil lang sa pag-wawala ang isip ko nang tinapik ako ni George. 

Tumango lang ako tsaka mabilis na sumunod sa kanya papasok sa aming silid. Diretso lang ang tingin ko sa upuan ko sa bandang likod habang nag-lalakad. 

Batid kong may mga matang nakamasid sa mga kilos ko pero wala akong pakialam. 

Hindi ko namalayan na tapos na ang kalahating araw namin dahil sa mga gumugulo sa isip ko. Hindi ko din napansin na wala na si Lisette sa aming classroom. Pati si Eurie ay wala na din. Very unlikely. 

Napapaisip tuloy ako kung bakit mabilis pa sa ipu-ipo na nawala sila sa paningin ko. Napapikit ako nang mariin dahil doon. If she's being nuts, I don't know what will I do with her. 

Kunot-noo kong tiningnan ang pwesto nila sa cafeteria. Mas lalo lang akong nainis nang tanging si Eurie lang ang nandoon. Where the hell is she? Relax, Clay. Baka naman nasa comfort room lang. 

Walang-imik akong umupo sa kabilang side ng table. Bumaling pa sa akin si Eurie ngunit umiwas lang ulit ng tingin. Kumakain na siya sa mga oras na ito. 

Umuna na ako sa counter para umorder ng pagkain. Wala si Lisette pero kinuhanan ko pa rin siya ng pagkain. 

Iginala ko pa ang mga mata ko sa paligid. Tanging ang kaharutan lang ni Kevin at Mikel ang bumungad sa akin. Nasa kabilang table sila. Nakikipag-kwentuhan sa mga freshmen. Napa-iling ako sa senaryo na 'yun. 

Napatingin ako kay Eurie at George na mukhang seryoso sa pag-uusap. Parang may mali. Sinulyapan ko pa ang relos ko at nakitang ilang minuto na ang lumipas ay wala pa din siya. Where the hell is she?! 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon