Chapter 19

4.9K 99 3
                                    

MINE


Everything was easy just like breathing. It was okay not to think most of the things every time. Pero iba na ngayon ang sitwasyon. Every bit of me has changed when Lisette happened. Noong una, akala ko ay ayos lang na gawin ang sinabi sa akin ni Kevin.


'Try mo lang dude! Ayos lang. Malayo naman ang girlfriend mo dito.'


Napailing ako nang maalala ko 'yun. Hindi ko din masisisi si Kevin. Nature na nya ang makipag-fling kahit bata pa siya. Ewan ko ba doon. Basta pagdating sa mga babae, naiiba ang pag-iisip niya. Not that I'm very clean. Hindi ko sinasabi na malinis ako. Heto nga't sumasakit na ang ulo ko sa pag-iisip kung ano ba ang dapat na gawin.


Well, alam ko na kung paano. Pero naduduwag ako. Hindi ko alam kung worth it ba ang gagawin ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa magiging desisyon ko.


But one thing is for sure, I'm doing this because I want to clear everything.


Nagulat si Mommy nang makita niya ako pababa ng hagdan. Inisip niya siguro na maaga akong umalis papunta sa School. Minsan kasi ay hindi na ako nakakapag-paalam sa kanya. Lalo pa't minsan ay maaga akong pumapasok.


"Good morning, Mom." Hinalikan ko pa siya sa kanyang pisngi bago naupo sa harapan na upuan sa dining area.


Tumingin siya sa kulay ginto niyang relos. May kunot sa kanyang noo nang nag-angat uli siya ng tingin sa akin.


"Walang pasok, Clay?"


"Meron, Mom. I just don't feel like going to school today." Pagkikibit-balikat ko.


Mas lalong kumunot ang noo niya. I know. I know.


"Kailan ka pa hindi sinipag na pumasok, Son? You're acting so weird." Aniya pagkatapos ay sumimsim ng black coffee.


"Gusto ko lang mag-pahinga, Mom. That's all."


Hindi na nag-tanong pa si Mommy. I know she understood. Naging tahimik lang kami habang kumakain.


Muli akong umakyat sa kwarto ko. Pabagsak pa akong humiga sa kama ko. Ilang beses ko na din na tiningnan ang cellphone ko. Ilang beses ko na ring nakita ang mga text ni Lisette. Tinatanong niya kung nasaan ako, kung papasok daw ba ako.


Pero wala ako sa huisyo para mag-reply sa kanya. I feel like she's really into me. Ako din naman sa kanya. I like her. Walang duda na gusto ko talaga sya. 'Yun nga lang. Life is really not a plain one. May mga bagay na nangyayari kahit hindi ko man gustuhin.


'Habol ako sa practice mamaya. Run some important things.'


Agad kong sinend ang text na para kay George. Kahit gusto kong mag-reply kay Lisette ay pinipigilan ko pa ang sarili ko. I have to lie low. I need to slow down things between us.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon