Chapter 27

6.2K 137 3
                                    

CHEERS

Hindi pa man kami nakakaalis sa venue ay inulan na ako ng maraming tanong mula sa kanila. Sumasagot naman ako kaya lang ay hindi ko alam kung sino ang uunahin. Malulutong na tawanan ang naririnig ko sa kanilang lahat. Samantalang ang utak ko ay lumilipad na agad kung saan.

"So, any plans? Are you staying here for good?" Nagulat pa ako nang inakbayan ako ni George. Nakangiti siya sa akin habang sinasabayan ako sa paglalakad.

Tumahimik sila Kevin, Mikel, Eurie, Reese at Ara. Natigil ang tawanan nila. Napanguso ako nang nakita kong nakatingin sila sa akin. Tila naghihintay ng sagot ko sa tanong ni George.

"Yup. For good." Pag-tango ko pa.

Napatawa ako sa inakto nilang lahat. Nag-apir pa nga si Mikel at Kevin. Habang sila Eurie, Ara at Reese naman ay nag-yakapan. Tumalon-talon pa sila nang ilang beses bago muling nag-bitiw. Nakakataba ng puso na makita silang masaya dahil sa wakas ay nandito na ako.

"Pre. Sunod ako." Ani Kevin pagkatapos ay nauna na sa paglalakad patungong parking lot ng School. Nakipag-tanguan pa siya kay Mikel.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ni Kevin nang muli siyang humarap sa direksyon namin. Nakapamulsa siyang lumapit kay Eurie pagkatapos ay itinuro ito.

"Be safe." Mariin na sabi ni Kevin kay Eurie. Agad din na tumalikod si Kevin para magpatuloy sa paglalakad.

Narinig ko ang pagtikhim ni Mikel. Kasabay noon ay ang kantyaw ng mga kasama ko. Kumunot ang aking noo. May mga bagay talagang mananatiling kwento na lang.

"'Tol." Ani Mikel sabay tapik sa balikat ni George. "Mamaya na lang."

Nakita ko ang pag-tango ni George. Kung ganon ay magkikita-kita pa sila mamaya. Ano'ng oras na ngayon. Marahil ay may sarili silang selebrasyon para sa okasyon na ito.

"At ikaw! Sasama ka sa amin, ha." Utas ni Eurie sabay sakbit sa braso ko. "Na-miss talaga kita, Lisette!" Sabi pa niya sabay yakap sa akin mula sa tagiliran.

"Oo nga! You owe us, Lisette! Madami kang atraso sa amin. Limang taon 'yun, ah!" Utas ni Ara na talaga namang humarap pa sa akin. "Limang taon!" Ulit pa niya.

Natawa ako sa inasta nilang dalawa. I missed them so much; it's hard for me to leave again. Of course, there's no reason to run away again.

"Lalo kang gumanda, Lisette. Ano ang sikreto?" Namula ata ako sa tanong na iyon ni Reese sa akin nang makasakay kami sa sasakyan ni George.

Sa kabilang kotse naman ay ang mga magulang ni George na naunang lumabas sa main gate ng campus. Napatingin ako sa labas ng bintana habang minamaniobra ni George ang Mazda niya. Sa unahan ay si Eurie habang kaming tatlo nila Ara at Reese ay naupo sa likuran.

"Wala naman, Reese. It's just so good to be home." Tugon ko.

It's true. Mas masaya ako na nandito na ulit ako. Malapit lang sa kanilang lahat. Although Mom and Dad are still in New York, I'm just happy I have my second family here.

Nasa high way na kami nang maalala ko na may kasama pala ako kanina. I forgot about Kaith Lyn. Dahil doon ay napasinghap ako. Dahilan para magtanong sa akin si Ara.

"Are you okay?" Aniya.

Nakagat ko nang madiin ang labi ko. "May kasama ako kanina. Si Kaith Lyn."

Tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho si George. Hindi ko alam kung patitigilin ko ba sya para bumalik sa school. Ilang sandali pa ay nakita ko ang pagbalikwas ng upo ni Eurie sa harapan ko.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon